Sandara's P. O. V.
"Woah! Costumer mo pala si Architect Hinata. Alam mo bang yayamanin iyon." sabi sa akin ni Dark pagkaupo namin. Sino yun?
"Sino yun? Hindi ko siya knows!" tanong ko. Napatawa naman siya sa word na ginamit ko.
"Si Akiro Yuri Hinata! Ang highest paid Architect sa buong pilipinas! Yung lalaking nakalunok ng gluta na singkit yung mata." ako naman ang natawa sa kung paano niya dinescribe si Architect.
"Ahh! He look so familiar. Hindi ko alam pero nararamdaman kong parte siya ng nakaraan ko." sabi ko sa kaniya. Akiro Yuri Hinata. Gusto na ata kita! Ayieee!
"Hah! Lakas mo ahh! Highest paid Architect, parte ng nakaraan mo? Weh?" sa inis ko binato ko siya ng tissue. Saktong sakto sa bunganga niya. Hahahah!
"Wala akong sinabi na maniwala ka! Pero maiba tayo, mahal ko na ata siya. Kung kanina gusto ngayon mahal na. Love at first sight ata itoh!" niyugyog ko pa siya kaya kinurot niya ako. Aww! Masakit iyon!
"Love is a strong word, Sands. Siguraduhin mo munang pagmamahal iyan bago mo sabihin sa iba." seryosong sabi niya sa akin. Wow! Nagbigay na naman siya ng ganiyan! Idol!
"Alam ko. Pero hindi ako nagbibiro. Alam ko ang gusto sa pagmamahal. Pero iyon siguro ang tinatawag nilang love at first sight. I think Im in love, Kadiliman." sabi ko sa kaniya habang nakangiti.
"Haay! Dalaga na ang kaibigan ko! Marunong nang magmahal!" tapos niyakap niya ako.
"Hmp! Matagal na akong dalaga noh!" kinurot ko siya sa pisngi sa panggigigil. Napangiwi naman siya at tinanggal ang kamay ko.
"Pero ingat ka ahh. May rumored girlfriend iyan. Si Chloe. Yung model. Palagi silang magkasama." paalala niya sa akin. Haay! Parang si kuya talaga siya.
"Pakialam ko? Rumored girlfriend pa lang iyan. Yung iba nga mga asawa na at legal na girlfriend naaagaw ehh. Rumored pa kaya." palaban kong sabi. Hah! Palaban kaya ito.
"Palaban ka talaga, Sands. Kaya kaibigan kita ehh!" tapos sumubo siya ng cake. Sayang! Kakatapos ko lang kumain ehh.
"Sandara? I-is that y-you? You're a-alive!" napapitlag ako ng may humawak sa balikat ko. Sino toh? Infairness ang gwapo! Swerte naman ng Cafe ko! Puro gwapong nilalang ang nandito.
"Yes. I am Sandara. Cass Sandara Nichole Rivera. Im alive and kicking. Who are you? You look familiar." nakangiti kong ani.
"Its me. K-kim Bo Won. Your friend. Co-army. Don't you remember me? Ghad! Im glad you're alive, Sandara." nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Sobrang higpit.
Nakita kong nakatingin din sa amin yung mga kasama niya ata. Mga naiiyak na masaya. Yung isang babae umiiyak habang pinapatahan ng lalaking umiiyak din. They look so familiar. I can feel it.
"A-ahm. Sorry, B-bo Won. I don't know you. Im sorry. Baka nagkamali ka lang." kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin. Umiling iling siya na parang bata. Pulang pula ang mukha. Parang tinusok naman ang puso ko sa itsura niya.
"N-no! Ikaw iyan! Wag mo na kaming lokohin! Nawala ka na sa amin ng ilang taon, hindi na ulit kami papayag na uuwi ng hindi kumpleto!" umiiyak na sabi niya.
"Baka kamukha ko lang siya at kapangalan. Coincidence lang siguro iyon. Tumahan ka na muna. Adrian! Kumuha ka ng tubig! Ibigay mo sa amin! Bilis!" hinawakan ko ang mukha niyang pawis na pawis at pinunasan gamit ang panyo ko.
"Ito na po, Ma'am." ibinigay niya sa akin ang tubig kaya ipinainom ko ito kay Bo Won.
"Ahmm. Aalis na ako. Please, calm down. Dark, tara na. May pupuntahan pa tayo diba?" umalis na kami doon. Nasa pintuan na kami ng dumating si Architect. Nagkabanggan tuloy kami.
BINABASA MO ANG
Zeal Academy: School Of Wizards
FantasiZeal Academy: School of wizards. Isang tagong paaralan para sa mga hindi normal na mga estudyante. Mga estudyante na kayang gamitin ang mahika. "Welcome to Zeal Academy, Zealots! A school only for wizards! We will help you to train the magics insid...