A/N: Hello, everyone! Again, I want to say thank you for reading my story!
Update for today, everyone! Hope you all like it. Have a nice day! ~Missy Alex
Mj's P. O. V.
Its been six months ng mawala si Dara. Hindi na naging masigla ang Alpha. Nawala ang isa sa amin. Nawala ang kaibigan namin.
Bagong school year na. Kakabalik lang namin mula sa bakasyon. Umuwi ako sa amin. Ganoon din ang iba. Except kay Limiah at Akiro. Nabalitaan ko kay Limiah na hindi daw lumalabas ng kwarto ni Dara si Akiro. Tuwung gabi lang daw. Nagte-training. Nagpapalakas.
Palagi daw mainit ang ulo ni Akiro sa nagdaang bakasyon. Si Limiah lang ang kasama niya sa dorm. Nagaalala daw kasi sila Headmaster kay Akiro kaya pinapatulog nila si Limiah sa dorm para may kasama si Akiro.
"Limiah, gising ka na ba?" katok ko sa kwarto niya.
May klase pa kami ngayong umaga. Ayaw kong malate siya noh! Biglang bumukas ang pinto kaya muntikan na akong matumba.
"Tapos na ako. Tara na. Umalis na ba silang lahat?" tumango ako sa kaniya. Magtatanong sana siya ng makarinig kami ng pagbukas ng pintuan. Si Akiro.
"Sabay ka na sa amin?" yaya ko dito pero nilagpasan niya ako.
Haay! Lagi na lang siyang ganito. Hindi nagsasalita. Laging tulala. Hindi namamansin. Kapag may nagawa kang hindi niya nagustuhan, lagot ka!
"Hindi lang naman siya ang nawalan. Tayo din! Nawalan din tayo ng kaibigan!" inis kong sigaw. Hinawakan naman ni Limiah ang braso ko para pakalmahin.
"Hayaan mo na siya. Mate siya. Mas malakas ang impact sa kaniya kaysa satin. Intindihin mo na lang siya."
Umalis na kami sa dorm. Sabay kaming naglakad papunta sa classroom namin. Haay. Bakit pa pupunta sa classroom? Ehh pupunta din naman kami sa field. Daming alam ng school na ito!
Bakit kasi si Dara pa? Bakit yung kaibigan ko pa? Maraming mas deserving na mapunta sa kalagayan niya, bakit siya pa? Siya pa na mabait?
"Oi. Tulala ka diyan? Don't tell me dinamdam mo ang ginawa sa iyo ni Akiro? Ohmyghad! Im not informed na madamdamin ka!" napairap na lang ako ere ng mangasar siya. Hilig niya mangasar ngayon ahh.
"Im thinking about Dara, Limiah. She's too kind para maranasan ito! Malakas siya, oo! Pero hindi ko maiwasan magalala. Kaibigan ko siya." sabi ko sa kaniya. Im stressed!
"Bakit kayo late?" napalingon ako sa pintuan ng may nagsalita. Si Madame Lykah.
"Hinantay ko lang po si Limiah. Ang tagal po kasi niya lumabas ng kwarto." tumango naman ito sa rason ko.
"Punta na tayo sa field. Orasa na ng pagsasanay." pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla siyang nawala sa harapan.
"Ang balita ko ay kasama na natin ang Beta at Gamma sa pageensayo." tsk! Kasama na pala sila. Akala ko pa naman kami lang.
"Bakit daw?" tanong ko pero nagkibit-balikat lang siya.
Naglakad na kami papunta sa field. Mukhang nauna na si Akiro doon. Hindi na siya napunta sa classroom. Ang talino talaga ni Akiro. Sanaoll.
"Ang ituturo ko sa inyong lahat ay opensa at depensa. Gusto kong maglaban laban kayo. Gamma vs. Beta vs. Alpha. Walang kampihan. No teams. No cheat. I will call a name. Freya of Gamma vs. Trixie of Beta vs. Kc of Alpha."
Naglakad na si Kc papunta sa gitna. Kasama niya doon yung dalawa pang babae. Magaganda sila. Aaminin ko. Pero mas maganda pa din si Limiah.
"Ready? Fight!"
"Bombarda Maxima!"
"Confringo!"
"Diffindo!"
Sunod sunod nilang sigaw. Napansin ko ang galaw ni Kc. Masyado siyang mabilis kung kaya't nasaktan niya ang taga Gamma. Talino lamang ang mga Gamma. Hindi sila lumalaban ng pisikalan.
Nagsisigawan na ang lahat ng tao na naroon. Sinusuportahan ang kanilang teammates. Kami lamang ang hindi nagiingay. Hindi kasi namin ugali na sumigaw kapag may naglalaban. Sanay kaming nagtutulungan.
Natapos ang laban na nagsisigawan. Napangiti ako ng malaman na kami ang nanalo. Hindi talaga napalya ang galing ni Kc. Lumapit agad si Tae Gi kay Kc. Ginamot ang bawat sugat nito at bali.
"Next is Juan of Gamma vs. Lupin of Beta vs. Limiah of Alpha!" nanlaki ang aking mata ng mapagtanto na si Limiah na ang susunod na lalaban. Nginitian niya ako at pumunta na sa gitna.
'Goodluck! Be careful.' I told her in mind. She just smiled at me.
"Fight!"
"Expulso!"
"Bombarda!"
"Lacarnum Inflamarae!"
Sabay sabay nilang sigaw. Isang malaking usok ang pumalibot sa kanila. Sinubukan kong hagilapin si Limiaj pero hindi ko siya makita. Puro ubo at reklamo ang aking naririnig.
"Ayos lang ba kayo?" tanong ko sa kanila. Tumango lang sila bilang pagsagot.
Nang mawala ang usok ay nagulat kami sa aming nakita. Nakahiga na ang mga kalaban. Si Limiah na lang natira na nakatayo. Walang kasugat sugat kaya napangiti ako. Magaling!
"Ayos ka lang ba, Limiah?" tanong ko dito ng makalapit siya sa amin.
"Ayos lang. Sorry sa usok." niyakap ko siya ng sobrang higpit. Ayaw ko na sana siyang bitawan kaso lang nagsalita na ulit si Madame.
"Very good, Alpha! Julius of Gamma vs. Liam of Beta vs. Mark Joshua of Alpha!" oh! Ako na pala.
"Goodluck. Wag mo kaming bibiguin." hinalikan ko lang siya sa noo at pumunta na sa gitna.
"Sweet ehh! Ready? Fight!" agad kong inilabas ang aking wand at nag-chant.
"Bombarda Maxima!"
"Expulso!"
"Fire storm!"
Sigaw namin na siyang dahilan ng isang malakas na pagsabog at usok. Sh*t! Masakit sa mata. Inilabas ko agad ang aking sandata at sinugod sila.
Una kong pinatumba ay ang Gamma. Pinukpok ko siya sa ulo na siyang dahilan ng pagkawala ng kaniyang malay. Huli kong pinuntahan ay ang Beta. Sinubukan niya akong patalsikin pero naiwasan ko iyon.
"Bombarda!" sigaw ko. Sumabog ang kinaroroonan niya. Nang mawala ang usok ay nakatumba na siya. Napangiti ako. Gaya nga ng inaasahan.
Pupunta na sa ako sa pwesto namin kanina nang mapatigil ako. Ang tugtog na iyon. Ang tugtog na palaging itinutugtog ni Dara. Nandito siya. Nakamasid lamang sa amin. Nagpatuloy ang tugtog.
F*ck! What's happening? Napaluhod ako. Umiikot ang paligid ko. Inaantok na ako. Is this because of the song? She wants me to sleep.
'You did a great fight, Josh. Im proud to be your best friend. Always remember, Im here. Watching you guys. I miss you all already. Till we meet again, my dear friend.'
I saw her. Malayo sa amin. Nakatingin ng diretso sa amin. Nakangiti pero umiiyak. Napangiti ako bago unti unting napahiga at mawalan ng malay.
****
A/N: Anong masasabi niyo sa chapter na into? Feel free to comment your opinions, guys!
BINABASA MO ANG
Zeal Academy: School Of Wizards
FantasiaZeal Academy: School of wizards. Isang tagong paaralan para sa mga hindi normal na mga estudyante. Mga estudyante na kayang gamitin ang mahika. "Welcome to Zeal Academy, Zealots! A school only for wizards! We will help you to train the magics insid...