Chapter 15

623 43 0
                                    

Arghhh! Ang sakit ng ulo ko! Ang sarap ipukpok sa pader ng kwarto ko. Isama mo pa yung katawan ko. Ang sakit sakit. Na para bang onting galaw ko lang ang sakit na. Ah! Hindi. Hindi pa ako gumagalaw ang sakit na. Para akong sinagasaan ng truck tapos ginulungan ng ilang kabayo.

"Uhhmm..." ungol ko bago binuksan ang mga mata. Unang sumalubong sa akin ang liwanag kaya napapikit ulit ako. Shete lang! Masakit din iyun sa mata!

"Sandara, gising ka na ba?" tanong sa akin ng kung sino man. Obvious naman diba? Nagmulat na nga ng mata eh! Nasilaw lang.

"Yup." sagot ko bago ko dahan dahan binuksan ang mga magaganda kong mata. Charr! Hahahah! Paos pala ako. Hindi ko alam.

"Tatawagin ko lang si Mom o kaya si Dad. May gusto ka ba?" tanong niya sa akin.

"Kapag ba sinabi kong gusto ko si Taehyung o Jimin ibibigay mo? Hindi diba? Kaya tubig na lang. Ang sakit ng lalamunan ko. Ang hirap magsalita." mataray kong sabi sa kaniya.

Ngumiti pa siya sa akin. Hah! Sinabi ko bang ngumiti siya? Kung hindi lang nananakit ang lalamunan ko at hirap magsalita sisitahin ko siya. Kakainis!

Umalis na siya sakto namang dating nila Josh, Kc, at Yuri. Nagkatinginan muna silang apat bago pumasok. Nakita ko pang may sasabihin pa sana si Limiah ng isarado na ni Josh anh pintuan. Wah! Ang harsh niya sa pinsan ko ah!

"Buti naman gising ka na, Sandara." sabi ni Kc bago umupo sa kaninang inuupuan ni Limiah.

"Ay hindi! Tulog pa ako!" pamimilosopo ko pa. Shete! Ang sakit ng lalamunan ko!

"Kamusta ka na?" tanong ni Josh at umupo sa tabi ni Kc. Ang gwapo niya ngayon ah! Nakataas ang buhok ng kuya moh!

"Ayos lang. Hindi pa naman namamatay. Wala pang nakamamatay na sakit." sagot ko. Natawa naman sila. Sinabi ko bang tumawa sila? Wala naman ah!

"Im happy you're fine, Nichole. Its been 5 days ng mawalan ka ng malay." whut? Limang araw akong walang malay? Ginagagi ba niya ako? Suntukan kami eh!

"Parang ikaw hindi ah! Oy. Para sabihin ko sayo, 3 araw ka din na walang malay."sabi ni Kc sa kaniya. Nakita ko pa kung paano sumama ang mga magaganda niyang mga mata na natatakpan ng bangs kay Kc.

"Sorry nga pala, Kc at Mj. Hindi ko sinasadya ang mga pangyayari na naganap sa dorm. Sana mapatawad ninyo ako. Kasi kung hindi babalik ako sa dati kong buhay. Sa human world. Doon na lang ako. Pero syempre, charot lang! Sasapakin ko kayo kapag hindi!"

"Alam mo, Dara. Okey lang iyon. Kaibigan mo kami. Atsaka hindi ka pa humihingi ng tawad napatawad ka na namin. Pinagaling mo kami.  Hindi mo kami pinahirapan. Kinuha mo ang sakit namin. Sobra sobra ang ginawa mo, Dara. Masaya akong naging kaibigan kita." nakangiting sabi ni Josh na sinangayunan ni Kc.

"Salamat. Maraming salamat. Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Nawala na yung bigat sa dibdib ko. Nakahinga na ako ng maluwag." naiiyak kong sabi. Kumalma ka nga, Sandara.

Grabe, ganito pala ang pakiramdam ng napatawad ka. Akala ko OA lang sila pero hindi naman pala.

"Nga pala, galit pa rin ba sila sa akin? Kasi nung huli ko silang nakausap, galit sila eh." nakayuko kong tanong.

"Sina Bo Won, Justin, at Troy hindi na galit sayo. Si Tae Gi na lang. Galit siya. Hindi niya kasi maintindihan." sagot sa akin ni Kc. Napayuko ako. Mahirap nga naman intindihin ang pangyayaring iyon. Sobra. Lalo na kung hindi mo naman nararanasan.

"Ayos lang iyon. At least hindi na kayo galit sa akin. Siya lang. Naiintindihan ko. Mahirap kasing intindihin ang mga nangyari. Hindi naman niya nararanasan iyon." nakangiti kong sabi sa kanila. Ayaw kong ipaalam sa kanila ma naaapektuhan ako.

"You don't need to smile. Kung akala mo maloloko mo kami nagkakamali ka. Alam naman naming nasasaktan ka lalo na't hindi mo naman iyon sinasadya. Wag kang ngumiti kung umiiyak ka." pinunasan ni Yuri ang pisngi ko.

Hindi ko alam na naiyak pala ako. Ano pang silbi ng pagngiti ko kung umiiyak din pala ako. Epal ka tears! Spell epal. T-E-A-R-S. Tears!

"Feel ko lang ngumiti habang umiiyak! Wag ka ngang epal! Spell epal. Y-U-R-I. Yuri!" tumawa tawa't umiiyak na sabi ko.

"May nakapagsabi na ba sayo na mukha kang baliw ngayon?" napatigil ako sa pagtawa ng magsalita si Josh.

"Ipinapangako ko sayo na hindi kita tutulungan sa kaniya kapag nagtampo siya, Josh!" sigaw ko sa kaniya kaya napatawa siya. Haay! Imbes na pikonin siya, natuwa pa!

Napatigil kami sa pagkwe-kwentuhan ng biglang bumukas ang pintuan. Niluwa noon sila Tiya at Tiyo na may nagaalalang mukha.

"Are you okey, Cass? May masakit ba sayo?" tanong sa akin ni Tiya.

"Tiya, ayos lang po ako. Kanina lang po. Yung lalamunan ko. Pero ngayon wala na." bumaling ako kay Limiah. "Asan na yung tubig ko?" mataray kong tanong. Ibinigay niya sa akin ang isang bote ng tubig na hindi malamig. Very good tayo, insan!

"Yung katawan mo?" tanong naman sa akin ni Tiyo. Yung katawan ko ba? Ano sa tingin mo, Tiyo? Duh!

"Syempre masakit! Ikaw kaya magkasugat sa lahat ng parte ng katawan!" sigaw na sagot ko.

"Rest, then. Magpahinga ka na. Alpha, she need to rest to gain her strength." sinabi niya iyon na tila ba'y pinapaalis sila kaya nagsalita na ako.

"Tiyo, I don't need to rest. Tulog ako ng 5 araw tapos pagpapahingahin niyo ako? Ayaw ko nga! Masakit lang ang katawan ko pero hindi ako pagod!" bulyaw ko dito. Hah! Lakas ko noh? Sinusulit ko lang yung ganito. Hindi nila ako babatukan o kaya papagalitan.

"You called me Tiyo?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

"Bakit? Gusto mo itawag ko sayo Tiya? Tita? Naiinggit ka ba kay Tiya? Atsaka ayaw kitang tawagin na Tito. Hindi ako bagay. Kay Tiya tawag ko sa kaniya Tiya kaya dapat sayo din Tiyo. Para fair!" natawa na naman sila sa tinuran ko.

"Bakit ba kayo tawa ng tawa? Mukha ba akong clown ah? Sabihin niyo!" naiinis na sabi ko.

"Nakakatuwa ka kasi." yun lanh ang sinabi ni Yuri kaya binasa ko siya gamit ang aking wand.

"Aguamenti!"sabi ko at tinuro ang wand sa kaniya kaya siya nabasa. Mas lalo silang nagtawanan sa ginawa ko. Pero si Yuri hindi. Sinamaan niya kasi ako ng tingin kakatakot.

"Kung wala ka lang sugat binasa na din kita eh! Kakainis ka." pikon na sigaw niya sa akin kaya natawa ako.

"Mahal mo naman. At mahal din kita." natatawa kong sabi ko sa isipan niya. Kaya siya namula.

Kanina ko lang nalaman na pwede pa lang makausap ang mate mo gamit ang isapan o telepathy. Isa iyon sa kakayahan ng mga mag-mate. Kahit gaano ka man kalayo, makakausap mo pa rin siya through telepathy.

Zeal Academy: School Of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon