Chapter 10

709 50 0
                                    

"Whoah! How did you do that thing?" manghang tanong ni Bo Won sa akin. Pinauwi na kasi ni Tiya sa dorm namin. Nakita nila na wala na akong ni isang sugat.

"Secret yun ng mga magaganda!" biro ko dito. Bawal kong sabihin iyon. Magtataka sila.

Sa tingin mo naman hindi sila nagtataka na wala ka nang sugat?

Sabi ni konsensiya. Nai-imagine ko siya na naka-cross arm na nakatingin sa akin. Parang mataray yung itsura.

Wala ka nang pakialam doon konsensiya. Duh!

Sagot ko kay konsensiya. Shet lang! Nababaliw na ako! Side effect ba ito nung mga sugat ko o yung ginawa ko kanina?

"Paano nga? Maganda ako kaya sabihin mo na." pangungulit naman ni Kc. Umiling ako. Ayaw ko nga!

"Manuod na lang tayo ng concert ng BTS bilis!" sabi ko sa kanila. Miss ko na makita sila Nam Joon.

"Anong concert ba nila?" tanong ni Bo Won.

"Yung Speak Yourself, Bo Won." ecxited kong sabi.

Binuksan na niya yung T. V tapos nilagay na niya iyong CD. Pagkaraan ng ilang minuto ay sabay sabay kaming kumakanta ng.....

"LOVE IS NOTHING STRONGER! THAN A BOY WITH LOVE! OH MY MY MY! OH MY MY MY!"

At ng...

"OH! OH OWOW! OH! OH! OWOWOW! YOU CAN'T STOP ME LOVING MYSELF!"

At....

"YOU'VE SHOWN ME I HAVE REASONS I SHOULD LOVE MYSELF!"

Kanina pa ako napapatanong sa sarili ko kung pagkanta ba talaga yung ginagawa namin o pagsigaw. Kapag dumadaan yung iba sa harapan namin napapatakip pa sila ng tenga.

"Guys! Yung fanchant na!" sigaw ni Bo Won kaya sumigaw ulit kami

"KIM NAM JOON!
KIM SEOK JIN!
MIN YOON GI!
JUNG HO SEOK!
PARK JIMIN
KIM TAE HYUNG!
JEON JUNGKOOK!
B!T!S!" sabay sabay na sigaw namin.

"Tumahimik na nga kayo!" napalingon kaming tatlo sa sumigaw. Si Tae Gi pala. Mukhang galit na galit kaya napatawa kaming tatlo.

"Heh! Wala kang paki! Hindi ka kasi ARMY!!" sabay sabay naming sigaw sa kaniya pabalik.

Nang matapos kami ay nagkaniya kaniya na kaming alis. Pumunta ako sa garden. Ewan ko ba kung bakit gustong gusto ko dito. Siguro sa ganda ng mga bulaklak at malamig na hangin. Napaka-peacefull kasi dito. Kung pwede lang dito na lang ako tumira, titira na ako. Kaso lang bawal ehh. KJ sila.

"Tapos na kayong magwala, Nichole?" nanigas aki sa kinakaupuan ng may umupo sa tabi ko. Shet lang day! Si Yuri iyan! Ohmyghad!!!

"A-anong magwala? H-hindi naman kami n-nagwawala ahh." tanggi ko dito. Shems! Bakit nauutal ako?

"Bakit kapag ako nakakausap mo parang hindi ka mapakali? Am I bothering you?" tanong niya sa akin.

"No you're not. Baka mali ka lang ng nakikita." mabilis kong sabi. Shet! Nahalata ata ako eh! Bakit ko ba kasi binilisan magsalita?!

"But I can feel your heart. It's beating too fast." sabi niya. Whutt? Paano niya narardaman yung puso ko? May superpowers ba siya?

"May superpowers ka ba kasi nararamdaman mo iyung puso ko? Pero bakit yung feelings ko hindi?" binulong ko lang iyung dulo noh! Kapag narinig niya iyon nakakahiya!

"I don't have any superpowers. But I'm a wizard." sagot niya.

"Bakit nagi-english ka na naman?! Ha?!" sigaw ko dito.

"Im sorry. Nasanay lang siguro ako sa pagsasalita ng english. I have a question. Kung makikilala mo iyung mate mo, what will you do?" tanong niya. Ano nga ba?

"Thank you for your wonderful question, Mr. Hinata. Itatanong ko sa kaniya kung bakit siya pa, bakit hindi ikaw? Charr. Pero seryoso. Itatanong ko sa kaniya kung bakit ngayon lang siya? Bakit ngayon lang siya kung kailan may mahal na akong iba?" nakatingin ako sa mata niya habang sinasabi ko iyon.

"You love someone? Right now?"malungkot na tanong niya sa akin.

"Yes. And that s-someone i-is y---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita ko si Limiah. Nakangiti ito habang nakatingin kay Yuri.

"Akiro!" masayang bati nito kay Yuri bago ako nilapatan ng paningin niya.

"Andito ka din pala, Sandara." nakangiti man ay halatang pilit ito.

"Hmmm... O-oo. Nagpapahangin lang. Napagod kasi ako kanina ehh. Sabi pa naman ng parents mo bawal daw ako masyadong magpagod." malamig kong sabi. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at tinignan silang dalawa.

"Mauuna na ako sa inyong dalawa. Limiah, Yuri." tumango muna ako sa kanila bago pumasok sa loob.

"You almost confess ahh.  Makakapanuod pa sana ako ng sweet scene mula dito. Sayang. Bakit ba naman kasi dumating pa si Limiah." nagulat ako ng magsalita si Josh. Nandito pala siya.

"Animal ka! Nagulat ako sayo! Papatayin mo ba ako? Ha?" hinampas hapas ko pa siya sa braso na siyang ikinatawa niya.

"I love someone else. And that s-someone else i-is y---. Hahaha! Bitin!" pangaasar niya. Kainis siya ahh!

"Epal kang animal ka! Alam mo iyon?" inis kong sabi sa kaniya.

"Inis ka na niyan, Dara? Aww wawa naman si Dara ko." yinakap pa ako ng loko tapos nagsway-sway pa siya. Dahil sa ginaw niya nawala yung inis ko at napalitan ng tawa.

"Alam mo, Josh. Ang swerte siguro ng magiging mate mo noh? Ang swerte swerte niya kasi mabait ka. Maalaga. Boyfriend material." sabi ko habang nakayakap pa rin siya sa akin.

"Yeah. Pero wala pa siya ehh. Kaya ikaw na muna yung magiging swerte sa akin." sabi niya at lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

Nasa ganoong position kami ng pumasok yung dalawa. Hindi ko alam kung nagi-imagine lang ako o ano pero nakita ko sa mga mata ni Yuri ang selos at galit.

"Oh! Andiyan pala kayo?" tanong ni Josh bago tinanggal yung pagkakayakap sa akin.

"Yeah. Kanina pa diba, Akiro?" pero hindi siya sinagot ni Akiro. Matalim pa rin ang ibinibigay niyang tingin sa amin ni Josh. Parang gumawa kami ng malaking kasalanan.

"Siya ba yung sinasabi mo?" nagulat ako sa tanong niya. Anong siya ehh ikaw nga!

"Pardon?"gulat kong tanong. Shet! Bakit galit siya?

"I said kung siya yung sinasabi mong mahal mo?!" pasigaw niyang tanong sa akin kaya napaatras ako.

"B-bakit g-galit ka?" kinakabahan kong tanong.

"Psh!" nagdabog pa siya at lumabas na. Hindi siya pumunta sa kwarto niya. Sa labas mismo!

"Dara, you should follow him. Now." sabi sa akin ni Josh. Tinignan ko naman si Limiah pero sana hindi ko na lang ginawa. Ang sama ng tingin niya ehh.

Sinundan ko siya sa labas. Tumingin ako sa kaliwa. Wala. Sa kanan naman. Ayun naglalakad. Base sa paglalakad niya halata yung galit niya. Kakatakot ahh. Tumakbo ako palapit sa kaniya.

"Yuri!" sigaw ko sa kaniya ngunit di niya ako pinansin.

"Yuri ano bah!" sigaw ko ulit. Doon tumigil na siya.

"Humarap ka nga sa akin!" utos ko pero hindi niya ako sinunod. Siguro tama lang na wag siyang humarap. Para hindi ako mahiya.

"Sa tanong mo kanina. Ang sagot ko doon ay hindi. Oo mahal ko siya pero bilang kaibigan lang. Kaibigan ko lang talaga siya. Sana nga siya na lang ehh. Kasi alam kong magiging swerte ako sa kaniya. Hindi pa niya kasi nahahanap yung mate unlike you. Nahanap mo na. Alam mo bang ang sakit mong mahalin. Minahal kita kahit alam kong sa iba ka mapupunta. Hindi sa akin. Kundi sa mate mo. I love someone else. And that s-someone else i-is you!"

Zeal Academy: School Of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon