Chapter 30

429 33 5
                                    

"Babe? Gumising ka na. Male-late ka pa sa meeting mo oh." ano ba yan?! Natutulog pa ako eh.

"Ayaw mo talagang gumising? Ganun?" maya maya'y nakaramdam ako nang kamay sa aking talampakan kaya napaupo ako bigla.

"Inaantok pa ako ehh! Hayaan mo munang matulog pa ako!" sigaw ko dito at aakmang babalik na muli sa pagkakahiga ng magsalita ulit siya.

"Akala ko ba may meeting ka ngayon? Anong oras na? Alas nuebe y media na ng umaga nakahilata ka pa din diyan."malumanay na aniya. Tsk! Hindi ba niya kayang sumigaw? Ang lumanay masyado.

Wait! Alas nuebe y media na? Ohmy! May meeting nga pala ako ng alas onse mamaya! Lagot kang bata ka!

"Alis ka na diyan! May pasok ka diba? Umalis ka na! Maliligo pa ako!" tinulak tulak ko pa siya palabas ng kwarto ko.

Nang makalabas na siya ay dali dali akong pumunta sa kabinet ko at naghanap ng presentableng damit. Napili ko ang isang off-shoulder na floral dress na above the knee.

Naligo na ako at sinuot ang napiling damit na tinernuhan ko ng stiletto. Inayos ko ang nakalugay kong kulot na buhok.  Sinuklay ko lang ito at naglagay ng powder sa mukha at lip balm sa labi. Ayan! Okay na ako!

Kinuha ko na ang aking itim na shoulder bag. Gucci yan! Mahal iyan! Pinag-ipunan ko iyang bag na yan. Kakabili ko lang niyan last month. Isang taon ko yan pinag-ipunan.

"Oh Hija. Hindi ka na ba kakain? Anong oras ka uuwi?" napatingin ako kay Papa ng magtanong siya. Nakabihis ito. May pasok ba siya ngayon?

"Hindi na po. Sa cafe na lang po ako kakain, Papa. Asan si Mama? Nasa school na?" kumuha ako ng isang pandesal na may peanut butter. My favorite!

"Oo. Maaga ngayon ang schedule niya. Alas onse pa ang pasok ko pero pupunta na ako. Gagawa pa ako ng lesson. Umuwi ka ng maaga, ah? Ingat ka. Mag-taxi ka na muna. Nasira yung kotse mo kahapon. Papagawa ko pa. I love you." hinalikan niya ako sa noo at niyakap.

"I love you too, Pa. Kay Kuya Klarence ka ba sasabay ngayon? Kakainis yun ehh. Late na ako ginising." niyakap ko siya ng sobrang mahigpit.

"Oi. Kanina pa kita ginigising hindi ka lang gumising. Ikaw yung may kasalanan, Babe. Pa, may hearing pa ako mamayang alas dose. Tara na. I love you, Babe." hinalikan na din niya ako sa noo at niyakap. Ang sweet nila noh? Ganiyan talaga iyang dalawang iyan sa akin.

"I love you too, Kuya. Ingat ka. Sana mapanalo mo yung hearing mo mamaya." sabi ko dito bago kumawala sa yakap niya.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng taxi. Nagpahatid ako sa Sweet Cafe na siyang pag-aari ko. May mga branches na siya sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Meron sa Manila, Metro Manila, Visayas at Mindanao.

May bakery din ako. Ang Sweet Bakery. Malakas din ang kita ng bakery na iyon. Hindi naman ako chef or baker o kaya grumaduate ng Business Administration. Isa lang akong designer sa isang clothing line at nagmamayari ako ng isang boutique.

Tinutulungan ako ni Kuya sa lahat. Sa loob ng halos limang taon naging successful ako sa buhay. Hindi naman kami nakatira sa mansion. Nakatira lang kami sa isang simpleng bahay na pinagawa ni Kuya.

Hindi ko matandaan kung anong nangyari sa akin noong 18 years old ako pababa. Ang sabi sa akin ni Mama, nacomatose daw ako for one year tapos wala na akong maalala pagkagising ko.

Tinatanong ko palagi si Mama kung ano ang nangyari sa akin pero ang sabi niya kung gusto ko daw maalala ay tulungan ko daw ang sarili ko na makaalala at kung sasabihin naman daw niya sa akin ay baka kung ano daw ang mangyari sa akin. Mas maganda daw kung natural na babalik kaysa pilitin. Sasakit lang daw ang ulo ko kapag pinilit ko.

Zeal Academy: School Of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon