Beginning

824 15 1
                                    

Beginning

Nakakabulag ang mga ilaw at ang lakas ng tugtog. Amoy na amoy ko ang pawis at alak sa paligid. Pero todo pa rin ako sa pagsasayaw. May kaharap akong lalaki na hindi ko kilala. He seemed decent though.

Duh, as if I would dance with a petty guy.

Sayaw lamang kami nang sayaw sa dancefloor nang hinila ako ng kaibigan kong si Yumi papunta sa may tahimik na lugar.

"Ano ba," I irritatingly said, shooting glares at her.

Hindi ba niya nakikita na may kasayaw ako? Pabida.

"Your phone keeps on ringing. Kanina pa 'yan, Lois. Sagutin mo na."

She handed me my phone. I rolled my eyes and took it harshly from her.

"Pwede mo namang patayin, eh. O 'di kaya'y sirain mo nalang," sabi ko sabay irap sa kanya.

Yumuko siya, para bang nasaktan sa nasabi ko. As if I would care? Nang mag ring ulit ito, padabog akong lumabas sa bar. Kaagad akong sinalubong ng malamig at preskong hangin.

I adjusted my shorts and walked farther. Iyong tipong hindi ko na masyadong naririnig ang ingay sa loob.

Stupid Lady is calling...

I smirked. Himala at tumawag. Ano na naman kaya ang kailangan nito? I answered the call as I put my left hand on my waist.

"Lou Isabelle, nasaan ka?! Umuwi ka ngayon din?!" napapikit ako at inilayo ang cellphone sa tenga dahil sa pagsigaw niya. "I saw your grades! My god! Umuwi ka ngayon din!"

She did not even let me speak and ended the call. Ramdam ko ang pagkulo ng dugo ko kaya sinipa ko ang batong nasa paanan.

She is always like that! Minsan na nga lang umuuwi, lagi pang galit. Bwisit.

Pumasok ulit ako sa loob at umupo sa couch. Nandun si Yuma at 'yung mga iba ko pang kaibigan na sina Maybel at Jesther. They immediately offered me a shot.

"O, nakasimangot ka na naman?" natatawang sabi ni Jesther.

"Lagi naman 'yang nakasimangot, eh," ani Maybel.

I sarcastically smiled at her and rolled my eyes. Tumawa lamang siya, sanay na sanay na sa ugali ko.

"Ihatid mo ako sa bahay," sabi ko kay Jesther. "Umuwi iyong bruha at pinapauwi na ako."

"Really?"

"Do I look like I'm joking?" I said and pointed at myself.

He chuckled. "Okay, okay."

Lumagok muna siya ng isang buong shot glass na may tequila at sinipsip ang lemon bago tumayo at kinuha ang leather jacket niya na nasa couch. Tumayo na rin ako.

"So, iiwan niyo kami," ani Maybel.

"Babalik naman ako," si Jesther.

"Ingat," ani Yumi sabay kaway.

Tumango lamang ako sa kanila. Sabay kaming lumabas sa bar.

"Suotin mo na 'to," sabi niya sabay bigay sa 'kin sa jacket niya.

"No, thanks. Your jacket is out of style."

Tumawa siya. "Ewan ko sa 'yo."

Jesther is actually my to-go guy. He would always come if I need him. Which is actually beneficial for my part. Gwapo rin, matikas ang katawan, matangkad, kaya naman okay na rin for my image. Sayang nga lang kasi hindi kami magkasama sa college.

We met through mutual friends. Until, we finally clicked.

Habang papunta sa bahay, nakatingin lamang ako sa labas ng nakabukas niyang bintana at isinandal ang ulo ko rito.

Those Blurry LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon