Chapter 30
First Cry
"Naku, Jackson! Huwag kang tumakbo!"
Tawa lamang ako nang tawa at mas binilisan pa ang takbo papunta sa playground. Hinihingal ako nang makarating doon. I laughed even more when I saw Nanny's face looked so exhausting.
"Bilis!" sigaw ko sa kanya. "Ano ba 'yan, Nanny. Para ka namang oldie niyan, eh."
"Ikaw talagang bata ka!" Pinunasan niya ang pawis sa noo niya gamit ang face towel. "Lagi mo nalang talagang pinapasakit ang ulo ko."
"Ayaw mo nun?" natatawa kong tanong.
Tumakbo na ako papunta sa seesaw at hinila si Nanny papunta sa kabilang dulo. Mataas ang sikat ng araw kaya naman tamang-tama lang para maglaro.
Wala kasi sina Yohan at si JB, eh. Pati na rin si Mark nasa ibang bansa pa. May meeting pa kasi sina Mama at Papa kasama ang mga kaibigan niya. Hindi ko naman makausap si Kuya kasi nag-aaral.
Nakaugalian ko na talagang maglaro sa playground tuwing Sabado. Nakakasawa na rin kasi iyong nasa bahay lang at kaharap ang mga robot ko.
Nagpahinga kami ni Nanny sa may bench sa ilalim ng puno. Binigyan niya ako ng tumbler at sandwich.
Tumingin ako sa kanya. Simula nung bata pa raw ako ay nandiyan na siya. Agaw-pansin ang nunal sa tuktok ng ilong niya. Mataas ang buhok niya kaya mas matanda siyang tingnan.
"Nanny, wala ka bang boyfriend?"
Nagkunot-noo siya. "Ano ka bang bata ka! Seven years old ka pa lang, anong boyfriend-boyfriend."
"Ah, so wala nga?" Tumango ako. "Pero bakit po wala? Hindi ba, matanda ka na?"
Sumimangot siya. "Eh, ano ngayon? Hindi ko kailangan niyan. Kuntento na ako sa pagsisilbi sa inyo."
"Nakita ko po sa mga movie na masaya kapag may boyfriend. Naghahalikan nga, eh."
"Jusmeyo! Hindi ka dapat nanonood ng mga ganyan."
Natawa ako. "Napanood ko po kay Kuya, eh. Nanonood siya minsan sa kwarto niya. May babae tapos nakapatong iyong lalaki."
Napa-sign of the cross si Nanny. "Jusko po! Hindi kayo dapat nanonood ng ganyan! Hay nako, bukas na bukas, tuturuan kitang mag-gardening para iyon ang pagkaabalahan mo."
"Nakakapagod kayang magtanim. Nakita ko 'yan sa school, iyong mga grade six, kapagod."
"Bahala ka diyan!"
Natawa lamang ako sa reaksiyon niya. Sabi naman ni Kuya na normal lang daw iyon kapag matanda na. Nakahubad nga sila, eh. Ewan ko ba, naguguluhan pa ako.
Nahinto ako sa pag kain nang may marinig na umiiyak na babae. Nakaupo siya sa swing at iyak talaga siya nang iyak. Halos lahat din ng mga bata ay nakatingin sa kanya.
Naka-pink na dress siya. Mataas ang buhok at may bangs pa. May pink din siya na hairband. Nakasuot siya ng medyas na hanggang tuhod at itim na sapatos.
"Kilala niyo po ba 'yun?" tanong ko sabay turo sa babae.
Umiling si Nanny. "Hindi, eh. Baka bagong lipat dito sa village. Ano ba 'yan, kung makaiyak parang siren."
I pouted. She looked hurt. Ibinalik ko ang tirang sandwich sa lalagyan.
"Nanny, tatanungin ko lang," paalam ko.
"Huwag mong paiyakin, ah? Dito lang ako."
"Sige," sabi ko.
Naglakad ako papunta sa babae. Mukhang magkapareho lang kami ng edad. Saan kaya siya nag-aaral? Naupo ako sa katabing swing at pinagmasdan siya.
Iyak pa rin siya nang iyak. Ano kaya ang problema niya. Parang naiiyak na rin tuloy ako.
BINABASA MO ANG
Those Blurry Lines
RomanceLou Isabelle Fausto, known as Lois, is a rebel-and she's proud of it. A lot of people don't like her because of her negative attitude and sarcastic opinions, but that's just who she is. Lois blamed it all to her father who left them at a young age...