Chapter 13

234 10 0
                                    

Chapter 13

Deeper

I love to see someone so pissed.

I love the satisfaction whenever I saw how angry someone is towards me. Gusto kong makita kung paano nila ako murahin habang nakatingin sa kanila mula sa ibabaw.

I would always celebrate every victory every time someone would curse and cry because of their hatred towards me.

But now, it's all coming back to me.

I am so pissed at myself. Gusto kong magwala sa hindi malamang dahilan. Nakakainis lang.

I've lost a lot of connections before. Hindi pa nga ako natatakot na iwanan ako ng mga kaibigan ko, pero ngayon... tinuturo ko ang sarili ko.

Bakit parang kasalanan ko?

Umupo ako sa may semento na kasing tangkad ng baywang ko. Nilalamig ako lalo na sa suot pero hindi ko na ito ininda.

Nagbuntong hininga lamang ako habang iniisip kung ano ang ginawa ko.

I smirked. Come on, it's just Jackson. He is annoying. He is loud and noisy. You don't like his company.

"Lois? Are you okay?"

Jesther came and stood up in front of me, blocking my view. Naaamoy ko ang alak mula sa kanya.

I only nodded, too tired to speak.

"Are you... are you crying?" nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako kahit umiyak naman talaga ako kanina. I just don't want to look vulnerable.

Lumingon siya sa jacket ni Jackson na nasa semento pa rin. He sighed and looked at me suspiciously, it's like asking for explanations. Pero wala akong balak na magsalita.

"Ihatid mo na ako," I asked him.

"Sige..." aniya. "Gusto mo ng jacket-"

"No, thank you."

Dumiretso kami sa sasakyan niya. Tahimik lamang ako habang sumandal sa bintana.

Mabigat ang pakiramdam ko. Bumabalik ito sa kung paano ako hinawakan ni Jackson. It felt so comforting.

I bit my lower lip, remembering how he crashed his lips unto mine. Ba't ako nagkakaganito?

Napapikit ako, dinarama ang sakit ng ulo ko. Nagbuntong hininga lamang ako.

"May problema ka ba?" mahinahong tanong ni Jesther habang nakatingin sa daan.

"Wala."

"You know that I care for you, right?" aniya. "Lois, I understand, but if you'll just keep that to yourself, I'm afraid that something might happen."

"I'm okay. Just... mind your own business," tugon ko.

"Iyan ang problema mo, eh. You always push people away."

Kunot noo akong lumingon sa kanya. "What's your problem, huh?"

Nagbuntong hininga siya. "Wala... I think I'm just drunk."

I rolled my eyes. "Stop blabbering, Jesther. Just keep your hands to yourself. I'm fine."

Wala nang nagsalita pagkatapos. Jesther was acting strange. It's annoying me. Noon, hindi naman niya ako tinatanong.

Hindi ako nagsalita pagdating. I just walked away and went upstairs. Hindi na ako nagbihis at humiga na kaagad sa kama at tumitig sa kisame.

Ano bang nangyayari sa 'kin? My vision became blurry as the tears started to build up. Dahan-dahan itong nagsipatakan pababa sa mukha ko.

Those Blurry LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon