Chapter 05

273 9 0
                                    

Chapter 05

Denial

I want to be buried underneath the ground.

Iyan ang palaging pumapasok sa utak ko nang maalala kung ano ang ginawa ko noong nakaraang gabi. Hinatid kami ni Jesther nang magmadaling araw na at natagpuan ko nalang ang sarili kong nasa kwarto at masakit ang ulo.

I remember everything! How I dragged Jackson outside... how I talked to him... how I laughed with him!

Alam kong hindi niya ako tatantanan. Knowing him, he'll never leave this opportunity behind!

Natawa si Maybel. "Ako, hindi ko naaalala, ah, pero... parang magagawa mo talaga 'yan."

Pinatong ko ang siko sa mesa at napahilamos sa mukha gamit ang mga kamay ko. Napapikit ako ng mariin sa hiya... o inis.

What went inside my mind? Talagang ako pa ang nag-insist?! My gosh!

"You two must have a secret relationship," ani Yumi.

Sinamaan ko sila ng tingin. "Pwede ba? Stop teasing me with that dork. I would never ever try to date him."

"Kahit friends?" ani Maybel.

"Kahit friends," I said then rolled my eyes.

As if on cue, lumapit sa amin si Jackson na may ngiti sa labi. Nasa likuran niya ang kaibigang si Geron kaya naman nagpacute kaagad ang mga kasama ko.

"New friend!" aniya.

"What do you want?!" I snapped.

"Ang sungit naman. Parang kailan lang, gustong-gusto mong pinapansin kita," aniya at may ngiti sa labi.

I only raised a brow. I wanted to say that he's a stupid unlucky sperm and something nastier than that, pero mas nangibabaw ang takot ko na baka sabahin niya ang nangyari sa banyo niya.

Tumawa siya. "Sige, mauna na kami. Bye, Isabelle!"

I unbelievably looked at him but he immediately pulled Geron away from us. The audacity!

Pati sina Maybel at Yumi ay parang gulat sa narinig.

"Oh my gosh, he called you..." hindi makapaniwala si Maybel.

I was clenching my fist in annoyance. I wanted to be angry at him, but I felt a familiar breeze.

Naalala ko bigla si Daddy. It's been a very long time since someone called me by my name.

Napansin yata nila na wala ako sa mood kaya nag-usap nalang sila tungkol sa paparating na Valentines at hindi na ako pinansin.

I suddenly became sad that it makes me feel so frustrated. Aaminin ko, gusto kong tinatawag ako sa pangalang iyon.

It must be unbelievable but my view of Jackson somehow changed a little bit since he called me that.

I started to observe him from afar. Naririndi pa rin ako sa malakas niyang tawa pero unti-unti akong naiinggit.

He just looked so bright and cheerful. Para wala man lang siyang dinaramdam na kalungkutan.

Labas sa ilong kong aaminin ito pero mabait din naman siya. One day, a girl dropped her books on the ground. Naglalakad ako papunta sa klase ko at napahinto nang makita siyang tinulungan iyong babae.

Somehow, his kindness annoys me, too. He's just full of positivity. Why can't I be like that?

Aminado naman ako na hindi ako mabait at marami akong kasalanang nagawa, pero hindi ko rin mapigilang isipin na subukang magbago.

Those Blurry LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon