Chapter 8: Greed
AS USUAL, kasabay nanaman niyang kumain ng tanghalian ang boss niya. Mabuti nalang at naiintindihan siya ni Calvin at Daizy dahil hindi na niya nakakasabay sa pag-kain ang dalawa.
Sa kabilang parte, okay din iyon para sa kanya, para may oras yung dalawa na makapag-usap nang silang dalawa lang.
One week has passed, at laging ganon ang gawain nila. Tuwing tanghalian. Lagi siyang isinasama ng boss niya sa iba't ibang restaurant. Kahit naman kasi tumanggi siya ay gagawa ito ng paraan para lang mapilit siya.
The good thing about her job is the salary, malaki ito kumpara sa sweldo niya sa pagiging empleyado lang sa marketing department.
Laking pasasalamat niya nang may dumating nanapakaraming trabaho sa boss niya. Lagi itong busy at wala itong oras para inisin siya.
May sarili siyang ginagawa sa harap ng laptop niya, busy naman sa mga paperworks ang boss niya at tila ba stressed na stressed ang itsura nito.
Buti nga sa'yo. Karma mo 'yan sa pagpapahirap sakin.
Ngumisi siya tsaka bumalik na ulit sa ginagawa.
GUSTONG GUSTO na niyang matulog dahil tatlong araw nang tambak ang trabaho niya. He wants to do something that would relieve his stress! Argh!
Kasalukuyan siyang pumipirma sa tambak na papeles nang may pumasok sa pinto.
"Aye, so quiet here huh." maingay na bungad nito.
"Shut up Lite." inis niyang sabi.
Naupo ito sa visitor's chair tsaka tinapik ang braso niya.
"My man looks stressed." he tsked. "Want some stress reliever later?" pilyo nitong tanong.
"Don't disturb me Lite." inis niyang sabi.
"Tsk. You really need to get laid after this tiring work." anito.
Sinamaan niya ito nang tingin tsaka niya sinulyapan ang sekretarya na nasa kabilang mesa.
She stilled on what she heard. Get laid? When he's stressed?
Para bang may pumiga sa puso niya nang marinig iyon. Did he just used her as his stress reliever that time?
Umiling iling siya tsaka pinigilang tumulo ang nag-babadyang luha. Umaatake nanaman ang pagiging mahina niya, gaya ng dati.
Tumayo siya sa kinauupuan tsaka yumuko. Nang nasa harap na siya ng lamesa ng dalawa ay yumuko siya.
"Please excuse me for a moment." iyon nalang ang sinabi niya bago siya tuluyang lumabas sa opisina.
Saktong pag-sara niya ng pinto ay ang pag-bagsak ng luha niya. Dumiretso nalang siya sa banyo para ayusin ang sarili.
Nang maka-rating na siya sa banyo ay ikinulong niya ang sarili sa isang cubicle tsaka tahimik na lumuha.
She thought she already buried her old self years ago, bute here she is, crying, looking weak, just like her before.
She is just a stress reliever. How cruel.
"F*ck you Lite. Umalis ka sa harapan ko." singhal niya sa kaibigan.
"What did I do--"
"Umalis ka na bago pa kita barilin. I'm serious Lite. Get out." masama ang tingin niya sa ksibigan habang naka-kuyom ang mga kamay.
Hindi na nag-tanong pa ang kaibigan dahil nakita nito ang pagka-seryoso niya. Wala itong imik na lumabas sa opisina.
Malakas niyang hinampas ang lamesa tsaka sinabunutan ang sarili. Hindi niya dapat narinig 'yon! It's the past him. He's not like that anymore.
BINABASA MO ANG
Love Ghost • SB19 SEJUN [COMPLETED]
FanfictionKasophea is a go-with-the-flow kind of person. She loves adventure, trying new things, stalking her crush, and enjoying her freedom as a normal girl in her 20s. She doesn't know anything about real life, about love, or anything serious. She is craz...