CHAPTER 25: Friendship Matters

300 20 19
                                    

Enjoy reading. 😚❤️

Chapter 25: Friendship Matters

DAHIL HINDI SIYA sigurado kung makaka-uwi ba siya nang maaga sa bahay mamaya, ipinakiusap muna niya sa kaibigan ng dalaga na si Daizy na kung pwede ay bantayan muna nito ang anak niyang si Pau. Mabuti naman at pumayag ito.

Matapos niyang ihatid sa eskwelahan ang dalaga ay dumiretso na siya sa opisina. Energetic siya ngayong araw dahil hindi mawala sa kaniya ang pagiging excited.

Dahil doon ay magana niyang pinirmahan ang mga papeles na pipirmahan niya. But he still moved the schedule for the meeting.

Kagabi pa niya tinatawagan ang kaibigang si Lite para ibalita ang nangyari ngunit hindi siya nito sinasagot. Hindi rin ito sumasagot sa mga text niya.

He went to Lite's place, but he isn't there. Hindi niya alam kung nasaan ngayon ang kaibigan.

Now, he's trying again to contact him.

But after five calls, he still didn't answered.

"Last." sambit niya sa sarili.

He dialed again his number and waited for him to answer.

But just like earlier, he didn't answered.

He wanted to thank him. He wanted to thank him for helping him, for being a good friend to him, for being there for him whenever he feels to down. And simply, for existing.

But seems like this isn't the right time.

Instead of calling him, he just sent a message again.

Paulo
I'm cringing while typing this, but I miss you man.

Matapos niyang i-send iyon ay pinatay na niya ang telepono at inilapag sa lamesa.

"What's with the worried face again?" tanong ng dalaga.

He sighed. "I can't contact Lite. He's not responding to my messages." he said frustrated.

"Busy?" she said.

"He's never been this busy."

Hindi naman maiiwasan na maging busy ang isa sa kanila. Pero hindi naman ganito ang gawain nila tuwing may busy na isa sa kanila.

They would still somehow make time for their bro time. Like, eating lunch together.

"Dapat na ba akong mag-selos kay Lite?"

Napa-lingon na siya sa dalaga dahil sa sinabi nito.

"That's absurd." he said.

Mahina naman itong natawa dahil sa inasal niya. Ngumiwi pa kasi siya na parang nandidiri.

"Lagi ka kasing nag-aalala kay Lite eh. Lagi mo siyang hinahanap. Miss na miss mo na 'no? Baka naman may itinatago na pala kayo sa akin ah." dagdag pa nito.

Tumingin siya sa dalaga na para bang hindi makapaniwala sa mga naririnig mula dito. Nararamdaman na nga niyang tumataas ang balahibo niya dahil sa mga pinag-sasabi nito.

"Joke lang. Ikaw naman, pinapagaan ko lang yung pakiramdam mo." sambit nito.

Napangiti naman siya dahil doon. She really can magically make his mood lit up.

Love Ghost • SB19 SEJUN [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon