CHAPTER 18: Can't You See Me?

392 17 17
                                    

Lakas maka TXT ng title ng chapter HAHA.

Enjoy reading!

Chapter 18: Can't You See Me?

ISANG MALIWANAG NA sinag ng araw ang tumatagos sa glass door ng terrace ang naging dahilan ng pag-gising niya.

Oh, it was a bright day. Hindi iyon kagaya ng mga nag-daang araw. Anong meron?

Dahan dahan siyang bumangon at naupo sa kama. Kinusot pa niya ang mga mata para mas luminaw ang paningin.

He heard soft knocks coming from the door. Agad siya doong lumingon.

The doorknob twisted. At ganon nalang ang gulat at panlalaki ng mga mata niya nang makita ang pumasok doon.

"K-Kas?" gulat niyang sabi.

She's smiling while looking at him. Naka-suot ito ng napaka-simpleng puting bistida ngunit umaangat parin ang kagandahan nito.

"P-Paanong..." hindi na niya maituloy ang mga nais niyang sabihin.

Naupo ang dalaga sa gilid ng kama niya, naka-ngiti parin. Inangat nito ang kanang kamay tsaka hinaplos ang pisngi niya.

He felt the warmth of her hand on his cheek. Kusa nalang may tumulong butil ng luha sa mata niya.

Hinawakan niya ang kamay ng dalaga na nasa pisngi niya at marahan iyong pinisil pisil.

"Sejun?" tawag nito sa pangalan niya.

Her voice is music to his ears.

"Mahal na mahal kita, Sejun." she added.

Hindi na niya nagawa pang makapag-salita. Nanatili nalang siyang naka-titig sa muka ng naka-ngiting dalaga habang patuloy ang pag-agos ng luha. Gustong gusto niyang ibuka ang bibig at sabihin kung gaano din niya ito ka-mahal ngunit tila ba na-pipe siya.

Inilapit nito ang sarili sa kaniya hanggang sa unti unti siyang pumikit at naramdaman nalang niya ang labi nito sa noo niya.

Isang nakaka-silaw na liwanag ang bumungad sa kaniya matapos ang halik na iyon. Iminulat niya ang mga mata niya ngunit wala na siya sa silid niya, wala na din ang dalaga sa harapan niya, tanging liwanag nalang ang nakikita niya sa paligid niya.

"Kas?" aniya.

Inikot niya ang paningin sa buong lugar ngunit wala siyang ibang makita kundi liwanag.

"Kas!" sigaw niya sa pangalan nito sabay balikwas ng bangon.

Luminga linga siya sa paligid. Naka-balik na siya sa kwarto niya. Lumingon siya sa glass door sa kanan niya, madilim pa sa labas.

Hinawakan niya ang kaliwa niyang pisngi tsaka tinignan iyon, totoo ang mga luhang iyon.

Mukang napanaginipan nanaman niya ang dalaga.

Bumuga siya ng marahas na hangin. Kinuha niya ang telepono niya sa side table tsaka tinignan ang oras.

11:10 PM.

11:11 PM.

Muli niya iyong pinatay at ibinalik sa pinag-kuhanan. Nahiga nalang siya ulit tsaka tumitig sa puting kisame.

It's been a week, a week without Kasophea.

Mahirap. Minsan ay gusto nalang din niyang sumuko sa buhay dahil hindi na niya kinakaya ang sakit.

He's been unwell for the past few days. Hindi siya nakaka-kain nang maayos, hindi rin siya nakaka-tulog nang maayos. He's spending his days drinking alcoholic beverages while thinking about Kasophea.

Love Ghost • SB19 SEJUN [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon