CHAPTER 20: The Book

335 21 22
                                    

Chapter 20: The Book

HUMINTO SILA SA pinaka-dulong bahagi ng library kung nasaan mayroong isang bookshelf na naka-hiwalay sa iba pa. Medyo madilim din sa bahaging ito. Napaka-tahimik din ng paligid dahil mukang sila lang ang tao sa loob sa mga oras na iyon.

"Lahat ng librong narito ay tungkol sa hinahanap mong libro. Kayo nalang ang bahalang mamili. Maiwan ko na kayo." tinapik ni Tay Mario and balikat niya bago ito tuluyang umalis.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa mga librong naroon. It's too many! Paano niya mahahanap ang libro na nararapat niyang basahin?

"What book do you exactly need?" Lite asked.

He shrugged. "I don't know either."

Tinignan niya ang mga libro mula s ibaba hanggang sa itaas.

"Just find a book that captures your attention then give it to me." he said.

Nag-simula na siyang tumingin sa mga libro. Puro ghost stories na libro lang ang nahahanap niya kaya nag-sisimula na siyang ma-frustrate.

"Puro ghost stories!" reklamo niya. "Wala bang tungkol sa mga kaluluwa? Like facts about souls, third eye, or what." dagdag niya.

"I can't find anything like that Pau, puro stories lang ang nahahanap ko." rinig niyang sabi ng kaibigan.

Halos matatapos na nilang tignan ang buong shelf ngunit wala parin silang nahahanap na matinong libro.

"Aww!"

Lumingon siya sa dalaga nang marinig niyang dumaing ito. Napa-lingon din doon si Lite dahil sa bagay na nahulog sa sahig.

Sapo nito ang ulo habang bahagyang hinihilot.

"Anong nangyari?" he asked.

"Iyang buwisit na libro na 'yan! Tinamaan ako!" duro nito sa libro na nasa paanan ng dalaga.

"Tinamaan ka ng libro?" he asked.

That's weird. Parang kanina lang ay hindi nito kayang humawak ng mga bagay. Pati ang anak nila ay tumagos lang dito. Bakit ngayon ay natatamaan na din siya ng libro? At, nasasaktan?

"Tsk, akala ko kasi tatagos lang sa akin kaya hinayaan ko lang mahulog eh." anang dalaga.

Yumuko siya para pulutin ang nahulog na libro sa sahig.

Walang title ang libro. Madumi rin ito dahil nababalutan ito ng alikabok. Tanging isang mata na naka-ukit sa leather book cover lang ang design nito. May ka-kapalan din ito.

"This must be it." he confirmed.

"You sure? That's kinda creepy." komento ni Lite.

"I saw the eye glow earlier." tinuro ng dalaga ang matang naka-ukit sa libro. "Hindi ko alam pero parang napako yung tingin ko sa librong 'yan kanina. Tapos para bang siya yung kusang lumalapit sa akin hanggang sa nahulog na nga at natamaan ako sa ulo." paliwanag nito.

"This is it Lite." wika niya sa kaibigan. "Ibalik mo na ang mga 'yan sa shelf." tinalikuran na niya ang kaibigan tsaka siya naupo sa silya at sinuri ang libro.

"Tss, ginawa lang akong utusan." rinig niyang reklamo ng kaibigan sa likuran niya ngunit hindi nalang niya iyon pinansin.

He flipped the book cover and a blank page welcomed him. There are stains on the page and it smells old.

Inilipat ulit niya sa ikalawang pahina ang libro at bumungad sa kaniya ang isang pangungusap sa gitnang bahagi ng libro.

"'Ask a question.'" basa niya.

Love Ghost • SB19 SEJUN [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon