CHAPTER 19: The Ballpen

344 16 10
                                    

Chapter 19: The Ballpen

HE WOKE UP because of the bright light coming from the sun. Nag-tuloy tuloy na ang pag-tulog niya kagabi matapos niyang mawalan ng malay. Yes, he lost consciousness after what happened yesterday night.

"Kas..."

Ngumiti ito nang malawak. "Sejun! Nakikita mo ako? Naririnig mo ako? Yes! Finally!" masaya nitong sabi.

"Oh... My... God..." he breathed hard.

Hindi na niya napigilan nang mandilim ang paningin niya at dahan dahan siyang mapahiga sa kama dahil sa gulat.

Umiling iling siya. Is that real? Sigurado siyang nakita ng dalawa niyang mga mata ang dalaga kagabi.

But what if it's just a dream? Baka pag-kamalan pa siyang baliw ng mga kaibigan niya.

Nilingon niya ang ank na nasa gilid at mahimbing parin ang tulog. He smiled because of that.

Napag-desisyunan niyang tumayo na ang bumaba para mag-luto ng agahan nila. It's been a while since he cooked.

Kumuha nalang siya ng hotdog at tocino sa freezer. Kumuha din siya ng dalawang itlog para i-sunny side up.

Inuna niyang lutuin ang hotdog. It's one of his favorites. Hindi na niya napapansing nangingiti na siya habang nag-luluto.

"Ang dami mo namang niluluto."

Here goes the voices again. Naririnig nanaman niya sa isipan niya ang tinig nito.

Isina-walang bahala nalang niya iyon at itinuon ang pansin sa pag-luluto. You're just hallucinating Sejun, just hallucinating.

Hallucinating? Umagang umaga? Naka-kain naman siya ng maayos kagabi, naka-tulog din naman siya. Well, pero hindi maayos.

Sheez, he's starting to get creeped out again. Pakiramdam niya ay may naka-masid sa kaniya. Samantalang silang dalawa lang naman ng anak ang naroon sa bahay.

"Wag mong sabihing hindi mo nanaman ako nakikita at naririnig. Hindi talaga kita patatahimikin."

Hindi na niya alam kung anong paniniwalaan. Ayaw niya itong pansinin dahil iniidip niyang guni guni lang iyon. Ngunit may parte sa isip niya na sumaya siya dahil nakita niya ulit ang dalaga.

"Sej naman eh, pansinin mo naman ako. Kailangan ko ng tulong."

He can feel sadness in her voice. Agad siyang nag-alala para dito nang marinig niya ang sinabi ng dalaga.

I may look like crazy sh*t, but let's try.

Ibinaba niya ang spatula na hawak niya sa platong pinag-lalagyan niya ng mga luto nang ulam.

Tumalikod siya tsaka luminga linga sa paligid.

"Pst, nandito ako." rinig niyang tinig na nanggagaling sa mesa.

Kabado siyang lumingon doon tsaka lumunok bago tuluyang humarap.

"So, confirmed. Nakikita mo nga ako." tumayo ito sa silya tsaka ngumiti nang malawak sa kaniya.

Ganon parin ang itsura nito gaya kagabi. She's still glowing like there's a light surrounding her. Naka-suot din ito ng puting bestida na gaya ng nasa panaginip niya.

Unti unti niyang inangat at kamay at itinuro ang dalaga. "It's n-not what I'm t-thinking, isn't it?" utal niyang tanong.

Kumunot ang noo nito. "Bakit? Ano bang iniisip mo?"

He gasped. "Oh my god, you answered my question." kabado parin niyang sabi.

"Malamang. Ako lang naman ang kausap mo dito." iritado nitong sabi. Nag-pamewang ito tsaka siya sinamaan ng tingin. "O baka naman may iba ka pang nakikitang multo bukod sa akin?"

Love Ghost • SB19 SEJUN [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon