CHAPTER 13: Cuddle

540 23 9
                                    

Chapter 13: Cuddle

NANG MAKA-RATING na sila sa bahay ng binata ay hindi niya maiwasang mamangha. It was not that big, normal lang ang laki nito. Ngunit sa itsura palang ay makikita mo nang pinag-gastusan ito ng malaking halaga.

"Wow! Ang ganda po ng house mo Daddy!" manghang sabi ni Pau.

Sejun chuckled then patted his head. "Gusto mo bang umakyat? I want to show you your room."

Kumunot ang noo niya.

"My room?" takang tanong ng bata.

Sejun nodded. "Let's go. Siguradong magugustuhan mo ang kwarto mo."

Kwarto ni Pau... No, he must be referring to Pau's room for three days only. Hindi naman siguro iyon ganon sa iniisip niya.

Sumunod nalang siya sa mag-ama na umakyat sa hagdan. Napaka simple ng bahay. May mga paintings sa paligid. May chandelier sa sala. Magaganda ang mga gamit. Mukang ito ang naging bunga ng pag-tatrabaho ng binata.

Nang maka-rating na sila sa ikalawang palapag ay dumiretso sila sa isang hallway kung saan may tatlong pinto. Isa sa kanan, isa sa harap, at isa sa dulo.

Sa kaliwang pinto sila pumunta. Pinihit ni Sejun ang doorknob at bumungad sa kanila ang isang maganda at wala pang gusot na silid. It was all in blue, sky blue.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ng binata sa anak.

"Wow, this is my room? It's so big! I like it very much Daddy!" masayang sagot ng anak.

"Go, explore your room."

Matapos sabihin iyon ng binata ay agad na pumasok sa kwarto ang anak tsaka tinignanan ang bawat sulok nito.

Hindi parin naman maalis ang pag-tataka sa isip niya.

"I want to show you something."

Lumingon siya sa binata, he was talking to her.

"Ano naman 'yon?" she asked.

He held her hand. Iginiya siya nito sa kabilang kuwarto sa kanang bahagi ng hallway.

Nang nasa tapat na sila ng kwarto ay binuksan nito ang pinto. Bumungad sa kanila ang kwartong puro violet naman ang kulay ng mga gamit.

Sejun gave her time to look inside. Namamangha siya. Napaka ganda ng itsura, katulad lang ito ng itsura ng sinasabing kuwarto ng anak nila.

"Let's go, may gusto pa akong ipakita sa'yo."

Sumunod nalang siya sa binata. Hindi na siya umangal pa nang hawakan ulit nito ang kamay niya, para bang nasanay na siya doon. At gusto din niya ang pakiramdam ng kamay nito sa kamay niya.

Gaya ng nasa isip niya, dumiretso sila sa huling kwarto. At mas dumoble ang pagka-mangha niya nang bumukas ang pinto.

Mas doble ang lawak nito kaysa sa dalawang kwarto. This must be the master's bedroom. The bed is for two. May side table at lampshade. May terrace din at sliding door ang gamit para maka-labas doon.

This is a perfect house for a family.

For a family, for his family.

"B-Bakit mo ba ipinapakita sakin 'to?" tanong niya sa binata.

Sejun lightly smiled then roamed his eyes around the room. "This house is for my family."

He looked happy saying that.

"G-Ganon ba? Hindi mo na pala dapat kami pinatuloy dito kung ganon. Dapat ang pamilya mo yung unang makaka-kita at makaka-tapak dito. Nakakahiya naman kung malaman nilang may ibang tao kang pinatuloy dito."

Love Ghost • SB19 SEJUN [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon