CHAPTER 29: Reunited

405 20 2
                                    

Chapter 29: Reunited

HE WAITED outside, worrying and thinking about Kasophea's condition. He was about to lose his self control when he saw her blinked. Mabuti nalang at napigilan niya ang sarili at naka-tawag pa ng doktor.

He is hoping for a better news about her condition. Sana naman ay maayos lang ito pati ang anak nila.

Speaking of anak, bigla niyang na-miss si Pau. So he decided to grab his phone and call him. Isang mabuting balita ang iku-kwento niya dito.

[Daddy! Mabuti naman po tumawag na kayo. Miss ko na po agad kayo.]

He automatically smiled. "I miss you too. Don't worry, babalik din agad kami okay? At pag-balik ko, kasama ko na si Mommy."

[Mommy?]

"Yes sweetie. Mommy is back." masayang balita niya sa anak.

Sandaling natahimik ang linya. Akala niya tuloy ay naputol na ito. Until he heard screaming.

[Tita Venus! Tita Venus! Babalik na si Mommy ko! Yey! I'm so excited! Miss na miss ko na si Mommy! Sabi ko na nga ba babalik siya eh.]

He chuckled because of Pau's reaction.

[Thank you Daddy, for bringing Mommy back.]

"No problem sweetie. Pangako ko sa'yo 'yon diba?"

[Opo. Hindi na po ako makapag-hintay. Uwi po kayo agad ah?]

He smiled. "Hmm, uuwi agad kami."

[Bye Daddy! Paki sabi po kay Mommy miss na miss ko na siya at love na love ko siya. Ingat po kayo. I love you Daddy.]

What a sweet kid. "Sure, I'll tell her. Ingat ka din Pau, I love you too."

After that, he ended the call. At saktong pag-baba niya ng tawag ay ang pag-labas ng doktor at ng isang nurse mula sa kwarto ng dalaga. He quickly stood up.

"How is she doc?" he asked.

Ngumiti ang doktor at nilapitan siya. "The patient is doing great. Wala naman kaming nakitang dapat ika-bahala. Pwede mo na siyang kausapin. The baby is fine also, kailangan lang niyang kumain ng masusustansiyang pagkain at ng maraming pahinga. Lumayo din sa stress at kung ano mang nakakapagod na gawain. Almost 8 months na ang baby kaya she needs to be ready. Bukas na bukas pwede na kayong umuwi."

Ngumiti siya nang malawak tsaka tumango. "Salamat po doc."

Nginitian nalang din siya ng doktor bago ito tumango at nag-paalam. Agad naman siyang pumasok sa kwarto para tignan ang kalagayan ng dalaga.

His heart is beating like crazy when he saw her awake. Naka-tingin ito sa binta sa kanang bahagi nito habang naka-higa parin.

Lumunok siya bago dahan dahang nilapitan ang dalaga at umupo sa silya sa gilid ng kama nito.

He held her hand. "Kas, how are you feeling? Ayos ka lang ba? Nagugutom ka ba?" nag-aalala at sunod sunod niyang tanong.

Dahan dahan itong lumingon sa kaniya at nagka-salubong ang kanilang paningin.

"Sejun." banggit nito sa pangalan niya.

He missed her calling him that way.

"Ayos lang ako, wag kang mag-alala." she said in a reassuring tone.

Hindi parin siya makapaniwalang kinakausap na niya ang pisikal na katawan ng dalaga. He can't still believe that she's finally awake and now talking to him.

Love Ghost • SB19 SEJUN [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon