CHAPTER 23: His Past and Feelings

309 18 3
                                    

Chapter 23: His Past and Feelings

SA PAG-LIPAS NG mga araw, mas lalong lumalalim ang iniisip niya tungkol sa mga bagay bagay. Hindi rin kapanipaniwala na sunod sunod na problema ang dumating sa kompanya niya kaya mas lalo siyang naging busy.

His friend, Lite, has been busy this past months. Halos hindi na niya ito nakikitang pumupunta sa opisina. Ang tanging dahilan nito ay may pupuntahan siya, o kaya naman ay may emergency.

He doesn't want to get suspicious of his friend. Pero hindi niya iyon maiwasan. Lalo na't lagi niyang isinasaisip ang sinabi ni Zed, at ang narinig niyang sinabi ni Lite sa kausap sa telepono.

'At kahit pa ang mundo ay mag-iba
Ako'y laging nandirito
Di man ako para sa'yo
Puso'y di mag-babago.

Walang iba, walang iba
Wala nang hahanapin pa
Pag-ibig ko'y sa'yo
Sa'yo hanggang sa huli.'

Can you believe that he wrote and composed that song? He has been listening to it for a while. Halos araw araw niya itong pinatutugtog sa office niya.

"Ang ganda talaga nung kantang 'yan." komento ng dalaga.

He looked at her from head to toe. She's still wearing the simple white dress. At sa mga nag-daang buwan, hindi na ulit ito naka-ranas ng pag-sikip ng dibdib, hindi rin nabago ang liwanag nito.

He slightly smiled, his eyes focused on her belly. It has a baby bump. Based on his calculation, she is now seven months pregnant. Malapit na itong manganak. Kaya minamadali na niya ang pag-hahanap sa dalaga.

Because of that baby bump, he concluded that the baby is safe with her. And he's thankful for that.

"I'm sorry, I couldn't focus on your case. The company has been flooded with problems." dismayado niyang sabi.

Sa sobrang dami ng problema na hinaharap niya, hindi na niya alam kung ano ang dapat unahin.

"Ayos lang." ngumiti ito. "Naiintindihan kita."

Pilit din siyang ngumiti.

Dahil may isang oras siyang free time ay inilaan nalang niya iyon sa kaso ng dalaga. Tinawagan niya kanina ang kaibigan niyang si Zed ngunit wala din daw itong bagong impormasyon na nakalap.

He took out his phone and dialed Lite's number.

Simula noong narinig niya ang sinabi ni Lite noon sa stock room, binantayan na niya ang bawat galaw ng kaibigan kahit labag sa loob niya.

Ang their friendship? Seems like something changed.

Lite is still helping him. Ang nabago lang dito ay hindi na niya ito gaanong nakaka-sama. Madalang na din itong pumunta sa opisina niya, di gaya noon na araw araw siya nitong iniinis.

He admits that he misses his friend.

"Lite. Wala pa bang bagong impormasyon na nakuha yung mga pulis? How about the missing posters? Wala bang tumatawag?" bungad niya.

Lite sighed. [Actually, kaka-alis ko lang sa police station. At ang sabi nila, ititigil na daw nila ang pag-hahanap.]

Napa-tayo siya sa kina-uupuan. "What?! Anong ititigil?! Hindi sila dapat tumigil! That's their job!" inis niyang sabi.

[I know, I know, calm down man. Nakiusap din ako na huwag itigil. Pero ang chief na mismo nila ang nag-sabi. Ilang buwan na din naman daw ang nakaka-raan pero wala parin silang nahahanap na lead, kaya ititigil nalang muna nila. May ibang kaso pa daw kasi silang mas mahalaga na dapat harapin.]

Love Ghost • SB19 SEJUN [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon