Luna's POV
"Goodmorning mga yame!" sigaw ko kila kuya pagkakita kong tanghaling tapat na e tulog parin yung mga ulupong.
"Hoy! Magsibangon na nga kayo, ako nanaman yung mayayari kay mama nyan e!" inom inom pa kasi hindi naman pala nila kaya tapos nyan kapag umuwi si mama masisigawan nanaman akong hindi pa naglilinis na kesyo walang pakinabang ratatatata. Duhhh, sino naman kaseng sisipaging maglinis kung kapag lingon mo lahat ng kasama mo tulog pa tapos nakaharang sa dapat mong linisin? Nakakagana ba yon ha? Badtrip.
"Manahimik ka nga! Tanga ka ata, nakitang natutulog yung tao." busangot na sabi ng kapatid kong ni hindi manlang nag abalang dumilat.
"Hoy noggy! Bumangon kana nga, maglilinis pako!" tapos pinagsisipa ko sa pwet hahaha "Lumipat ka sa taas kung gusto mo pang matulog." linyahan ko na yan sa araw araw na ang hirap nilang gisingin.
"Kuya, umuwi kana daw sabi ni ate juvy dahil umiiyak na yung anak mo!" sabi ko sa kuya kong maagang nagkapamilya.
Jusko, ang aga aga haggard na ulit yung beauty ko dito kaloka.
"Pagbalik ko dapat wala na kayo dyan ha! Baka sa inyo ko ipagawa yan sinasabi ko sa inyong dalawa kayo!" lumabas na muna ko ng bahay para maghanap ng mahihingan ng kape sa mga kapitbahay, hindi pa nga pala kase ko nagaalmusal tapos gutom na tong mga baby ko sa tummy ko.
Sa awa ng diyos e nakapag kape naman ako na galing kay nanay myrna tapos tinapay kay ate cassandra at syempre kwentuhan kay tita danica HAHAHA
Kakatapos ko lang maglinis nang biglang pumasok si mama ng bahay na medyo wala yata to sa mood.
"Timpla mo nga kong kape Jae" argh! kakatapos ko lang maglinis tapos utos nanaman ngayon.
"O ma! Anong ulam natin? Nagugutom nako!" ala una na kase tapos hindi pa kami kumakain.
"Wala! Magtiis kayo, wala akong pera ngayon." tss nakakainis naman nagugutom nako e.
Araw araw nalang ganito, halos ako nalang yung ginagawang yaya sa bahay tapos wala pa kaming makain.
Nakakainis pero kaming apat na magkakapatid kase iba iba ng tatay tapos lahat pa iniwan.
Napakahirap ng buhay lalo na si mama lang yung nagtataguyod samin. Kung nandito lang sana kahit isa manlang sa mga tatay namin.
Nasan na nga kaya yung papa ko? Hindi ba nya ko kilala kaya ni dalawin manlang ako kahit isang beses hindi nya ginawa?
Ang kwento naman sakin ni nanay sa lahat ng tatay naming apat si papa ko yung pinakamabait pero anong nangyare ngayon?
Mabait sya pero bakit iniwan nya ko?
Hindi naman sa ayoko kay mama kaso pakiramdam ko kase hindi buo yung pagkatao ko.
Anong magagawa ko e lahat naman siguro tayo gusto na may tatay na kakalinga rin sayo sa lahat ng oras.
Hindi ko tuloy maiwasang mapaisap kung kapag nandito kaya si papa maghihirap parin ako sa bahay? Kailangan ko pa rin kayang gawing yung mga gawaing bahay na ako lang magisa? Baka kase mayaman yon tapos bigla nalang magbago yung buhay ko na katulad sa wattpad HAHAHA.
Yung tipong paggising mo malalaman mo nalang na prinsesa ka pala? O kaya naman nawawalang anak ng isang napakayamang negosyante tapos nagkaamnesia lang ako kaya ko nakalimutan? HAHAAHAH
Kaso malabo. Kung mayaman nga yung tatay ko edi sana hindi nya tinakbuhan yung responsibilidad nya sakin diba? Kung mayaman man talaga sya at nawala nya ko edi sana pinahanap na nya ko.
Hays, ang sakit ng ulo ko. Gutom na talaga ko tapos pagod pa. Masisira neto yung beauty ko kapag nagkataon. Sobrang payat ko na tapos ang laki pa ng eyebags ko kakapuyat para lang mag ayos ng mga gamit.
I'm Luna Jae Santiago, 14 years old, may tatlong kapatid na sina Jam Arellano, Alain Parchejo, at Jade Arce.
Angas iba iba ng apilido no? Iba iba nga kase kami ng tatay tapos iisa lang yung nanay namin kaya ganon.
Sobrang hirap ng buhay na meron kami pero nakakaraos parin naman.
Puro man kami away pero alam naman namin na mahal na mahal namin ang isa't isa.
Masaya ako na kahit wala si papa e meron naman akong sila para makasama sa buhay pero syempre hindi parin maiwasan na maisip ko kung bakit nga ba ako iniwan ng tatay ko?
Maganda naman ako, maputi yung balat ko na parang sa amerikana. Kulay ng mata ko? Golden Brown na katulad din ng buhok kong mahaba.
Sa kalalakihan? Madami ako nyan haha kaso wala e, yung lalaking kailangan ko e yung tatay ko. Hindi kung sinong mayayabang lang dyan sa paligid na magpapasakit lang lalo ng ulo ko.
Si Ate Jam, maganda, kayumanggi ang balat, black ang buhok tapos kirat hahaha sa edad na 18 may pamilya na sya, Si Kuya Christian yung asawa at si Caleb naman ang anak.
Alain? Maputi, matangos ang ilong, medyo singgit yung mata, tapos matangkad kaya gwapo haha kaso sa edad na 17 may pamilya na rin sya. Si Ate Juvy ang asawa at si Alaiza naman ang anak.
Bunso? Si Jade Arce, maitim, maliit, malaki ang mata, matangos ang ilong, malaki yung tenga. Sakto lang ang itsura kaso mayabang.
Ang bongga diba? Sa hirap ng buhay nagawa pa nilang magkaanak na hahaha kaya nga mas lalong hindi ako makasama sa mga kaibigan kong maggala dahil iniisip ng nanay ko na ako na ang susunod na mabubuntis.
E jusmeyo ni boyfriend nga wala ako tapos mabubuntis pako? Ano yon, kung kani kanino ako magpapagalaw nalang ganon? Wala ba syang tiwala sakin? Kaya nagaaway kami lagi e dahil sa ugali nyang ganyan.
Umalis na lahat sa bahay basta ako hindi. Kulong kung kulong pero mananatili lang sa bahay ang peg ko sa araw araw tuwing walang pasok.
Ni paguwi ko nga galing school may oras o kahit pagpunta ko lang sa kapitbahay namin. Ewan ko ba kay mama, masyadong paranoid. Pero nung sila ate naman yung gumagala go lang sya ng go.
Siguro kase ako lang yung maganda samin kaya ganon nalang kung makaayaw si mama na lumabas ako ng bahay? Ayaw siguro nyan maexpose yung ganda ko sa mga tao?
Hayaan na nga, basta itutulog ko na nga lang tong gutom na to, masakit rin naman yung ulo ko e. Sana lang bukas paggising ko, iba na yung takbo ng buhay ko.
YOU ARE READING
A Queen In Her Own Way.
Teen FictionMasaya ang mga ngiti ngunit umiiyak ang mga mata. Alamin kung ano ang ibig sabihin at suportahan ang kinabukasan ng ating bida. Kakayanin nya kaya lahat ng komplikasyon na mangyayari sa kanyang buhay? Kakayanin nya kayang makita ang kanyang amang sa...