Caren's POV
Nakakatamad na dito sa room, wala naman kaming ginagawa kundi makinig dito sa boring na teacher naming to.
Tingin pa ng tingin tong Leslie nato.Pasalamat talaga tong octopus nato dahil may teacher sa harap kung hindi tutusukin ko na ng ballpen tong mata ng pangit nato.
Ringgg!
Sa wakas! Natapos din tong buset nato. Hinintay ko nalang muna na maubos yung tao sa room para hindi nako makikipag siksikan.
Palabas na sana ako ng hinarang ako ng octopus. Badtrip naman to kung kelan ako nagmamadali e.
"Hi Caren!" ngiting ngiti na sabi nya. Feeling close amputcha. "Magisa ka lang yata?" tanong nya.
"Bakit? May nakikita ka bang kasama ko? Kung meron man, siya nalang yung kausapin mo. Tigilan mo ko naiintindihan mo?" matigas na sabi ko sa kanya. "Wala kong panahon sayo Leslie. Tantanan moko dahil wala kang mapapala sakin." inuubos nya yung oras ko. Aalis na sana ko ng humarang nanaman sya.
"Teka lang naman kase Caren. May gusto lang sana kong sabihin sayo." nakangiting sabi nanaman nya. Tinignan ko nalang sya at hindi na nagsalita pa. "Caren, alam kong may galit ka sakin pero gusto ko lang malaman mong si Vincent na manliligaw mo e inaahas ng Ate Luna mo." biglang nag init yung ulo ko dahil sa sinabi nya. Mukang natuwa naman siya sa naging reaksyon ko.
"Bakit mo sinasabi sakin to?" masama ang tinging tanong ko sa kanya. Ang pangit talaga neto.
"Gusto ko lang sanang sabihin sayo na kapag kelangan mo ng tulong e nandito lang ako. Handa kitang tulungan para makapag higanti dyan sa malanding Luna na yan. Nandito lang ako ha? Hindi kita aahasin tulad ng ginawa ni Luna." kampanteng sabi niya. Ha! Natawa naman ako sa sinasabi niya. Nilahad ko yung kamay ko sa harap niya na ikinaliwanag ng muka nya.
"Sinisigurado ko sayong pagdudusahin natin yung malanding yon." nakangiting sabi niya habang hawak ang kamay ko.
Bitawan ko ang kamay niya. "Huh? E diba inabot mo yung kamay mo sakin dahil pumapayag ka?" naguguluhang tanong nya. Bobita!
"Proweba bitch. I need a proof na may ginawa nga sila." seryosong sabi ko. Napangiti naman sya at inabot sakin yung phone nyang nakadirekta na sa gallery.
Tinignan ko yung laman non at nakita ko nga ang picture ni Ate Luna na kausap si Vincent. "See? Inaahas ka nya. Inaagaw niya ng patago yung manliligaw mo. Napaka landi talaga niya. Kaya kung ako sayo sasabunutan ko yang babaeng yan." bulong nya sa gilid ko.
Napangisi naman ako at napatingin sa kanya. Inabot ko yung phone niya. Kukunin na sana nya ng ilaglag ko ito sa sahig tyaka sinipa ng pagkalakas lakas.
Napanganga siya sa ginawa ko at napatulala. "Talaga? Malandi ang ate ko? Ha! Hindi moko maloloko Leslie naiintindihan mo?" tinaasan ko sya ng kilay. "My phone" pabulong na sabi nya, mangiyak ngiyak na.
"Tanga ka ba o tanga ka talaga? Nandon ako nung mga oras na yan. Hindi siya kinausap ni Ate Luna para ahasin kundi para pagsabihan dahil sa inutos mo kay Angelie na landiin siya." gigil na sabi ko sa kanya na ikinagulat nya. "Ano? Akala mo ba madadala moko dyan sa mga ganyan mo? Asa ka! Kahit kailan hinding hindi magagawa ni Ate Luna yang binibintang mo dahil yung taong yon, mas anghel pa sa isang anghel. Mas puro pa sa puro at higit sa lahat MAS MAGANDA SIYA KESA SAYO!" nakita kong nanggigil siya sa sinabi ko at akmang susugod "Wag lalapit Leslie dahil sinasabi ko sayo, hindi ko talaga kinakaya yang hininga mo! Napaka baho! Iconsider mo naman sanang magsipilyo kahit twice a week lang jusko." diring diri na sabi ko.
Magsasalita na ulit sana siya "Stop! Ayoko pang mamatay. Itigil mo na yang katarantaduhang naiisip mo. Wala kang mapapala sakin." nakangising sabi ko sabay alis na. Ang baho naman kase talaga ng hininga non, kadiri kapag dumikit pa sa damit ko yung amoy. Saktong paglabas ko ng building nung makita ko silang magkakasama na.
Napangiti nalang ako ng wala sa oras. "Naughty babies!" sabay kaway ko kaya nagtakbuhan na kami palapit.
Leslie's POV
Argh! Bwisit silang mga Naughty Girls! Sinasabi ko sa inyo makakabawi din ako. Aish! I hate you all!
Nagpapadyak nako don sa pwesto ko dahil sa inis sa mga taong yon.
"Oy! Ano namang inaarte arte mo diyan?" biglang sulpot ni Althea, kaibigan ko. "Si Luna nanaman ba yan?" nakangising tanong nya. Argh! Alam kong ipapamuka nanaman sakin ng babaeng to na talunan ako. Kaasar!
"Bwisit kaseng babae yon! Hindi manlang magawang magalit ng mga pinsan nya sa kanya! Walang epekto yung nangyari sa plinano ko kay Caren." inis na sabi ko. Ang tagal kong inisip yon tapos palpak pa. Argh! nakakafrustrate naman o.
"Bwahaha e kung hindi kaba naman kase isa't kalahating mulala e bakit kase ang babaw ng prowebang kinuha mo? Sana manlang inedit mo na kunwaring naghalikan o nagyakapan yung dalawa." tawang tawa na sabi nya. Wait, parang gusto ko yung idea na sinabi nya ah?
"O ano? Akala mo mapipikot mo no? Ha! Asa ka! HAHAAHAHAHAHA" binato ko sa kanya yung hawak kong susi kaya naman natahimik siya. Shoot sa bibig e HAHAHAHA.
"Buti nga sayo HAHAHAHA" osya makauwi na nga lang dahil kelangan ko pang mag edit ng milagro. Hahaha humanda ka sakin Luna, dahil katapusan mo na.
Paalis na sana ako ng maalala ko yung susing binato ko. "Althea, akin na yung susi dahil uuwi nako. Mag eedit pako tulad ng sabi mo HAHAHAHA" napatigil ako sa kakatawa nung mapansin kong wala syang kibo. "O, nasan na? Bat hindi ka kumikibo dyan?" kaso wala parin, ayaw sumagot. "Hoy Althea! Ano ba! Akin na yung susi ng kotse ko dahil uuwi nako! Mag eedit pako ng pictures sabi e! Sinasayang mo yung oras ko! Akin na nga!" sunod sunod na sabi ko kaso wala tulala parin.
Nilapitan ko sya "ALTHEA!!! NASAN NA YUNG SUSI NG KOTSE KO!!" sigaw ko sa mismong tenga nya kaya nagulat siya ng bongang bonga.
"NALUNOK KO!" balik na naisigaw nya rin sa gulat.
Nabigla ako dahil sa pagsigaw tyaka ano daw sabi nya? Nalunod? Nalumos? Nalunok? Ah naluno- "What!! Anong nalunok? Bat mo nilunok?" mangiyak ngiyak na sabi ko dahil shet ayokong magcommute.
"Kinginamoka kasalanan mo to! Kung hindi mo shinoot sa bibig ko edi sana wala ngayon to sa tiyan ko? Pano kung kinakalawang pala yon ha? E kung matetano ako? Pano kung mamatay ako Leslie ha? Panooo!" pinagsasabunutan tyaka hinampas nya ko kaya sinabunutan ko din sya. Nag away lang kami don hanggang sa magsawa. Hindi ako magpapatalo kahit na kaibigan ko pa tong bobo na to.
YOU ARE READING
A Queen In Her Own Way.
Teen FictionMasaya ang mga ngiti ngunit umiiyak ang mga mata. Alamin kung ano ang ibig sabihin at suportahan ang kinabukasan ng ating bida. Kakayanin nya kaya lahat ng komplikasyon na mangyayari sa kanyang buhay? Kakayanin nya kayang makita ang kanyang amang sa...