Jam's POV
Pagkalabas ko ng kwarto ni mama sa hospital ay nasalubong ko si Jireh na buhat buhat ang kapatid kong si Luna na kasama si Angelie.
"Anong nangyare?" nag aalalang tanong ko. Maramdamin ang kapatid kong si Luna kaya nakakatakot magsabi sa kanya ng mga bagay bagay.
"Ayos lang siya Ate. Maya maya po baka gumising na rin siya." sagot ni Jireh.
"Ate Jam, kamusta si Tita?" biglang tanong ni Angelie kaya napatingin ako sa kanya.
"Ilapag niyo na muna si Luna sa kamang katabi ng kay Mama sa loob tyaka tayo nag usap usap dito sa labas." payo ko sa kanila. Ginawa naman nila ang sinabi ko..
"Stable na yung lagay ni Mama." saad ko pagkalapit nila sa kinaroroonan ko. "Kaso wala pang kasiguraduhan kung kailan siya magigising." malungkot na sabi ko.
Ang sabi ng doktor sakin kanina, na kay mama na raw ang desisyon kung gugustuhin niya pang magising o hindi na. Kung lalaban paba siya o hindi na.
Ang sakit. Pero hindi ko nalang sinasabi sa mga bata yon dahil alam kong mababaggit nila ito kay Luna na pwedeng maging dahilan ng despression niya.
Ayokong mangyare nanaman yung dating nangyare sa kapatid ko. Nakayanan niyang labanan yung nauna kaso makikita mong sobrang nahihirapan siya.
At kahit kailan hindi ko na hiniling na makita pa ulit ang nasasaktang muka ng kapatid ko. Mahal na mahal namin si Luna dahil napakabuti niyang bata.
Sa tuwing aalis kami ng asawa ko, siya lagi yung inaasahan namin para magbantay sa anak kong si Caleb. Sa murang edad, natuto si Luna kung paanong mag alaga ng bata.
Kung paanong magluto at gumawa ng gawaing bahay. Pwedeng pwede na siyang mag asawa lalo na at madiskarte din siya pagdating sa pagkakakitaan kaya alam kong magiging matagumpay ang buhay ng kapatid ko.
Pero hindi parin kami pumapayag na magboyfriend siya dahil natatakot kaming mawala siya samin.
Si Vince, pinagbigyan namin yung relasyon nila ni Vince dahil magkakilala ang mga pamilya namin at alam naming matalinong bata si Vince.
Pero hindi namin akalaing hindi rin sila magtatagal ng kapatid ko. Wala kaming alam sa nangyare dahil ayaw namang magsabi ni Luna pero may tiwala kami sa kanya na kaya niya ng ayusin ang kung ano mang gusot na mangyayare sa sarili niyang buhay.
Nagpatuloy lang kami sa pag uusap hanggang sa magising narin si Luna at kinailangan ko ng umuwi para manguha ng gamit at pagkain sa bahay.
Naiwan si Luna na mag isa don. Sana kausapin niya si Mama na lumaban. Alam kong naririnig ni Mama ang kung ano mang sinasabi namin sa kanya. Kaya Ma, pakiusap lumaban ka.
Lumaban ka Mama. Kahit hindi na para samin, kahit para kay Luna at Jade nalang. Bata pa si Jade at mahina naman ang puso ni Luna. Kailangan kapa nila Ma.
Kailangan ka pa rin ng mga apo at magiging apo mo. Kailangan ka naming lahat Ma.
Bago bumalik sa hospital ay dumaan na muna ko kay Aling Je-an dahil hiniling to ni Luna. Si Aling Je-an ang naging alaga ni Luna simula bata pa lamang siya.
Nakilala niya si Aling Je-an sa kalsada. Namamalimos. Palagi niyang binabalikan ang matanda sa pwesto nito at dinadalhan ng pagkain.
Pagtungtong niya ng trese anyos ay tuluyan na ngang inampon ito ng kapatid ko at ginawan ng sariling bahay na gawa sa kahoy. Maliit lamang ito at tama lang para may masilungan ngunit malinis naman ito ma pa loob man o labas.
Pagdating ko sa tapat ng bahay ay may mga taong nagkakagulo.
Anong meron? tanong ko sa isip ko na medyo kinakabog ng puso ko.
Hindi naman siguro diba? Malakas pa si Aling Je-an kaya malabo yan.
"Ano pong nangyayare?" kabadong tanong ko sa isang namukaan kong kapitbahay ni Aling Je-an. Hindi ko maintindihan kung bakit umiiyak sila.
"Si Aling Je-an pumanaw na. Wala na ang matanda." umiiyak na saad pa niya na nakapag patulala sakin.
Si Aling Je-an wala na. Jusko, bakit ngayon pang may iba pang problemang kinakaharap ang kapatid ko?
Sobrang nalulungkot ako para sa kapatid ko. Una, yung nangyari kay Mama na hindi ko pwedeng ipaalam sa kanya ang totoong lagay. Pangalawa naman itong si Aling Je-an na alaga niya ay pumanaw na.
Hindi manlang sila nakapag paalam sa isa't isa. Alam kong masasaktan ang kapatid ko pero kailangan niya paring malaman.
Inasikaso ko na ang magiging burol ni Aling Je-an bago ako nagtungo sa hospital. Naabutan ko si Luna na nakatulala at parang may malalim na iniisip.
"Luna, ayos ka lang?" nag aalalang tanong ko. Tumango naman siya kahit na alam kong hindi totoo.
"May kailangan kang malaman." mahinang sabi ko na ikinalingon niya "Luna wag kang mabibigla ha?" ngumiti naman siya ng bahagya na nagpapahayag na ayos lang. "Luna, si Aling Je-an." bigla nalang nagbagsakan ang kanyang mga luha.
Teka, alam na ba ng kapatid ko na mangyayare to? "Alam mo na?" naiiyak na ring tanong ko na ikinatango niya at mas lalong umiyak ng malakas.
Damang dama ng kung sino mang makakakita ang sakit na nararamdaman ng kapatid mo. Nasasaktan din ako para sa kanya. Kung pwedeng kunin ko nalang sana yung sakit e, gagawin ko.
"Luna, tahan na. Isipin nalang natin na maayos na ang lagay ni Aling Je-an."
"At si Mama? Ate alam ko na yung totoong lagay niya." hagulgol nang sabi niya. Pano? "Ate ang sakit sakit. Bakit nagkakaganito yung mga taong mahal ko? Parang kahapon lang naman ayos pa silang lahat ah? Bakit biglaan naman yata?" saad niya na punong puno ng luha ang ang mata.
Niyakap ko nalang ang kapatid ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Hinayaan ko nalang siyang umiyak hanggang sa makatulog na siya.
Third Person's POV
Lingid sa kaalaman ni Jam na meron pang isang problema ang kanyang kapatid. At iyon ay ang taong tumawag sa kanya kani kanina lang bago dumating si Jam.
Flashback
Nakatitig si Luna sa kanyang ina dahil nakausap niya ang mga doktor sa hospital na iyon.
Kinukumbinsi niya ang kanyang ina na magising ng biglang tumunog ang kanyang telepono.
Hindi agad sinagot ni Luna kung sino ang tumatawag dahil hindi nakasave sa kanyang contacts ang number ng kung sino mang tumatawag.
"Hello?" pagkasagot niya bago mamatay ang tawag.
"Hi Luna. Kaya mo pa ba ang mga sorpresang ipinapadala ko sayo? I mean pinapadama na rin sige." sabay tawa ng pang mangkukulam ang nasa kabilang linya.
Nagsalubong ang kilay ni Luna dahil pamilyar ang boses na kanyang naririnig. "Sino ka?" medyo galit na saad ni Luna. "Sinasabi mo bang ikaw ang dahilan ng lahat ng nangyayari sa mga tao sa paligid ko?" hysterical na tanong niyang muli.
"Hulaan mo." tawang tawa na sabi ng kausap. Nanggagalaiti na si Luna sa pinagsasabi ng kausap, gusto niya itong patayin kahit na hindi naman niya kilala kung sino nga ito. "Alam mo girl, ang bobo mo rin kasi e. Simple lang naman kase yung gusto ko, at ayon ay ang lumayo ka sa lugar nato. Simula kase ng dumating lagi nalang ikaw yung bukang bibig ng mga tao na ang bait bait mo raw. Pwe! Wala ka kayang kwenta. At ng dahil sayo, nawala yung spotlight na dapat ay saamin!" nagtaka naman si Luna sa pinagsasabi ng kausap.
"Sa amin? So marami kayo?" tanong niya at medyo natauhan ng maalala na kung kaninong boses ang naririnig niya sa kabilang linya.
"Yep, kaya hindi mo kami kakayanin kahit gaano kapa kalakas." nakarinig siya ng mga tawa mula sa kabilang linya na tuluyang nakapag papatak ng kanyang mga luhang kanina pa pinipigilan.
Bakit? Bakit sila pa? Ano bang nagawa kong mali sa kanila? Boses nila yon e, sila yon.
May nagawa bago sa inyo para gswin niyo to? Akala ko bang mahal niyo ko at handa niyong gawin ang lahat para lang sakin? Anong nangyare? Bakit ganito?
Naughty Girls, bakit niyo nagawa sakin to?.
YOU ARE READING
A Queen In Her Own Way.
Teen FictionMasaya ang mga ngiti ngunit umiiyak ang mga mata. Alamin kung ano ang ibig sabihin at suportahan ang kinabukasan ng ating bida. Kakayanin nya kaya lahat ng komplikasyon na mangyayari sa kanyang buhay? Kakayanin nya kayang makita ang kanyang amang sa...