Chapter 6: Imissyou.

6 3 0
                                    

Leslie's POV

Aish! Nasan nanaman kaya yung malanding babaeng yon? Kanina pako naiinis dito sa mga bitbit ko.

Nasan na ba kase yung alalay kong yon? Magaalas sais na tapos wala parin dito sa parking.

Well, kahit naman public school lang tong pinapasukan ko e syempre mayaman parin ako.

Private talaga ko e, kase doon daw ako nababagay sabi ni daddy. Kaso nakita kong nandito si Luna.

So ayon, lumipat ako dito. Nakita ko kase soyang masaya e, kaya sisirain ko yung buhay niya.

Anak si Luna ng kaibigan ni mom. Palagi siyang kinukumpara sakin ni mommy kaya malaki talaga ang galit ko kay Luna.

Dahil sayo kaya ayaw sakin ng mom ko. Kasalanan mo kung bakit hindi kami magkasundo ni mom. Pagbabayarin kita!

" Wala kang silbi! Ni hindi mo matapatan yung kahit konting talino lang ni Luna, idagdag mo pa ngayon yung galing nila sa Varsity ng Basketball!"

"Mayaman ka lang, pero tatanga tanga ka naman! Hindi ka nararapat na mag aral sa mamahaling eskwelahan dahil wala namang pumapasok niyang maliit na utak mo!"

"Panira ka sa buhay. Sana hindi ka nalang dumating sa buhay namin ng dad mo, nasisira ang reputasyon namin ng dahil sayong letse ka!"

Pumasok nanaman sa utak ko yung lahat ng pinagsasabi sakin ni Mommy habang sinasabunutan ako.

Argh! Hindi ako iiyak. Kahit saktan nako ng lahat, walang pwedeng makakita na umiiyak ako.

Ako to e, si Leslie na bully. Malakas kaya ako. Matalino rin ako, papatunayan ko yan kay Mommy.

Ipagmamalaki niya rin ako. Gagawin ko ang lahat para lang makuha ang bagay na yon.

Kaasar! Makauwi na nga, mukang hindi naman kase dadating yung hampas lupang Angelie na yon.

Angelie's POV

Argh! Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyare? Teka, nasan ba ko?

Bumangon nako "Aww, ulo koooo!" nasasaktang sabi ko habang hawak yung ulo ko.

Wait, kwarto ko to ah? Pano ako napunta dito? Nakauwi bako mag isa kagabi?

Aish! Bahala na nga, magtitimpla nalang akong kape.

Gegewang gewang akong pumunta sa kusina. Yung ulo ko parang binibiyak. Ang sakittttt!

"Oh, buti naman at gising kana. Ano nanaman bang pumasok diyan sa maliit mong kokote at naglasing ka kagabi? Ke bata bata mo kung umasta ka parang hindi ka babae!" sermon ng lolo ko. Tss, masakit na nga yung ulo ko tapos sesermonan pako.

Nilagpasan ko nalang siya at hindi na pinansin.

"Nag iisip kapa ba? Wala ka talagang modong bata ka. Hindi ko na alam kung anong gagawin sayo!" Sabi nanaman niya. Nagsuot nalang ako ng earphones para matahimik naman yung buhay ko.

Nakakarindi! Palibhasa matanda na, putak tuloy ng putak.

Umalis na lang siya bigla. Siguro kase naramdaman niyang ayoko talaga siyang kausap. Panira ng araw.

Colein's POV

Napaka bastos talaga netong si Angelie. Pati kay lolo walang galang. Kawawa naman si lolo.

Kanina pako dito sa tapat ng pintuan ng kusina nila. Bibigyan ko lang sana si Lolo nung lumpia na niluto ni Mama.

"Lo, ayos ka lang po ba? Narinig ko po kaseng pinagsasabihan niyo nanaman si Angelie." nag aalalang tanong ko. Pati ba naman matanda papatulan niya.

A Queen In Her Own Way.Where stories live. Discover now