Chapter 2: Share Mo Lang?

15 2 0
                                    

Bella's POV

Papasok na kami ng school nila Ate Luna. Grabe puyat na puyat kami. Pero masaya naman lalo na nung bumalibag si Mich dahil sinipa sya ni Ate Luna. Laughtrip yon hahahaha pero buti nalang at ayos na si Ate Luna. Nakakapang hina naman kase talagang makita syang umiiyak. Di kami sanay na ganon sya.

By the way, Grade 8 palang pala ko at si Mich tapos pareho namang Grade 9 sila Ate Cheyci at Ate Colein tapos Grade 10 si Ate Caren at Grade 12 naman si Ate Luna. Grade 9 lang din si Ate Angelie tapos Grade 12 naman si Kuya Vince.

Napakalandi naman kase talaga ng pinsan naming yon. Pero hindi naman namin akalaing pati boyfriend ni Ate Luna magagawa nyang ahasin.

Buti nga sakanya yon dahil simula palang naman talaga pansin ko ng iba yung kulay nung pinsan naming yon.

Ewan ko ha pero simula't sapul ayoko na sa haliparot na yon. Ate ko sya oo pero wala parin akong pake dahil malandi sya.

Duh, pasalamat nga sya at mabait parin si Ate Luna para pigilan kami nila Ate Caren kundi baka nginudngod na namin sa tae ng kalabaw yung muka nung pangit na yon.

Gandang ganda sa sarili e malandi lang naman talaga. Sabi nga nila diba? Talo ng malandi ang maganda. At sa kaso nila e syempre si Ate Luna yung maganda.

Speaking of that butete girl. Kasama pa talaga nya yung gagong lalaking nanakit kay Ate Luna pati narin yung Octopus na may halong shokoy na Leslie na yan. So iw no, ang papangit nila.

Hinarang nila yung dadaanan ni Ate Luna kaya naman pumunta kaming lahat nila Ate Cheyci sa likod ni Ate Luna.

Iba na yung handa no hahaha wala namang laban samin yang mga higad na yan.

"Hi Luna, namiss mo bako?" sabi nung gagong Vince na yon kay Ate Luna na nginisihan lang naman ni Ate Luna. Ha! Buti nga sayo HAHAHAHA. Snob ka boy, pangit mo kase!

"Luna, Luna, Luna. Kawawa ka naman, natalo ka ng pinsan mo. Tignan mo sila o, ang cute nilang tignan." natawa naman si Ate Luna. Kahit kaming mga pinsan nya. Isa lang kase yung pumapasok sa utak namin kapag nakarinig ng salitang cute. At ano yon? HAHAHAHAHA ASO!

"O, ang cute nga. Actually hindi lang sila e, pati rin kayo nyang si Justine. Cute nyong lahat, mga mukang aso." napatawa naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Ate Luna, kahit yung mga nanonood hahahaha iba na talaga kapag maganda yung sangkot, hakot ng audience agad.

Namula naman sa pagkainis si Leslie pero nakabawi pa rin. "Oh dear Luna, alam ko namang nasasaktan ka pa talaga e. Lalo na at ang sweet nila Angelie tapos Boyfriend ko pa yung pinagpapantasyahan mo HAHAHAAH" abat napaka kapal naman ng muka neto kahit yung totoo naman talaga, yung boyfriend nya yung baliw na baliw kay Ate Luna.

"Oh tapos? Share mo lang?" natatawang sabi ni Ate Luna. Potek hahaha kung ako kay Leslie baka magwalkout nako lalo na wala namang pake yung pinipikon ko, waepek ka girl HAHAHAHAA.

"Syempre dear alam kong masakit para sayo yon. Pero wag kang mag alala, marami pa namang iba dyan e." may pa hawak pa syang nalalaman kay Ate Luna, kapag ikaw sinapak nyan kalamo.

"Ows? Sino may pake?" walang pakealam na sabi ni Ate Luna hahaha jusko kawawa naman si Octopus.

"Ano kamo? Aba't talaga namang napaka tigas mong babae ka ah!" susugod na dapat sya kay Ate Luna kaso lang pinigilan sya nung boyfriend nya.

"Pwede ba Leslie! Alam mong si Luna ang gusto ko at hindi ikaw! Pinagtyatyagaan lang kita naiintindihan mo? Pasalamat ka at kahit papano maganda yang katawan mo!" sigaw ni Justine kay Leslie. Si Leslie? Ayon paiyak na hahaha pahiya e. Yan kase assuming masyado.

A Queen In Her Own Way.Where stories live. Discover now