Chapter 9: It hurts, bigtime.

6 3 0
                                    

Leslie's POV

Angelie, I will make you pay. Hindi ko hahayaang maging masaya ka. Lalong lalo ka na Luna. Magbabayad kayong lahat.

Punong puno nako. Hindi nako papayag na malamangan pako ng magpipinsan na yan. Lalong lalo na ikaw Luna Humanda ka dahil sinisigurado ko sayo, ano mang oras ngayon ay dudurugin kita. Iiyak ka Luna, iiyak ka hanggang sa mamatay ka! Papatayin kita! Papatayin ko kayong lahat!

Iisang tao lang ang alam kong makakatulong sakin sa mga pagkakataong ito. Hinding hindi niya ko bibiguin katulad ng lahat ng tao sa paligid ko. Magtatagumpay nako sa pagkakataong ito.

"Dad."

Napatingin siya sa gawi ko at ngumiti. Alm kong alam niyang may kailangan ako sa kanya kaya eto na yung oras para sabihin sa kanya kung ano yon.

Angelie's POV

Nandito ako ngayon sa bahay nila Ate Luna at isa lang ang masasabi ko. Nakakapagodddd. Nakakapagod tignan si Ate Luna na pabalik balik.

Pabalik balik dahil naglilinis siya ng bahay nila. Sakto lang naman yung bahay nila. May 2nd floor pero hindi naman din ganon kalakihan.

May tatlong kwarto sa buong bahay at dalawang banyo, isang sala at kusina sa labas ng bahay.

Pinaka unang ginawa ni Ate Luna ay ang punasan ang divider. Pagkatapos non? Linis ang lamesa, ayusin ang upuan, magwalis, mop, kuha ng damit sa sampayan, magtupi, maghugas ng plato, linisin ang kalan at higit sa lahat, kuskusin ang banyo.

Nakakahilo, kanina pa siya balik balik. Pero ang cool kase kahit alam kong nakakapagod e nakangiti parin siya. Masaya siya sa ginagawa niya.

Nagluto pa siya after ng mga ginawa niya, pinagtimpla na rin niya ng kape si Tita. Hindi ko yata kakayaning mabuhay ng ginagawa ang mga ginagawa ni Ate Luna.

Naiinggit ako. Nakikita ko kaseng masaya siya sa pamilya niya. Sana ako din. Sana buhay pa sila mama. Sana may nanay din ako.

Maswerte ako dahil kahit papano ay nakasama ko parin ang papa ko pero si Ate Luna? Walang alam sa papa niya since birth. Kahit nga sa Birth Certificate niyan, unknown yung tatay e. Sakit non diba? Kahit sa papeles hindi parin kilala ang tatay mo.

Pero naiinggit parin ako sa kanya dahil masaya parin siya kahit ang hirap ng buhay niya. Aaminin ko, hindi ako marunong sa gawaing bahay.

Kahit kailan hindi ako pinaghawak ng kahit na anong pang linis ng bahay ni Lolo. Ayaw niya daw kaseng mapagod ako.

Aish! Namimiss ko na si Lolo. Napakasama ko ngang talaga dahil ngayon ko lang narealize na napaka bait nga niya sakin tapos nagawa ko pa siyang bastus batosin.

Masakit lang naman kase talaga yung ulo ko nung mga araw na yon. Wala lang talaga ko sa mood.

"Jae, pagkatapos mong magsaing linisin mo naman yung kwarto ko ha. Aalis lang ako saglit kaya bantayan mo na rin yang mga pamangkin mo dahil wala yung ate tyaka kuya mo." dinig kong bilin ni Tita Jane kay Ate Luna.

Siya lang yung naririnig kong tumatawag ng Jae kay Ate Luna. Ayaw kase ni Ate Luna yon dahil parang katulad ng pagkatao niya, gusto niya ring hindi buo ang pangalang itatawag sa kanya.

Pero si Tita, hindi siya nagsasawang tawagin siyang Jae para raw hindi makalimot si Ate Luna na meron pa siyang ama.

Medyo magulo ha, hindi ko rin kase alam yung buong story ng buhay ni Ate Luna. Basta ang alam ko lang ay ayaw ni Tita na kalimutan ni Ate Luna na may tatay pa siya.

Na kahit na iniwan man siya ng tatay niya e hindi magandang magtanim ng sama ng loob si Ate Luna.

Actually sa kanilang lahat na magkakapatid naman ganon si tita e. Mas lamang nga lang kay Ate Luna dahil sabi yata ni Tita, ayon lang daw yung makakatulong kay Ate Luna.

A Queen In Her Own Way.Where stories live. Discover now