Chapter 14: It's a No.

13 4 1
                                    

Luna's POV

Nakwento sa akin ni Tita Sarah na simula nanliligaw pa lamang sa kanya si Papa ay madalas na akong maikwento ni Papa sa kanya.

Nagtataka ako kung paanong nalaman nila ang tungkol sa akin dahil hindi ko naman sila nakasama at doon ko lamang napag alaman na pinapabantayan pala nila ko.

Matagal na akong pinahanap ni Papa dahil nagkahiwalay sila ni Mama ng magpunta itong ibang bansa.

"Hindi ko magawang magalit sayo dahil kahit na hindi pa naman kita nakikita ay itinuring na kitang anak ko." nakangiting sambit ni Tita Sarah.

"Tita, baka magselos o magalit sa akin yung mga baby niyo po kapag nalaman nila to." kabadong tanong ko dahil ayoko ng kaaway na magmumula pamilya.

"Wala kaming anak ng Papa mo." malungkot na pagkakasabi ni Tita.

"Sorry po."

"Ayos lang, tanggap na rin naman namin n may sakit ako sa matres kung kayat hindi na kami mabibiyayaan ng anak. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit gustong gusto ka ng mahanap ng iyong Ama."

"Po? Bakit po?" takang tanong ko.

"Dahil sasama kana sa amin. Dito kana titira at ako na ang tatayong ina mo." masayang kwento ni tita.

Hindi! Hindi pwede dahil may Mama nako at kailangan niya ako.

"I'm sorry, Tita. Pero malabo pong mangyari yan."

Naglahong parang bula ang ngiting kanina pang nakaukit sa kanyang mga labi. Napakunot rin ang noo ng aking Ama.

"Hindi ba't ayon naman din ang dahilan kung bakit ka nagtungo dito?"

"Nagkakamali po kayo."seryosong saad ko.

"Kung ganon anak, anong dahilan at naparito ka?" tanong ni Papa.

"Dahil kailangan ko po ng tulong ninyo."

"Tulong saan?" tanong muli ni Papa.

Eto na ang pagkakataon kong mahingan ng tulong si Papa kaya nilakasan ko na ang loob ko.

"Papa kase po nasa hospital si Mama." bahagya namang nagulat si Papa sa sinambit ko kaya napatingin ako kay Tita at mukang ayos lang naman sa kanyang pag usapan si Mama.

"Papa, na hospital po si Mama dahil nabangga siya ng bus na binayaran nung taong may galit sa akin na hindi ko po alam ang dahilan. Pinagtangkaan si Mama at pinatay naman po niya si Aling Je-an na napaka buting tao na kinupkop ko kahit na bata pa ako dahil napaka bait niya. Pinagtatangkaan niya rin po ang buhay ng mga pinsan ko at natatakot ako na baka kung sino pang malalapit sa akin ang idamay niya. Papa, please po tulungan niyo ko. Hindi ko magawang lumaban dahil malakas ang kapit ng kanilang pamilya ng dahil sa pera. Laging binabasura yung kasong sinasampa ni Ate Jam sa korte para sa kanila. Papa pakiusap tulungan niyo po kong makuha ang hustisya para sa mga taong sinaktan nila." puno ng hinanakit na wika ko sa aking Ama.

Nakita ko ang awa sa kanilang mga mata ngunit hindi ayon ang kailangan ko. Kailangan ko ng approval nilang tutulungan nila ko at hindi ang awa nila.

"Pasensya na ngunit hindi ka namin matutulungan." seryosong saad ni Tita na hindi naman kinontra ni Papa kung kayat para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

Hindi ako matutulungan nila Papa. Kung ganon, ano pang ginagawa ko dito? Sayang ang oras ko na dapat ay maghahanap ng taong makakatulong sa akin.

Wala akong magawa kung hindi ang mapangiti ng mapait at mapatango habang umiiyak sa kanilang harapan.

Akala ko ayos na ang lahat. Akala ko ayos na dahil nakapa buti nilang tao ngunit ang lahat ng yon ay akala nga lang pala talaga.

Tumayo na ako at ganon na rin si Jireh, nakaalalay siya sa likuran ko dahil pakiramdam ko rin talaga ay babagsak na ako dahil sa panlalambot ng tuhod ko at sa sakit na meron ako sa dibdib ko.

"Pasensiya na po sa abala, aalis na po kami. Salamat at nakilala ko po kayo." nakangiti ngunit umiiyak na sambit ko.

Ang sakit, umasa ako e. Akala ko makakalaban na kami e. Wala parin pala.

Palabas na kami ng kanilang bahay ng biglang...

"IT'S A PRANK!" biglang sigaw ni Tita Sarah kasabay ng pagtawa ni Papa at ni Manang Seli.

Napatulala naman ako dahil sa biglang sinabi ni Tita. Mas lalo akong naiyak dahil hindi ko alam kung matutuwa ba ako p maiinis dahil pinagtripan nila ako.

Bahagyang natawa na rin si Jireh samantalang ako ay umiiyak parin. Halos maubusan na ko ng hininga dahil sa kakadrama kong to.

Pagod na pagod na yung utak at katawan ko dahil sa iba't ibang pakiramdam na nararamdaman ko.

"Tita naman e." naiiyak paring sabi ko at mahahalata mo ang pagod sa boses ko.

Bahagyang napatigil naman sila sa pagtawa pagkatapos marinig ang boses ko.

"Anak, ayos ka lang ba?" biglang tanong ni Papa.

Nakatingin silang lahat sa akin at kitang kita kong kabado sila kaya ngumiti nalang ako at hahakbang na sana palapit sa kanila ng bigla nalang akong matumba.

Pagod na pagod ako, naubusan na ako ng lakas at nakatulog. Hindi ko naman sinasadyang pag alalahanin sila ngunit sadyang pagod na talaga ako.

Ganti na rin siguro dahil prinank nila ko. Nandilim na ng tuluyan ang paningin ko at nakatulog.

A Queen In Her Own Way.Where stories live. Discover now