Mich POV
"Uy! Narinig nyo na ba yung nangyari kahapon? Nung uwian?" tanong ko kila Ate Luna. Magkakasama kami ngayon dito sa bahay nila Ate Luna kase walang pasok.
"Oh anong meron kahapon?" intrigang tanong ni Bella. "Ayan! Kapag usapang chismis ang bibilis niyo!" sabat ni Ate Luna kaya natawa naman kaming lahat.
"So ayon nga mga Ate, naabutan daw nung janitor si Leslie tyaka si Althea na nagaaway doon sa isang classroom!" chika ko sa kanila na ikinalingon nila. "Pinagtataka ko pa mga Ate, e diba magkaibigan yung dalawang yon?" tanong ko na ikinatango naman nila.
"Siguro may ginawa nanamang kabitchan yang si octopus. Gosh! Pati sariling kaibigan hindi pinalampas." Maarteng sabi ni Colein.
"True Ate Colein. Wala na talagang pinipili yang si octopus. Napaka bitch talaga nya." sang ayon ni Bella "Tapos sabi mo janitor yung nakakita diba? E pano yon, diba 10:00 pm lang nagraround yung mga janitor? So gabi sila nag away?" dagdag ni Bella na kinaisip naman namin.
"Correction naughty's pero 4-10 silang nagsabunutan" natatawang sabi ni Ate Cheyci. "Napadaan kase ako sa room ni Ate Caren tapos narinig kong nagsisigawan sila kaya sigurado akong nung mga oras na yon e nag aaway na sila." dagdag nya.
"E teka, Althea? Diba ayon yung naghalik sa boyfriend mo Cheyci?" tanong bigla ni Ate Luna kaya napatigil sa pagtawa si Ate Cheyci. Napa oww naman kaming iba.
"Ate Luna naman pinaalala pa e. Hindi pa nga ako nakakaganti sa haliparot na yon. Manang mana sa kaibigan nya, mga malalandi sila!" galit na sabi ni Ate Cheyci habang inaalala yung nangyare.
Cheyci's POV
Mga hayop silang magkakaibigan. Hinding hindi ko mapapalampas yung ginawa nyang paghalik kay Warren nung isang araw.
Flashback
"Alam mo ba babe, bigla akong niyakap ni Althea kanina. Kaya ayon natulak ko sya." sumbong sakin ni Warren. At ano daw ang sabi? Niyakap siya ni Althea?
"At bakit nya naman ginawa yon aber?" inis na sabi ko.
"Hindi ko rin alam babe. Nagulat nga rin ako kase nakikipag usap ako sa tropa nung mga oras na yon. Pagkayakap palang alam ko ng hindi ikaw, ang tapang ng amoy ng pabango e. Nananapak." natatawang sabi nya kaya natawa na rin ako dahil sa kagwapuhan ng boyfriend ko. "Nitong mga nakaraang araw din babe, pinagkakalat niya sa mga kaklase namin na gusto nya raw ako. E sabi ko naman hindi ako pumapatol sa mga putok yung muka sa sobrang kapal ng makeup." tuluyan na kong natawa dito sa kwento ni Warren.
Napaka loyal talaga netong lalaking to. Kaya mahal na mahal ko to e, dahil alam kong hindi nya kakayaning makitang nasasaktan ako.
Pero hindi ibig sabihin non na palalampasin ko ang lahat ng ginawa nung Althea na yan. Humanda siya.
Niyakap ko nalang ang boyfriend ko para malaman niyang proud ako na meron akong siya. Niyakap nya rin naman ako ng mas mahigpit pa. Sobrang nakakakilig to, napakasaya ng puso ko sa tuwing kasama ko siya. Mahal na mahal ko na talaga tong lalaking kaharap ko ngayon.
"Warren!" biglang may sumigaw kaya napabitaw kami sabay lingon.
Kaso.HINALIKAN NI ALTHEA SI WARREN SA HARAPAN KO!
Nagulat kaming pareho ni Warren sa nangyare pero mas nauna parin siyang makabawi at tinulak ng napaka lakas si Althea.
"Fuck you, Althea!" sigaw ni Warren na nagpabalik sa ulirat ko. Parang biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo kaya biglang nandilim ang paningin ko at sinugod si Althea na nakangisi pa kahit nakaupo na sa lupa.

YOU ARE READING
A Queen In Her Own Way.
Novela JuvenilMasaya ang mga ngiti ngunit umiiyak ang mga mata. Alamin kung ano ang ibig sabihin at suportahan ang kinabukasan ng ating bida. Kakayanin nya kaya lahat ng komplikasyon na mangyayari sa kanyang buhay? Kakayanin nya kayang makita ang kanyang amang sa...