Colein's POV
"Magiging maayos na rin ang lahat." nakangiting saad ko pagkatapos kong makitang magkasama si Ate Luna at Angelie.
Hindi ko na sila nilapitan dahil gusto ko silang bigyan ng oras para sa isa't isa.
Isa pa, nandito ko sa isang bench habang nakatingin sa crush ko. Wala lang, ang gwapo niya kase e.
Nakakaasar yung mga babaeng lapit ng lapit sa kanya. Pero anong magagawa ko? Ni hindi nga niya ko kilala. Hindi niya nga rin alam na nageexist ako dito sa school neto e.
Bakit kase sikat pa yang lalaking yan. Ang hirap tulog makalapit. Pero ayos lang, atleast nalalaman ko lagi kung nasaang lupalop man siya ng school dahil nga bukang bibig siya ng mga estudyante dito.
Basketball Player din siya, kanang kamay ni Nathan. Siya si Keann. Maputi, Singkit, Matangos ang ilong, Mapula ang labi, at higit sa lahat Matangkad.
Ang gwapo gwapo talaga ni Keann kahit kailan. Hays, kelan kaya ako makikilala ng lalakeng to.
"BULAGA!!"
"AY KEANN KONG MAHAL!" pasigaw na sabi ko rin dahil sa gulat. Shems, narinig ng mga malapit samin kaya napatingin sila sakin na parang natatawa.
"HAHAHAAHAHAHAHA Keann pala ha!" tawang tawa na sabi ni Cheyci. So etong babaeng to pala yung naggulat sakin.
"Hoy! Wag ka ngang maingay, baka marinig ka niya!" inis na sabi ko. Buti nalang talaga at hindi narinig ni Keann yung nasigaw ko kanina kundi major turn off na sakin yon.
Cheyci naman kase e. Binatukan ko nga haha "Aww, tatahimik na nga e!" nakangusong sabi niya.
"Ikaw naman kase e. Tignan mo o, pinagtitinginan tuloy nila tayo. Buti nalang may mga babaeng maingay na nakapaligid kay Keann kundi baka nalintikan na."
"So ayos lang sayo kahit marami kang kaagaw sa kanya?"
"Kaagaw ka diyan? E ni hindi nga ako kilala niyang si Keann kaya wala akong laban."
" Ah okay." nakangising sambit ni Cheyci. Wait, mukang may binabalak nanaman tong babaeng to ah.
At mukang hindi maganda yon. Tatanungin ko na sana siya ng bigla siyang sumigaw. "Hoy Keann, nagtatampo na tong si Colein dahil lumalandi ka daw sa iba!" para naman akong naestatwa sa sinigaw niya.
Teka, ano daw? Ako? "Hoy! Cheyci ano b-"
"Keann tong fiancee mo nagseselos na!" Omg! Pulang pula nako dito sa pageeskandalong ginagawa ni Cheyci.
"Cheyci, itigil mo yan! Ano ba! Nakakahiya kaaa!" hiyang hiya na sabi ko sa kanya. Nakayuko nalang ako habang tawang tawa naman siya.
Hindi ko na alam yung nangyayari sa paligid ko dahil nakayuko lang ako. Pansin ko namang biglang natahimik sa pagtawa si Cheyci.
Napaangat ako ng tingin para tignan ko kung napano siya ng..
Tsupp!
SI KEANN! NAHALIKAN KO SI KEANN!
"Kyahhhhh!" dinig kong sigaw ni Cheyci sa kilig. Pero saglit lang yon dahil biglang tumigil ang mundo ko.
Parang kaming dalawa nalang yung natira. Nasa ganong posisyon parin kami dahil pareho kaming tulala sa nangyari.
"STUDENTS!" para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig na kinabalik ko sa reyalidad.
Si Ma'am Marielle. Ang sama ng tingin samin ni Keann. Bumalik nanaman sa utak ko yung nangyare kaya halos hindi nako makatingin sa mga tao sa paligid ko.
First kiss ko! Wala na, hindi nako virgin. Anong sasabihin ko kay Ate Luna neto kapag nagbunga to? Jusko, ayokong makatikim ng major major slap galing sakanya.
"Keann, Colein, go to my office now!" nagulat nanaman ako nung nagsalita si Ma'am Mariel, wala ko sa wisyo e. Lagot, PDA pa yata tong kaso namin neto.
Napatingin ako kay Keann at nahuli kong nakatingin din siya sakin. Napaiwas kami pareho ng tingin at sabay na namula.
Siniko ako ng mahina ni Cheyci. Tong babaeng to, siya yung may kasalanan neto e.
"So ano yung eksenang naabutan ko kanina?" biglang tanong ni Ma'am pagkadating na pagkadating namin sa office niya.
"Ma'am mali po yung iniisip niyo! Hindi po namin sinasadya na magawa yon." pagpoprotesta ko.
"So sinasabi mo bang hindi sinasadya na maghalikan kayo ng halos isang minuto sa harapan ng lahat ng co-students niyo?" galit na sabi ni Ma'am Marielle.
Tumingin ako kay Keann para humingi sana ng tulong kaso nakita ko siyang nakangisi lang.
"Ma'am kase po, hindi ko naman alam na nakayuko pala sakin si Keann kaya pagkatingala ko po hindi namin sinasadyang magawa yung bagay na yo-"
"She's my fiancee."
"Ma'am, maniwala po kay-" napaisip ako sa sinabi niya. Ano daw? She's my fiancee daw? "Ano?! Fiancee moko?!"
"Love naman. Wag ka ng magtampo dun sa mga babaeng nakapaligid sakin kanina, ikaw lang naman yung mahal ko e." parang nagmamaka awang saad niya.
Ano bang pinagsasabi ng lalakeng to? May narinig akong mahinang bungisngis sa bandang bintana at shookt! Si Cheyci nakikinig!
"Ano bang-"
"Shh, sorry na babe. Patawarin mo nako ha? Babawi nalang ako sayo promise. Hinding hindi nako mageentertain ng ibang mga babae bukod sayo. Mahal na mahal kita." malambing na sabi naman niya habang yung isang kamay ay nakatakip sa bibig ko para pigilan akong magsalita.
Ano ba naman tong lalakeng to? Jusko, yung puso ko. Pulang pula nako dahil sa mga pinagsasabi niya.
Shocks! Kikiligin na ba ko? Ano ba naman to! Ihh, Keann nemen kese e. Weg ke nemeng genyen. Enebe! HAHAHAHAHA
"Jusko mga bata nga naman ngayon oo. Osige na, umalis na kayong dalawa dito! Napakalalantong ng mga bantang to!" naiinis na sabi ni Ma'am Marielle. Bungisngis naman yung narinig ko dito sa katabi ko.
Jusko dai, may ipupula pa ba dito sa muka ko ngayon? Parang sili na yata ko e.
Hinawakan ni Keann yung kamay ko bago kami lumabas ng office na yon.
"Keann? Ano bang ginagawa mo?" kabadong tanong ko nung makalayo kami sa office.
"Wag ka ngang maarte diyan. Ikaw na nga tong dahilan kung bakit naoffice pako." inis na sabi niya. Abat sinabihan akong maarte?
"Ano kamo? Maarte ako? Abat sorry ha? Kasalanan ko ho kasi kung bakit biglang nasa harap na kita at nakayuko. Kasalanan ko rin hong tinawag mo kong fiancee sa harap ni Ma'am Marielle. Kasalanan ko na ding hinawakan mo yung kamay ko, nilandi moko sa harap ng maraming tao. Kasalanan ko kung bakit sumigaw yung pinsan ko at dahil papansin ka e lumapit kapa talaga. Sige na, kasalanan ko na. Ako na mali. Sorry ha?" hindi malamang sabi ko. Nakakasakit naman kase siya e.
Siya na nga tong ninakaw yung first kiss ko tapos sasabihan pa kong maarte. Hinawakan nga rin niya yung kamay kong wala ni sino pang nakakahawak e.
Napatigil naman siya sa sinabi ko. Sa itsura niya ngayon alam kong nakonsensiya siya.
Umalis nalang ako dahil hindi ko kailangan ng konsensiya niya. Hindi ko na siya crush. Napakayabang niyang hayop siya.
"Teka Colein!" hindi ko na siya pinansin at nagtuloy na sa paglayo.
"Pinsan hintayin moko!" hinabol din pala ko ni Cheyci. Pero ewan, inis ako sa kanya. "Uy sorry na." hindi ko siya pinansin. "Uy pinsan." hindi ko parin siya pinansin.
Bahala siya diyan. "Pinsan sorry na naman oh. Hindi ko naman alam na ganon yung mangyayare e." anyenye "Sorry na Colein." sorry mo muka mo "Libre nalang kita." pasukong sabi niya.
Teka, libre daw? Kumapit nako bigla sa braso niya ng nakangiti "Libre pala e, lika na pinsan." masayang sabi ko samantalang para naman siyang pinagsakluban ng langit at lupa HAHA
YOU ARE READING
A Queen In Her Own Way.
Teen FictionMasaya ang mga ngiti ngunit umiiyak ang mga mata. Alamin kung ano ang ibig sabihin at suportahan ang kinabukasan ng ating bida. Kakayanin nya kaya lahat ng komplikasyon na mangyayari sa kanyang buhay? Kakayanin nya kayang makita ang kanyang amang sa...