Luna's POV
Nagbago nga. Nagbago sa paraang pinagsisisihan ko.
3 years ago
Papasok nanaman ako sa school, uuwi nanaman akong parang basahan mamaya. Nakakapagod na, kaso hindi ko talaga sila kaya.
"Oh, the feelingerang froggy is here" salubong sakin ni leslie kasama yung alipores nyang si angelie na tatawa tawa.
Maka froggy to e sya nga mukang octopus. Inirapan ko nalang sila tyaka nagtuloy sa paglalakad.
"Oops! Not so fast froggy." biglang harang nanaman nung octopus na to.
"Ano nanaman bang kailangan mong octopus ka ha? At talagang sinama mo pa yung kaibigan mong butete." kalmadong sabi ko na ikinatawa nung mga nakarinig.
"Anong sinabi mo?! Octopus ako?"
"O e aminado ka naman pala. Boyfriend mo lang yung niloloko mo pero sa sarili mo honest ka." nakangising sabi ko "Nice one Leslie" nakangisi paring sabi ko pero may kasama ng masamang tingin.
Napasipol naman yung mga taong nakapalibot na pala samin ng hindi ko namamalayan.
"Bitch!" sasampalin na sana nya ko ng mapigilan ko yung kamay nya.
"Don't you dare na padapuin sa muka ko yang marurumi mong kamay. Baka sapak yung bumalik sayo, umuwi ka sa bahay nyo ng duguan." seryosong tugon ko sa kanya pero hindi naman sya natinag.
"Hindi pa tayo tapos Luna, sinasabi ko sayo babalikan kita!" sabay walk out nya ng hindi manlang napapansing hindi sumunod sa kanya tong butete nyang kaibigan.
"O, tingin tingin mo dyan?" mataray na tanong ko kay Angelie. "Alis!" sigaw ko na ikinatakbo nya. Argh, sya yung pinakahuling taong gusto kong makita.
Panira sila ng araw. Angelie is my cousin. Yeah, you read it right. Siya yung pinsan kong umagaw sa boyfriend ko. Saklap diba? Kahit ako natatawa nalang tuwing maiisip ko yung mga nangyari.
Kunwaring supportive sakin nung pinag chicheer ko sa basketball si Vince, yun pala ginawa lang yon para mapalapit sa boyfriend ko.
Gosh, alam ko namang mahilig syang manghakot ng lalaki pero hindi ko naman ineexpect na pati boyfriend ko magagawa nyang patusin.
Tapos sa mga kilos nya nitong mga nakaraang araw parang ako pa yung pinapalabas nyang masama sa pamilya namin.
Porke ba mas matanda ako sa kanya, kelangang ako na agad yung umintindi? E ako yung nasaktan dito ah.
Tapos kasalanan ko pa kung bakit lumalayo sya samin ng iba pa naming pinsan dahil alam nya sa sarili nyang may nagawa syang kasalanan?
E putangina pala nila. Papatawarin ko naman siya e, handa naman akong magparaya para sa ikasasaya nilang mga pinsan ko dahil para sakin mga kapatid ko na sila.
Sorry lang nya yung gusto kong marinig para maayos yung lahat. Kaso anong ginawa nya? Sumama sa octopus na yon at mas lalong pinatindi yung galit ko.
Hindi ko namalayang nakarating na pala ko dito sa garden. Buti nalang walang tao dahil umiiyak narin pala ko. Yumuko nalang ako sa mga tuhod ko.
Putcha naman e. I miss angelie. I miss everything about her. Kahit na nagawa nya sakin yung mga bagay na yon, mahal na mahal ko parin yon. Kapatid na yung turing ko don e? Kaso bakit nya nagawa yon.
Sheteee ayoko ng ganto, nagiging mahina nanaman ako. Ang sakit sakit ng ginawa nila. Mas sumakit pa kase dahil sa nangyare napalayo siya samin.
They used to call us Naughty Girls. Me, Angelie, Cheyci, Bella, Colein, Mich and Caren.
YOU ARE READING
A Queen In Her Own Way.
Ficção AdolescenteMasaya ang mga ngiti ngunit umiiyak ang mga mata. Alamin kung ano ang ibig sabihin at suportahan ang kinabukasan ng ating bida. Kakayanin nya kaya lahat ng komplikasyon na mangyayari sa kanyang buhay? Kakayanin nya kayang makita ang kanyang amang sa...