Colein's POV
"Oy! Cheyci, tigilan mo na nga yang pagsira ng mga gamit na binigay sayo ni Warren!" sambit ko may Cheyci na nagwawala dahil hiwalay na sila ni Warren.
Oo, tama ang basa niyo, hiwalay na sila kung kelan magba Valentine's Day na.
Nahuli nanaman kase niya si Warren na may kasamang ibang babae sa mall. Ang malala pa, monthsary nila yon na kinalimutan ni Warren dahil pala may kalampungan ng iba.
Pero ayos lang yon. Atleast may karamay kaming sadgirl sa 14 HAHAHAHA
"Bwisit! Napakalandi nila! Mga walanghiya sila! Kadiri!" sigaw ni Cheyci.
Hays, tatlong araw palang magmula ng maghiwalay sila kaya malamang masakit pa sa kanya yon.
Masaklap pa neto e hanggang ngayon hindi parin namin alam kung nasan si Ate Luna. Ni isang tawag wala kaming natatanggap sa kanya sa loob ng isang buwan.
"Tanggapin mo na kasing hindi ka na niya ma-" napatigil ako sa pagsasalita nang may maaninang akong magarang kotse sa bintana.
Napatingin na rin si Cheyci sa tinitignan ko.
"Sino naman kaya yang mga yan?" tanong niya bago kami lumabas para checkin yon.
Pagdating sa labas, saktong pagbaba ng isang matanda ngunit magandang babae mula kotse.
Kasunod nito ay ang matandang lalaki na makikitaan mo rin ng kagwapuhan nung kabataan.
At pang huli, isang napakagandang babae ngunit nakakatakot ang awra.
Teka? Bakit parang pamilyar yung babae?
"Ate Luna?" dinig kong mahinang bulong ni Cheyci kaya tinitigan ko pang maigi ang babae.
Saktong napatingin din ito samin ni Cheyci kaya nakipag titigan kami.
"Hindi. Hindi siya si Ate Luna. Kase kung siya man nga si Ate e bakit ang gagara ng nakapaligid sa kanya? Kaya imposible." bulong ko kay Cheyci na ikinatango rin niya kahit na ang totoo ay ako mismo e nagdadalawang isip sa mga sinabi ko.
Biglang ngumiti ang babae samin.
At OMGGGG!
Hindi ko namalayang kumpleto na pala kaming Naughty Girls sa likod ko at sabay sabay na napatakbo patungo sa babaeng isang buwan na naming hindi nakita.
"ATE LUNAAA" sabay sabay na sigaw naming lahat hanggang sa kayakap na namin siya.
"HAHAHA chill babies, i can't breath!" tawa nito. Omg pano nangyaring nagbago ang lahat sa kanya? Sobrang ganda ni Ate, ang elegante kung kumilos at napaka lakas ng awrang bumabalot sa kanya.
Humiwalay na kami sa yakap sa kanya.
"Ate, pano?" naguguluhang tanong naming lahat.
Nginitian niya muna kami bago ikinwento lahat.
"Akala pa naman namin kung ano nang nangyare sayo nung hindi mo kami pinansin ate." sambit ni Mich habang umiiyak.
Nagiiyakan na kami dito habang si Ate nakangiti lang habang pinagmamasdan kaming lahat.
"I'm so sorry babies, hindi ko lang talaga gugustuhin na pati kayo madamay." sabi niya. "O hahaha tama na tong drama na to at muka na kayong duck sa haba ng mga nguso niyo HAHAHA" mapanglait na wika niya. Luh? Kelan pa natutong manlait si Ate?
Nagkatinginan nalang kaming lahat at natawa na. Gosh! Gusto ko kung ano si Ate ngayon. Mukang magiging masaya to.
"Osya, magpalit kayo at pupunta tayo sa mall." masayang bigkas niya kaya halos magunahan na kami sa pagkaexcite hahaha.
Oo nga pala, napagalaman naming daddy ni Ate yung lalaki kanina at kinakasama naman nito yung isa.
Umalis rin sila agad after ihatid si Atw kase marami pa raw silang papeles na aasikasuhin.
"Guys, mas gusto ko kung ano si ate ngayon." nakangiting sambit ni Bella habang nagbibihis.
Sinang ayunan naming lahat yon hanggang sa natapos na kaming lahat at nagpunta na ng mall.
Sa Mall
"Oh? Nag enjoy naman ba kayo?" ate luna asked.
"Sobra Ate, kaso mas enjoy sana kung kakain muna tayo bago umuwi kase gutom na gutom nako kakalaro natin sa arcade HAHAHA" natawa nalang rin kami sa sinabi ni Caren at naglakad na papuntang Jollibee dito sa loob ng Mall.
Papasok na sana kami ng biglang may nangharang saming unggoy.
"So it's you nga?" sabi ni leslie na mukang clown sa kapal ng make up. "Tss, nabihisan ka lang pero ang yabang mo na ah. Isa pa, ano to? Bonding? Ang saya niyo ah, first time niyo ba dito?" dagdag pa niya na ikinatawa ng tatlong babae at apat na lalaki na nasa likod niya.
Hindi kumibo si Ate Luna, pero mararamdaman mong galit siya dahil na rin wala ka ng makikinang ngiti sa mga labi niya.
"Oh? Wala kang masabi kase totoo?" nang iinsultong tanong nanaman ni unggoy.
Nginisihan lang siya ni Ate Luna na bahagyang nakapag paatras sa mga kasamahan niya sabay sabing "MOVE!" tumabi sa daan yung mga kasama ni unggoy sa isang word na sinabi ni Ate.
Ha! Nakakamangha, si unggoy laglag pangang napatingin sa mga kasamahan niya.
"Mga tanga, anong ginagawa niyo jan sa gilid?" asar na tanong ni monkey.
"Shut up and move bitch!" nanghahamon na utos ni Ate Luna kay monkey.
"What you said? Beach?" natatawang tugon nito "Bobo! Mall to kaya walang beach dito tanga hahaha ano, you didn't shower after you malling? So iw!" maarteng tugon nito. "Your bobo na nga tapos disgusted pa! Yakkk!" parang tangang dagdag pa niya.
Shems, diko alam kung matatawa ako o maiinis sa babaeng to. Makapag sabing bobo e siya nga tong yung grammar e pang mars HAHAHAHA
Napatingin kaming lahat ng biglang tumawa si Ate Luna. Gosh, she's so pretty while laughing kaya halos lahat ng lalake dito sa mall e nakapaligid na samin.
"Pare, ang ganda nung isa."
"Taena sarap kalbuhin nung mukang bakla"
"Ang bobo naman nung unggoy daw HAHAHAH"
"Shet, tawa palang pamatay na."
"Ang sarap niyang titigan."
"ang ganda niyang tumawa."
"Omy, my insicurity"
"Is she a model?
"Liligawan ko yan."
"Tss I'll make mine first."
"Sayo na yung unggoy"
"laswa pare HAHAHAHA""Leslie, naririnig mo ba sila? You look like a monkey daw o HAHAHAHA" nagtawanan din lahat ng na kakarinig. "And oh, payo ko lang sayo ha, stop speaking in english kung hindi ka naman sigurado sa mga sinasabi mo. I mean, you look like a fool kanina nung sinasabi mong bobo ako. Para kang unggoy na naghihingalong hindi minouth to mouth kaya lumawit yung dila habang mulat yung matang kulay pula."
YOU ARE READING
A Queen In Her Own Way.
Fiksi RemajaMasaya ang mga ngiti ngunit umiiyak ang mga mata. Alamin kung ano ang ibig sabihin at suportahan ang kinabukasan ng ating bida. Kakayanin nya kaya lahat ng komplikasyon na mangyayari sa kanyang buhay? Kakayanin nya kayang makita ang kanyang amang sa...