Chapter 7: Not now but soon.

7 3 0
                                    

Luna's POV

Okay, intrams na. Makakapag laro nanaman kami ng basketball na seryosohan.

Varsity kaming magpipinsan ng basketball. Wala, inaral lang namin dahil para samin napaka cool kapag marunong ka non. Si Angelie lang yung hindi.

I don't know pero kase maarte talaga yung babaeng yon. Kapag usapang pagpapawis na, wala backout na siya. Pero ayos lang kase nandon naman siya lagi sa mga laro namin para ipagcheer kami.

Wala siyang ibang maaambag kundi ayon lang naman haha.

"Hoy Luna! Iniisip mo nanaman yang basketball no? nakangiting tumango ako kay Ysabel, Classroom President namin. "Pwes tigilan mo yan ngayon palang. Mas unahin mong isipin yung para sa pageant dahil sa susunod na araw na yon." pageant? anong pageant? wala naman akong sinalihang pageant ah!

"Pageant? Pero Ysabel wala akong sinalihang kahit anong pageant. Isa pa, si Alyanna yung muse natin ah!" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"E ano naman ngayon kung muse yung negrang yon? Umiyak lang naman siya kaya napagbigyan siya ng mga kaklase natin." naalala ko nga, nung mismong eleksiyon umiyak si Alyanna. Gusto raw kase niyang maging muse.

"E Ysabel naman, alam mo namang wala kong hilig sa ganyan." pangungulit ko.

"Walang angal! Lalaban ka, sa ayaw at sa gusto mo! Now, prepare yourself dahil may practice kayo ngayon. Btw, si Nathan sa kabilang section yung escort mo." nang aasar na sabi niya. Si Nathan? Yung captain ng varsity sa basketball? Wow! Ayos rin naman pala to e.

Dali dali ko ng inayos yung mga gamit ko dahil nga excited ako haha. Manghihingi ako ng tips sa basketball e bat ba.

Tshirt na black at high waist na pantalon lang yung suot ko samantalang dress naman sa iba. I don't care kung simple lang yung suot ko. Basta alam ko sa sarili kong I'm unique HAHA.

May kumalabit sa likod ko kaya napatingin ako don.

"Hi." Shocks! Si Nathan! Ang gwapoooo. Natulala ako saglit sa harap niya pero hindi naman yata niya napansin kase nakangiti parin siya sakin.

"Ehem. Hello Nathan!" hyper na tugon ko. Nakakahiya pala. Lalo na at samin nakatingin lahat. Si Nathan ba naman kase tong nasa harap ko.

"Ang cute mo." medyo natatawang tugon niya na nagpasimangot sakin.

"Cute? E pang aso lang yon" hindi ko na napigilang magpout kaya natawa naman siya. Ang gwapo talaga ng lalakeng to.

"Okay, take two haha." natawa naman ako "Ang ganda mo." nakangiti parin siya kaya naman namula nako.

Jusko, bakit derederetso naman tong bibig ng lalaking to. Bawal pumreno? Nakakakilig e.

Napansin ko namang ang sama na ng tingin sakin ng ibang mga contestant kaya napataas noo ako lalo. Duh, anong tingin nila saken matatakot sa kanila?

Ofcourse not! Maiinggit sila haha.

Teka nga, nasan na kaya yung mga pinsan ko? Maghapon ko silang hindi nakita ngayon ah.

"Luna halika na." biglang tawag ni Nathan kaya naman pumwesto na kami para makapag practice na.

Natapos naman ng maayos yung practice. Ang dami rin naming napagkwentuhan ni Nathan tungkol sa basketball.

Nalaman ko ding ibang school pala ang makakalaban namin sa lahat ng sports competition.

Ayos lang yon, laro lang naman yung hanap naming magpipinsan. Masaya na kami manalo man o matalo.

Nandito nako sa hallway pero hindi ko parin makita yung mga pinsan mo. Nasan na ba kase sila?

"Anong sabi mo?! Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sayo Angelie! Akala ko bang galit ka diyan sa Luna na yan dahil inagaw niya ang lahat ng para sayo?! Tapos ngayon pipigilan moko sa balak ko?! Nasisiraan kana ba?!" nakarinig ako ng sigaw na sigurado akong galing kay Leslie. Pinuntahan ko kung saan nanggagaling yung sigaw na yon kaya napunta ako sa isang classroom na parang tambakan na.

"Napaka walang kwenta mo talaga! Napaka simple lang ng pinapagawa ko sayo pero hindi mo pa magawa! Tapos ngayon sasabihin mong wag kong sasaktan yang Luna na yan?! Bakit? Bakit ha?! Napikot nanaman ba niya yang ulo mong wala namang laman? Ha?!" galit na galit na sigaw ni Leslie kaya Angelie na nakaupo sa sahig at iyak ng iyak.

"Sumagot ka!" pabalyang hinatak patayo ni Leslie si Angelie kaya napakilos ako sa kinatatayuan ko.

Sasampalin na sana niya si Angelie ng mapigilan ko yung kamay niya.

"Huwag na huwag lang magkakamaling saktan ang pinsan ko." gulat na gulat ang ekspresyon nilang dalawa. Ganon na ba ko nakakatakot para mapatakbo nalang bigla si Leslie? Duwag. Pwe!

"Ate Luna." naiiyak na tawag sakin ni Angelie. Tinignan ko lang siya.

Aalis na sana ko ng..

Niyakap niya ko patalikod!

"Ate Luna, I'm sorry." iyak na siya ng iyak ngayon. "Patawarin moko sa lahat ng ginawa ko. Hindi ko sinasadyang masaktan ka. Patawarin moko kung mas pinili ko yung ibang tao kesa sayo, sainyo. Ate nagsisisi nako. Patawarin moko. Kahit na iwan ko pa si Vince Ate gagawin ko basta-" pinigil ko na siya sa pag sasalita.

"Pinapatawad na kita. Hindi mo na kelangang hiwalayan pa siya lalo na kung alam kong masaya ka sa kanya." nakangiting sabi ko. "Matagal na kitang pinatawad Angelie. Hindi mo na kelangang humingi ng tawad sakin." muka naman siyang nakahinga ng maluwang sa sinabi ko. "Sa mga pinsan natin. Sa kanila ka humingi ng tawad dahil alam kong malaki ang galit nila sayo. Sinubukan kong magpaliwanag sa kanila kaso hindi nila ko pinapakinggan kaya sa tingin ko ikaw lang yung may kakayahang makapawi ng galit na nararamdaman nila sayo. Bumawi ka, suyuin mo sila." napapalakas ko ng loob niya. Ngumiti naman siya at mas lalong hinigpitan ang yakap sakin.

"Salamat Ate. Patawad ulit sa lahat ng nagawa ko sayo." sincere na sabi niya. Napangiti naman ako dahil sa wakas, natauhan na rin siya.

Narinig ko na rin yung salitang hinihintay kong magmula mismo sa mga bibig niya. Ayos na, magiging maayos na ang lahat.

Mabubuo na rin ulit kami, not now but soon.

A Queen In Her Own Way.Where stories live. Discover now