Third Person's POV
"Napakalandi talaga ng babaeng yon, may gana pa talaga siyang makipag landian pagkatapos ng lahat na nangyayare sa kanya?" pagkausap ng babae sa kanyang sarili.
"Ibig sabihin lang pala niyan ay hindi pa sapat lahat ng paghihirap na ipinararanas ko sa kanya. Ganon pala ha!" ngising dagdag pa nito habang nakatingin sa dalawang taong naguusap sa garden ng hospital.
Bella's POV
Nakarating na kami dito sa tapat ng hospital room ni tita Jane kaya kumatok na si Cheyci.
Tok Tok
"O, kayo pala. Pasok kayo" bungad samin ni Ate Jam pagkabukas ng pinto.
"Hi Ate, si Ate Luna po?" tanong ni Ate Colein dahil kahit hindi namin sabihin ay alam kong lahat kami ay nagaalala para sa kanya.
"Nagpapahangin diyan sa labas kasama si Jireh. Masyadong nahihirapan sa ngayon yung kapatid ko e." malungkot na sagot ni Ate Jam kaya naman napatahimik nalang kaming lahat.
Alam kong sobrang nasasaktan ngayon si Ate Luna lalo pa at nawala si Aling Je-an. Pero buti nalang at nanjan si Kuya Jireh para damayan si Ate.
Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin kaming lahat don.
Si Ate Luna na seryoso ang muka na kasama si Kuya Jireh.
"Ate Luna, you okay?" tanong ni Mich nung makalapit kaming lahat sa kanya.
Para naman kaming sinaksak sa likod nung biglang lagpasan niya lang kami at hindi pansinin.
Anong nangyayare? Bakit parang galit samin si Ate Luna?
Nagkatinginan kaming lahat na may pare parehong nagtatanong na mga mata.
"Ate Luna?" pagtawag ng pansin ni Caren dito ngunit tulad ni Mich ay hindi rin siya pinansin ni Ate Luna.
"Ate Jam, ikaw na munang bahala dito ha. Aalis lang kami ni Jireh para sana pumatay ng mga peste sa buhay ko." walang tingin tinging biglang bigkas ni Ate Luna.
Bakit parang kami yung tinutukoy niya? May nagawa ba kami na hindi namin alam?
"Ha? Anong bang sinasabi mo jan?" naguguluhang tanong naman ni Ate Jam na halata mong nakakaramdam narin ng tensyon sa paligid.
"Wala, sige na ate at aalis na kami. Mag iingat ka dito habang wala kami okay?" parang nagwawarning na sabi nito kay Ate Jam.
"Bakit para namang matagal kang mawawala? Ikaw talagang bata ka, sige na. Mag ingat kayo ni Jireh ha" natatawang pahayag ni Ate Jam.
Saan ba sila pupunta at para ngang nagpapaalam siya?
Nakalabas na sila ng kwarto kaya naman nakahinga narin kami na kanila pa pala namin pinipigil.
"Is she okay?" nag aalalang tanong ni Ate Caren.
"Bakit parang hindi niya tayo nakikita? Anong nangyayare?" Colein.
Nagkatingin nalang kaming lahat at nagkibit balikat sa iniasta ni Ate Luna.
Luna's POV
"Bakit naman hindi mo sila pinansin?" kanina pa nangungulit si Jireh habang nasa sasakyan kami.
"Wag ka na ngang maraming tanong sabi e basta magdrive ka nalang. Baka mabangga pa tayo dahil diyan sa kadaldalan mo." inirapan ko nalang siya.
"E saan nga ba kase tayo pupunta? Kuna makapag paalam ka rin kanina parang ilang buwan tayong hindi babalik ah."
"Ilang buwan naman talaga tayong mawawala."
"WHATTT?!" kasabay ng biglaang pagpreno niya.
"Aray! Ano ba, Jireh!" para naman siyang natauhan.
"Sorry, nakakagulat ka naman kase e. Saan nga ba tayo pupunta?" tanong nanaman niya.
"Sa tatay ko." napatahimik naman siya sa narinig at nagpatuloy na muli sa pagmamaneho.
Mabuti nalang at 18 yearsold na tong lalakeng to at may kaya ang pamilya kaya hindi magiging problema para sa amin ang pagbiyahe papunta sa kinaroroonan ng tatay ko.
May nakuha akong address sa bag ni Mama na nakalagay kasama ang picture ng isang lalaking kamukang kamuka ko.
Malakas ang kutob ko na siya ang tatay ko kaya naman hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataong to.
Nakwento sakin dati nila Lola na isang kilalang negosyante ang Ama ko kung kaya't napakayaman nito.
Hindi mawalan ng body guards sa tuwing dadalawin nito noon si Mama.
Don't get me wrong, okay? Pero hindi ko siya hahanapin dahil lang sa nalaman kong mayaman siya. Kundi dahil alam kong malaki ang kanyang maitutulong sa akin, sa lahat ng problemang kinakaharap namin ngayon nila Mama.
Sana lang alam niyang may anak siya. Sana lang hindi niya ko ipagtabuyan dahil hindi talaga ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko.
Kahit manlang sana ngayon malaki nako, makabawi naman siya sa lahat ng pagkukulang niya sa akin bilang Ama ko.
"Huy, napakalalim naman yata niyang iniisip mo?" nawala sa isip kong may kasama nga pala ko.
"Wala, naalala ko lang yung malungkot nilang mga muka kanina nung hindi ko sila pinansin." malungkot ring saad ko.
"Bakit nga ba?" takang tanong niya.
"Naalala mo ba yung tumawag sakin na inakala kong sila? Malakas ang loob kong mayaman ang taong iyon at marami siyang tauhan na nasa paligid lang natin."
Nararamdaman kong nais niya talagang iset up kami ng mga pinsan ko at pag awayin kaming lahat kaya ginamit niya ang boses nila. Gusto kong mapaniwala ang kung sino mang tao na yon na nagtatagumpay siya sa kanyang mga plano lalo na at lumayo nga ako tulad ng sinabi niya ngunit hindi para magtago, kundi para hanapin ang taong alam kong makatutulong sakin upang mapabagsak ang taong iyon.
"Naiintindihan ko na. Ginawa mo yon para isipin ng mga nakamasid sa paligid na umaayon ang lahat sa kanilang plano tama?" tango nalang ang naisagot ko sa kanya.
"Pero dapat ipinaliwanag mo sa kanila." Biglang salita nanaman niya.
"Hindi na kelangan dahil alam ko namang may tiwala sakin ang mga pinsan ko at maiintindihan nila kung ano man ang nangyayare." mahinahong sambit ko.
Alam kong sa susunod na mga araw o buwan na hindi ako uuwi ay makakaramdam na silang may maling nangyayari kung kaya't magiimbestiga sila.
At sinisigurado ko na sa mga oras na matuklasan nila ang lahat at subukan mang lumaban ay wala ng makakapigil pa samin upang mapabagsak ang mga taong nais na sirain kami.
"Nandito na tayo." mahinang sambit ko kay Jireh pagkatapat namin sa isang napaka dambuhalang gate na kulay ginto.
Ang hirap yata kung magnanakaw ka dito. Baka nasa gate ka palang pagod kana dahil sa taas nito.
Papa G, sana po makuha ko kung ano man ang nais ko. Tulungan sana ako ng tatay ko at wag ng talikuran tulad ng kanyang ginawa. Gabayan niyo po kami Papa G. Amen.
YOU ARE READING
A Queen In Her Own Way.
Teen FictionMasaya ang mga ngiti ngunit umiiyak ang mga mata. Alamin kung ano ang ibig sabihin at suportahan ang kinabukasan ng ating bida. Kakayanin nya kaya lahat ng komplikasyon na mangyayari sa kanyang buhay? Kakayanin nya kayang makita ang kanyang amang sa...