Chapter 13: Be Positive.

6 3 0
                                    

Luna's POV

Nandito na, eto na yung gate kung saan nasa likod neto yung taong matagal na kong pinagkaitan ng pagmamahal ng isang ama pero mahal ko parin.

Tutuloy pa ba ko? Pano kung hindi niya ko kilala? Paano kung ipagtabuyan niya ko dahil hindi niya ko tanggap bilang anak niya?

Pero sabi ni nanay na si Papa yung pinaka mabait sa lahat ng tatay naming apat. Pero paano nga kung ayaw niya sakin?

"Hoy, kanina ka pang nakatingala jan. Ayan na si manang oh, kanina pako nakadoorbell dahil tulala ka." biglang sambit ni Jireh na ikinagulat ko naman kaya bahagya pa kong napatalon.

Napatingin ako sa manang na sinasabi niya at nakita ko itong masayang nakangiti sas akin na parang matagal na niya akong hinihintay.

"Iha, napaka ganda mong bata." maluha luhang wika niya.

"Hello po, pasensiya na po sa abala ha pero salamat na rin po sa papuri." nakangiting wika ko. Tumango naman ito.

"Matagal kana naming nais na makita." nakangiting sambit parin nito na dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

"Po? Kilala niyo po ako?" turo ko sa sarili ko at tumango naman ito. "Pero paano po? Dito po ba nakatira si Don Rob?" magalang na tanong ko at tumango naman itong muli.

"Ang iyong ama." nagulat naman ako sa kanyang sinambit sa kadahilanang hindi ko inaasahan na kilala nila ako.

"Pero hindi po ako kilala ng papa ko, iniwan nga po niya kami ni Mama nung ipinagbubuntis palang po ako ni Mama diba?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi iha, mahal na mahal ka ng tatay mo." huling sambit niya at pinapasok na kami sa loob ng bahay upang magpaliwanag sa lahat ng mga tanong na gumugulo sa aking isipan.

Napaka laking bahay ang bumungad samin, napaka ganda nito kahit na luma ang desenyo.

"Wow, napaka laking bahay nito Luna" manghang sabi ni Jireh na nasa likod ko lang.

Nginitian ko nalang siya dahil sa totoo lang natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi nila ko tanggapin dahil lumaki lang ako sa mahirap na pamilya. Na anak lang ako sa labas kung kaya't wala akong lugar dito sa napaka laking bahay nila kundi parang mutchacha lang o kahit siguro doon ay hindi umabot ang standards ko.

Nakarating na kami sa kanilang sala kaya pinaupo na kami ni Manang at may tatawagin lamang daw siya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Jireh.

"Kinakabahan ako." malungkot na sabi ko sa kanya.

Hinawakan niya bigla ang kamay ko kaya nagulat ako.

"Nandito lang ako, sasamahan kitang harapin lahat ng kung ano mang pagsubok ang kakaharapin mo." seryoso ngunit nakangiting saad niya kaya parang bulang nawala naman ang kaba at takot na kanina ko pang nararamdaman.

"Ehem!" biglang tikhim ng isang boses babae sa aming likod kaya naman napatayo kami ni Jireh sa gulat at hindi agad nakalingon.

"Anong kailangan niyo?" masungit ang boses na tanong nito kung kaya hindi kami nakasagot ni Jireh at halos madurog na ang aming mga kamay sa higpit ng pagkakahawak.

"Kinakausap ko kayo. Humarap kayo sakin!" medyo inis na saad ng boses kaya naman agarang napaharap kami dito.

Isang may edad ngunit sopistikadang babae ang nasa harap namin ngayon, napaka ganda niya kahit na ang tanda na nito. Kaso nakakatakot tumingin sa kanyang mga mata.

"Sino kayo?" taas kilay na tanong nito habang palipat lipat ang tingin sa aming dalawa ni Jireh.

"Ako po si Luna, at siya naman po si Jireh." magalang na tugon ko na mas lalong kinataas ng kilay niya.

"Anong kailangan niyo at bakit nandito kayo sa pamamahay ko?" masungit paring tanong nito.

Pamamahay niya? Akala ko bang si Papa ang nakatira dito? Bakit inaangkin niya ang bahay?

"Bahay niyo po?" naguguluhang tanong ko.

"Oo, sa aming dalawa ng asawa ko."

Asawa? Sinong asawa niya? Hindi kaya si..

"Si Don Ro-"

"Anak!" biglang may sumingit sa dapat na sasabihin ko. Boses lalaki ito kaya naman napatingin kami agad dito.

Gulat ang rumehistro sa aking muka pagkakita ko sa taong nasa harapan ko ngayon.

Papa

Parang lalaking version ko, kamukang kamuka ko. Shit! Ang lakas ng tibok ng puso ko na parang gustong gusto ko nalang siya2nd takbuhin at yakapin.

Ang Papa ko, nasa harapan ko na ang Papa ko.

Lalapitan ko na sana siya ng "ANAK?!" pasigaw nang babaeng kausap ko kanina. Napatingin kaming lahat sa kanya. "Anong ibig sabihin nito Rob? Anong anak ang pinagsasabi mo?"

Parang kumirot ang puso ko at naglaho ang lahat ng sayang nararamdaman ko kanina pagkarinig ko sa kanyang sinabi.

Sinasabi ko na nga ba, hindi pwedeng puro saya lang kundi may kokontra at kokontra sa sayang mararamdaman ko kapag nakasama ko na ang aking Ama.

"Mahal ko, siya ang anak kong matagal ko ng hinahanap. Hindi bat kamukang kamuka ko siya?" masayang bigkas ni Papa sa babaeng tinawag niyang mahal ko.

Mahal ko? Ibig sabihin si Papa nga ang kanyang asawa. May asawa na si Papa. Hindi na pwedeng mabuo ang pamilyang matagal ko ng pinapangarap. Ang sakit, ang sakit dahil lahat ng pag asang meron ako non ay bigla nalang naglahong lahat.

Wala na, may iba na. Hindi na kami mabubuo pa.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako sa kanilang harapan.

"Anak, ayos ka lang ba?" mahahalata mo ang pag aalala sa boses at mga mata ni Papa.

Napatingin ako sa kanyang asawa dahil alam kong ano mang oras ay sisigaw na siya at papalayasin ako sa pamamahay nila ngunit..

Bago pa lamang ako makaharap sa babae ay niyakap na niya ko.

Teka, niyakap?

"Iha" umiiyak na sambit niya. Bakit siya umiiyak? Hindi naman niya ko anak ah.

Tyaka hindi bat dapat ay galit siya sakin dahil baka ako pa ang maging dahilan kung bakit masisira yung pamilya nila?

Kumalas na ako sa pagkakayakap dahil gulong gulo nako. Napakaraming tanong sa utak ko.

"Bakit? Bakit po kayo umiiyak? Hindi po ba dapat ay magalit kayo sakin?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari.

Si Papa, Manang, at Jireh ay nakatingin lang samin.

Hinawakan ng babaeng nasa harapan ko ang aking mga pisngi at pinunasan ang aking mga luha.

"Hindi, kahit kailan ay hindi ko magagawang magalit sayo." nakangiting wika nito.

"Po? Pero hindi po ba sa mga palabas ay galit ang mga asawa sa mga anak sa labas?" gulong gulo na tanong ko kung kayat nakarinig ako ng hagikhik nila.

Baliw ba sila, seryoso kaya ako. Umiiyak pa nga e.

"Sa palabas lang yon iha." Nakangitinf sambit niya ay inalalayan na kong makaupo.

Itinulak naman na ni Manang ang wheel chair na kinalalagkan ni Papa dahil kagagaling raw nito sa sakit at may edad na rin kung kayat mahina na.

Kinwentuhan ako ni Tita Sarah tungkol sa buhay nilang dalawa ni Papa at kung bakit hindi niya magawang magalit sa isang anak sa labas na tulad ko.

A Queen In Her Own Way.Where stories live. Discover now