Chapter 5: Leave Me Alone

9 3 0
                                    

Angelie's POV

Kahit kelan talaga napaka bobo netong Leslie na to. Hindi na nga ako kayang ipagtanggol sa epal na Luna na yon tapos ngayon gumawa nanaman ng dahilan para magtawanan nila kami.

Pasalamat talaga yung pangit na yon dahil nagagawa kong pagtiyagaan na pakisamahan siya.

Kung hindi ko lang talaga kelangan yung babaeng yon para tagaharang sa mga nangbully sakin dito, baka matagal ko ng nginudngod yung bukbok niyang muka.

Argh! Sigurado akong nagsasaya nanaman ngayon yung Luna na yon.

Makakabawi din ako, malalagpasan din kitang babae ka.

"Oy Angelie!" argh! eto nanaman tong unggoy na to.

"Bakit Leslie? May kailangan ka ba?" plastik na tanong ko. "Teka, nabalitaan ko yung nangyari sa inyo ni Althea ah. Ayos ka lang ba?" Pwe! Buti nga sayo yan, sana nabagok nalang yung ulo mo para tapos kana. Napaka arte ng babaeng to, akala mo naman maganda.

Inirapan niya ko bago sumagot. "Nasan ka nga ba kase kahapon ha?! Edi sana kung nandon ka edi natulungan mo pako! Hindi sana nagasgasan tong makinis kong balat! Wala ka talagang kwenta kahit kailan, kaya iniwan ka ng mga pinsan mo! Malandi ka!" sigaw niya kaya hindi nako nakapag timpi.

Pakkkkk!

Sinampal ko siya ng buong lakas ko. " Kasalanan mo ang lahat kung bakit napalayo sakin ang mga pinsan ko! Mas wala kang kwenta dahil hindi mo yang matalo yung isang katulad lang ni Luna! Wala kang naiambag sa buhay ko kundi puro kahihiyan! Kung malandi ako, e ano pang tawag sayo? Pokpok ka! Kaladkarin! Kulang sa atensiyon! Walang pakealam yung magulang! Talunan! Mapangit! Unggoy! Bukbok yung muka! Galisin! Dugyot! May pigsa! At higit sa lahat, kabit ka!"

Pakkkk!

Napaupo ako sa lakas ng pagkakasampal niya. Aww, ang sakit ng pisnge ko. Napahawak nalang ako sa pisnge kong pulang pula.

"Wala kang utang na loob! Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko para sayo? Eto yung igaganti mo?!" nanggagalaiting sambit niya. "Baka nakakalimutang mong ako ang kumupkop sayo nung mga panahong isinuka ka ng sarili mong mga pinsan! Ako yung nagtatanggol sayo sa tuwing may mangbubully sayo dahil sa kalandian mo! Tinutulungan kitang makuha yung mga lalaking gusto mo! Tapos eto lang yung igaganti mo? Ang laitin at siraan ako?! Anong klase kang hayop ka!" para naman akong natauhan sa mga sinabi niya.

Shocks! Hindi siya pwedeng magalit sakin, kelangan ko tong babaeng to. "Sorry Leslie, hindi ko sinasadya. Nasaktan lang kase ako sa mga sinabi mo. Patawarin moko." kunwaring mangiyak ngiyak na sabi ko.

Hinawakan ko siya sa kamay na parang nagmamakaawa, hindi naman siya nagreklamo. Bagkus tinulak niya lang ako. "Huling beses na yan Angelie ha? Isang beses pa na may marinig akong masama na nanggaling diyan sa bibig mo. Ako mismo yung tatapos sayo." umalis na siya pagkasabi niya non kaya naman nginisihan ko nalang siya.

Konting tiis nalang Angelie, makakatakas ka din sa Leslieng unggoy na yon.

"Love? Ikaw ba yan?" nakita ko kaseng napadaan si Vince sa classroom na kinaroroonan ko.

Tumakbo ako palabas ng classroom para masigurado kung siya nga yon. At tama nga ako.

Nakita kong sinusundan niya si Luna. Tangina, anong meron? Bakit siya sumusunod sa babaeng yan?

Nanatili akong sumusunod ng tahimik sa likod ni Vince at ganon naman din siya kay Luna.

Nang tumigil sa garden si Luna, nilapitan na siya ni Vince kaya nagtago ako sa likod ng puno kung saan rinig na rinig ko parin sila.

"Luna, kausapin mo naman ako oh? Please!" dinig kong sabi ni Vince. Usap para saan? "Luna, maniwala ka naman sakin oh. Hindi ko talaga mahal si Angelie, ikaw yung mahal ko!" para akong binuhusan sa malamig na tubig sa narinig ko, kumabog bigla ang dibdib ko.

Gago ka Vince. Ang sakit. Pinili kita kesa sa mga pinsan ko tapos eto? Ginagago mo lang pala ko?

Lalabas na sana ko ng puno nung nakita kong sinampal siya ni Luna. Napatakip ako ng bibig ko sa gulat.

" Gago ka! Nang dahil sayo napahiwalay samin yung pinsan ko! Tapos ngayon eto yung sasabihin mo?! Pinili ka niya Vince kesa samin. Mahal ka ng pinsan ko! Hiyaan ko kayo dahil alam kong duon siya masaya! Tapos eto yung sasabihin mo sakin ngayon?" naiiyak sa galit na sabi ni Luna. "Sinakripisyo ko yung sarili kong kaligayahan para sumaya kayo! Para sumaya yung pinsan ko sa piling mo! Tapos gagaguhin mo lang siya? Sinasayang mo yung pagsasakripisyong ginawa ko!"

"E bakit ba kase lagi nalang ibang tao yung iniisip mo? Bakit hindi mo naman isipin yung sarili mo? Bakit hindi moko pinaglaban? Bakit hinayaan mo kong madala sa panglalandi nung pinsan mo!"

Bogshhh!

SINAPAK NI LUNA SI VINCE!

Omg! Napaupo sa damuhan si Vince dahil sa nangyare.

"Wala kang karapatang kwestyunin ako! At mas lalong wala kang karapatang sabihang malandi si Angelie dahil unang una sa lahat, hindi mangyayare yon kung hindi ka din pumatol na gago ka!" galit na si Luna. "Eto ang tatandaan mo Vince. Mahal na mahal ko yung pinsan kong yon. Kaya sa oras na makita kong saktan mo siya, hindi ako magdadalawang isip na kalabanin ka. Wag mong kakalimutan yan!" galit paring sabi ni Luna.

Biglang umalis nalang si Luna.

"Teka Luna!" pahabol na sigaw ni Vince.

"Leave me alone, asshole!" pabalik na sigaw ni Luna bago tuluyang makaalis.

Naestatwa ako sa narinig ko. Masama ba talaga ko? Masama bako dahil inagaw ko si Vince sa kanya? Nagmahal lang din naman ako ah.

Napatingin ako kay Vince na tulala din ngayon. Lalakad na sana niya ng mapatingin siya sa direkyon ko.

Nagulat siya na makita ako don. Lalapit na sana siya nung tumakbo ako. Gusto kong mapag isa. Kelangan ko ng tahimik na lugar.

Mag iisip na muna ko. Kelangan kong makalimot. Alam kong nagkukunwari lang si Luna na mahal niya ko. Pero bakit gustong maniwala ng puso?

Niloloko lang niya ko. Inagaw niya ang lahat sa akin kaya sigurado akong gusto lang niyang lituhin ang utak ko.

Pero bakit gustong matuwa ng katawan ko? Pero ayaw ng utak ko. Ano bang nangyayare sakin?

Ayos naman kami dati ah. Masaya namin kami nila Luna. Bakit nga ba biglang nangyare to?

Leslie. Tama! Siya ang may kasalanan ng lahat ng to! Kasalanan niya kung bakit nagkakaganito ako ngayon. Pagsisisihan niya to.

Pero sa ngayon kelangan ko munang mag isip kung kelangan ko na bang humingi ng tawad sa mga pinsan ko.

Pero wala naman akong ginawang mali ah? Wala namang mali sa magmahal diba? Bakit ako hihingi ng tawad?

Argh! Ano ba! Bahala na. Iinom nalang muna ko.

Lasing na lasing nako habang naglalakad pauwi ng mag isa.

Umiikot yung paningin ko. Teka nasan na ba kase ko? Ang dilim naman dito sa daan e.

Sa di kalayuan may nakita kong dalawang lalaking lasing din yata tong mga hinayupak na to. Palapit sila sakin.

Nahihilo nako kaya pano na to? Katapusan ko na ba? Bat kase umuwi pako e.

Nung makalapit sila sakin. Hahawakan na sana nila ko ng bigla nalang may humawak sa kamay nila.

Hindi malinaw yung nakikita ko pero alam kong may nag aaway sa harap ko. May nagligtas sakin. Nung natapos sila biglang lumundag yung puso ko.

Hindi ko akalaing ililigtas niya ko, pagkatapos ng lahat ng ginawa ko.

Bago ko mawalan ng malay, nasalo niya ko.

"ATE Luna." kusang lumabas sa bibig ko yung bagay na yon hanggang sa mawalan nako ng malay.

A Queen In Her Own Way.Where stories live. Discover now