A letter

2.7K 119 7
                                    

"Almira, itago natin ang mahal na dyosa!"

Ang ilan sa mga naroroon ay nagkagulo, ang mga tapat na naniniwala kay Almira at nagsisilbi sa kaniya ay pinili siyang itago sa mga naghahanap sa kaniya. Ang iba naman ay nananatili lamang na tahimik.

Mga bantay nga mula sa Kastilyo ang dumating, inanunsyo nito na mayroon silang batang manggagamot na hinahanap at siya ang batang iyon. Sa sobrang kaba ng inosente at bata niyang puso ay pinili niyang manatili sa tabi ng kaniyang Ina na hindi niya mabasa kung alam na ba ang gagawin.

"Almira! Bumaba na sila sa kani-kanilang karwahe, patawid na sila sa tulay!"

She stood up after healing her recent patient and went to Almira. Para siyang batang nagtago sa likod nito kahit na hindi naman siya tinatawag ng kaniyang Ina. Mabuti na lamang at hinayaan siya ni Almira at itinago ng tuluyan. She then realized, kahit na ano pang sakit nito anak pa rin siya nito at poprotektahan hanggang dulo. And she'll do the same, whatever happens, she'll protect her Mom.

"Almira, naririto na sila!" Sigaw ng mga nasa labas. Matiyagang naghintay ang mga gagamutin sa loob ngunit kalaunan ay nakiusyoso na rin.

Nagsimula na ring lumabas si Almira at sumunod lamang siya sa likod nito.

"We are looking for a healer. If I am not mistaken, a very young healer." Saad muli ng baritonong boses.

"Hindi! Wala dito ang hinahanap ninyo!" Sigaw ng ilan sa labas.

Ngunit bago pa man mabuo ang sigawan ng mga naroroon ay sumingit na si Almira.

"Makinig kayo! Nagpapatunay lamang na totoo ang ating diwata dahil nakarating na ito sa Kastilyo. Siguro'y ipinadala ang mga iyan upang ianunsyo na opisyal na ang panggagamot ng ating diwata!" Sigaw ni Almira na yumanig sa pagkatao ni Celestial at gumulat sa lahat ng naroroon, "Magsaya tayo, magdiwang! Dagdagan natin ang ating mga alay para sa ating diwata!"

Matiim namang naghiyawan ang mga naroroon at nagsimula nang magsigawan; "Magdiwang! Mabuhay ang dyosa!"

"All hail! All hail! Long live the ethereal goddess!"

Celestial lost the confidence. Sa halip na ganahan siya dahil sa sigawan ng mga naroroon bilang suporta sa kaniya ay napapaurong lamang siya. For the mean time, she just want the land to open half and swallow her whole.

Napayuko siya dahil sa nagtatakang titig ng mga bantay na dumating. Animo'y nagtataka at namamangha sa ginagawa ng mga naroroon. They're probably blabbering behind, badmouthing them about being a cult, or even worse!

"Almira? Who's Almira here?" Saad ng isang bantay na may hawak na sulat.

Natulala ang kaniyang Ina, bigla na naman siyang kinabahan dahil baka ay sinusumpong na naman ito. Ngunit hindi rin dahil nanatili lamang itong nakatungo, animo'y walang naiintindihan.

"Ano raw? Bihira lang sa atin ang nakapag-aral. Kadalasan sa mga nakapag-aral nagsasalita sa ibang wika, sino ba dyan ang nakapag-aral? Ano bang sinasabi ng mga bunot na 'to?" Bulungan ng mga naroroon.

"Who's Almira here?" Pag-uulit ng bantay.

Hindi na nakatiis si Celestial at marahang itinulak ang kaniyang Ina, "'Ma...tawag ka po."

"Ako ba?" Bigla naman itong nataranta, animo'y nagising sa pagkakatulala, "Ako po!"

"Where is your daughter? She's the reason why we're here. A message for her from the palace. More like an offer, opportunity of invitation, what a lucky kid." Nakangiting saad ng bantay.

LEGENDS: Celestial Beryl (Season, #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon