Chapter 3: Boyfriend

148 12 7
                                    

Lumipas ang mga araw at hindi ko na naitanong kay ate ang sinabi niya nung unang araw ng klase. Ilang linggo na din kaming pumapasok at di pa naman kami lumuliban. Dati kasi sa National E ay madalas ang pag absent namin ni Ate dahil wala kaming baon. Ngayon ay nakakatuwa dahil parati kaming may baon. Kinausap din kami ni Tito Jimmy kung gusto daw ba namin na sa school na bumili ng lunch at dadagdagan nalang daw niya ang aming baon ngunit mabilis ang naging pagtutol ni Mommy. Malamang daw ay hindi kami kumain. Nauwi nalang kami sa pagbabaon umaga palang. Nawalan din kasi ng katulong sila tito Jimmy. At isang boy nalang ang natira. Hindi ko naitanong ano ang nangyari kay ate Cynthia . Ayokong magalit si Tito Jimmy sa akin at sabihan akong batang chismosa. 

Ang bawat Sabado namin hanggang Linggo ng tanghali ay nauuwi kila Tito Jimmy upang kalaruin sila Dianne at RJ. Hindi naman malayo ang bahay ni tito Jimmy sa amin. Sa isang phase lang naman sila at kayang lakarin kung kaya't ayos lang din kay Mommy na nandoon kami. Hindi talaga maka hindi si Mommy kay Tito Jimmy. Alam kong matalik silang magkaibigan kung kaya't ganun na lang ang malasakit sa amin ni Tito Jimmy. Naisip ko na sana magkaroon din ako ng bestfriend. Bigla namang pumasok sa isip ko si Jolly. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi naman ako kakaibiganin nun. Hindi kami parehas. Malaki ang agwat ng pamumuhay namin. Kung kaya't kahit mas matanda ako kay Dianne ay siya ang pinagtuunan ko ng pansin. Tatlo ang anak ni tito Jimmy sa unang asawa, pangatlo si Dianne. Si RJ naman ay anak niya kay Tita Rose. Kahit na ganoon pa man ay minahal ni tita Rose si Dianne. Nakita ko ang pagmamalasakit niya dito. Kakaiba talaga si Tita Rose.  Napakaswerte sa kanya ni Tito Jimmy.

"Dale, Melda, magbihis kayo sa Sabado bago pumunta dito ha? kakain tayo sa Mcdo" sabi ni tita Rose. Nagulat naman ako at si Ate. Mcdo, ano yun? Ang alam ko lang kasi ay Burger Machine dahil yun palang ang natikman namin. Nakita siguro ni Tita Rose ang pagtataka saming mga mata kung kaya't nagsalita siya ulit. "Fastfood yun iha, may spaghetti at burgers pati na din French Fries" dugtong niya. Tumango nalang ako pate na din si Ate kahit di naman namin alam ang ichura ng mga pagkain na yun, ano kaya yung Frensh fries na yun. Nagpasalamat naman kami kay Tita Rose at Tito Jimmy. Nakasimangot naman sa pintuan si Dianne dahil ayaw niya pa kaming pauwiin ngunit madami pang assignment si Ate.  Inabot din ni Tita Rose ang baon naming pera at pangdagdag sa uulamin namin araw araw. Meron din siyang pinadalang mga damit na hindi naman mukhang pinaglumaan. Galing daw sa package na pinadala sa kanya ng pamangkin na nasa Japan. Oo nga pala last year ay ganitong panahon din kami dumalaw kay Tito Jimmy at mayroon ding mga damit at ibang gamit na binigay sa amin. Maganda talaga siguro ang may kamaganak sa Japan. Natatawa ako sa naisip at tiningnan ng mabuti si ate habang naglalakad kami pauwi. Hindi naman mainit at mabuti na lamang kundi tustado kaming sigurado. 15 minutes din kasi bago makarating sa bahay pero mabagal ang lakad namin dahil sa tag 2 supot na dala mula sa bahay ni tito Jimmy. Bumaling ako kay ate.

"Ate magjapan ka!" sigaw ko. Gulat na gulat si Ate. Nakita ko ang pagsimangot niya. Ano kaya masama sa Japan eh yung pamangkin nga ni Tita Rose andun. "Ate magjapan ka, para may magpapadala samin ni Chris!", excited kong sabi. Piningot ako ni Ate ng bahagya at alam kong natatawa man ay naiinis siya sa sinabi ko. 

"Dale iba yun, gusto kong magpunta dun ng nagbabakasyon lang hindi para maging kagaya ng pamangkin ni Tita Rose". may diin sa huling sinabi ni ate.

Natahimik naman ako at inisip na naman ang sinabi ni ate. Ano na naman kaya ibig sabihin ni ate. Noong nakaraang Linggo nga ay di ko alam ibig sabihin ng tutuksuhin ako pag nalaman ang tungkol kay Mommy at Daddy, ngayon eto na naman. 

kagaya ng pamangkin ni Tita Rose......

kagaya ng pamangkin ni Tita Rose......

kagaya ng pamangkin ni Tita Rose......

Nakabawi naman ako agad at pinilig ang ulo. Hayy saka ko na yan iisipin. Sabi ni Ate sa aming dalawa ay ako ang mahilig mag imagine. Ano kaya meron sa Japan at bakit parang ayaw niyang maging kagaya ng pamangkin ni Tita Rose. Eh madami ngang pera ang mga yun dahil nasa Japan. Pag madaming pera hindi na magagalit si Mommy. Natuwa ako sa naisip ko. Lumiko na kami at ng malapit na sa bahay ay napansin ko ang isang Motor na matangkad. Hala may motor na kami?!?! Eh hindi nga makabili si Mommy ng TV motor pa kaya??? malamang nakiparada lang. Mabilis kaming naglakad papasok ng bahay. Nakita ko naman ang ang isang matangkad na lalaki na nakaupo katabi ni Mommy sa upuang kahoy namin. Napansin ko din ang pagsimangot ni Ate. Pagpasok namin ay siyang pagtayo ni Mommy at di na kami binigyan ng pagkakataong ilapag ang dala namin.

Unloving my First Love (First Love Series 1)Where stories live. Discover now