Chapter 14: Babe

85 8 6
                                    

Dale

"Araw araw nandito yan ha??!, singhal ni Ate, pagkaalis na pagkaalis ni Chico. Lagi kasi akong pinupuntahan ni Chico after namin naging magOn. May pasimpleng paghawak pa sa kamay ko pero sinisita ko dahil baka mahuli kami ni Ate. Wala naman kaming ginagawa kundi magusap lang. It'a already January and holiday went too fast, I enjoyed it with them. Sinusulit daw ni Chico because it's only on weekends that we'll have the chance to see each other pag pasukan na. Pinakiusapan ko si Chico not to tell anyone, even our friends. Noong una ay gusto niyang sabihin para di na daw ako asarin ni Jerick, at akbay akbayan pa ni Dax. Inexplain ko naman na friends namin sila but Chico is the serious type and he doesn't like it kahit daw kaibigan. Napakasuplado din ng isang ito. 

"Bestfriend ko na din kasi yun te", pagsisinungaling ko, I told her that Chico is like Dax to me. I felt guilty na kailangan kong magtago but I know that it isn't right as well to have a boyfriend this early, mapapagalitan ako. Pero sadya yatang natural sa kabataan ang  mag explore kaya naman ito kami ngayon ni Chico, mag On.

"Siguraduhin mo lang!", dagdag pagmamaasim ni Ate.  Hindi naman ako palasagot talaga kay ate kaya pinili kong manahimik. Naalala ko na pinayagan ako ni Mommy na dalawin si Marites bukas sa kanila. Sabado bukas kaya yun ang sinabi ko kay Ate para mapalitan ang topic at di na namin pagusapan si Chico. " Sure kang pumayag?" , tango naman ang sinagot ko. Tumigil na din si ate kakausisa.

******************

It's Saturday today, at ito nga ang araw na punta ko kila Marites. Gusto ko siyang dalawin dahil alam kong hindi ko na siya masydong madadalaw sa mga susunod. Ipinagtabi ko siya ng kaunting chocolate na galing  kay Tito Jimmy. Binigyan din ako ni Mommy ng pamasahe para makapunta doon. Kailangan lang makauwi ako before 6PM. Naalala ko na di ko pala nasabi kay Chico pero alam ko naman na kung sakaling pumunta siya ay sasabihin ni Ate.

Nakarating na ako kila Marites before 3PM. As usual ay tuwang tuwa na naman siyang makita ako. Napansin ko na namayat din si Marites, ang kwento naman niya ay nagkasakit daw siya at nawalan ng gana kumain pero inalagaan naman daw siya ng asawa niya kaya ayos na daw siya. Mabuti naman. Hindi ko alam paano ko sasabihin kay Marites ang tungkol kay Chico. If there are people na ayaw ko paglihiman ay si Marites at Dax yun. Kaya naman nagsalita na ako.

"ahhh Temar, may boyfriend na ko.....", nahihiya kong sabi.

Isang malakas na hampas naman ang pinakawalan niya bago humiyaw "wahhhhhhhhhhhhh!!! si Chico??????", alam na alam niya talaga. Isa pang sigaw ulit at isang hampas. "Kailan pa?????"

"Nung Dec 24 hehehe," tipid kong sagot.

"kamusta naman? Nagholding hands kayo?? Kiniss kaba????", eksaheradang tanong niya. Nashock ako sa tanong niya kaya umiling ako. Hindi naman bago sa akin ang ganitong usapan namin ni Marites. I remember before nahuli ko si Mommy na hinahalikan yung Gerry, nakwento ko yun kay Marites, at nasabi niya na ginagawa yun pag may boyfriend. 

"Temarrr!!! ang bata pa namin!", pangongontra ko naman.

"Sussss gagawin nyo din yun!, Pero wag kang bibigay ahhh", sabi niya bilang paalala. Alam kong minsan ay mapaglaro ang utak ni Marites pero sa mga ganitong bagay naman ay seryoso siyang magpapaalala sa akin dahil ayaw din niya na mabuntis ako ng maaga.

Madami pa kaming napagusapan ng sumunod na oras, pate si Daddy ay nakwento ko syempre. Alam ni Marites na hindi ko maiwasang malungkot everytime na mapapagusapan si Daddy. Mga bandang alas 5 ay nagpaalam na ako at umuwi.

**************************

Kakababa ko palang ng tricycle ay si Chico agad ang nakita kong nakaupo sa tapat ng bahay at nakasimangot. Galit ba to? Iniisip ko na sinungitan ito ni Ate kaya ganito ang mukha nito. Pero binigyan siya ng upuan eh, ahh malamang si Chris ang nagbigay. Lumapit ako sa kanya pero ang tingin niya ay nasa suot kong damit. Nakashorts kasi ako na hindi umabot sa tuhod at Tshirt na peach na fitted. Ang lahat ng suot ko ay galing kay Tita Rose. Wala naman akong nakikitang problema pero masama ata ang timpla ng isang ito.

Unloving my First Love (First Love Series 1)Where stories live. Discover now