Chapter 6: Kuya

96 8 16
                                    

Dale

We were absent again for the rest of the week after that incident. Mom did her usual routine and didn't bother to talk to us. I know she was hurt but we are her children. We deserve to be sheltered with mother's love. She's been busy with her own life the past years, having the time of her life. Feeling dalaga. We are just thankful that Tito Jimmy and Tita Rose was always there for us pero meron pa ding kulang. Naikwento ko din kay Marites pagpasok ng kina Lunesan ang nangyari sa bahay. Her initial reaction was really epic.

"Sabi sayo eh, mommy mo lang nagmamahal dun eh" ani ni Marites. Nagtataka din ako minsan sa katalinuhan ni Marites sa mga ganitong bagay. Natutuwa ako na kahit paano ay mayroon akong nakakausap tungkol dito. Although baliw siya minsan katulad ngayon. "Dale kasi sabi mo si mommy mo ang gumagastos dun sa lalaki." Dagdag niya. Oo nga pala nakwento ko na minsan nakita kong binigyan yun ni Mommy ng 500pesos.

"Oo nga eh, tapos si Mommy, parang walang pakialam sa amin lagi". sagot ko naman. Bumalatay naman ang pagaalala sa mata ni Maricel. Alam kong alam nya na ayaw ko ang kinakaawaan kaya mabilis naman ang pagpapalit ng emosyon ng mukha nya.

"hahahahahhahah!" biglang halakhak nya na ikinagulat ko. Lagi akong nahahawa kay Marites pag ganun siya pero ngayon ay hindi ko ata gustong matawa. "Dale alam mo ba nung absent ka, natae si Rowell sa shorts nya, hahahhahahahaha!", yun pala ang kinakatawa nya kaya natawa na din ako. Si Rowell ay isa sa mga kaklase naming ubod ng tahimik. Mukha itong may diprensya sabi ng grupo nila Jesse kaya madalas ay kami lang dalawa ni Marites ang kumakausap dito. "hahahahhahhaa, naawa nga ko sa kanya eh, kaya binigyan ko sya ng basahan". dugtong pa niya. Naawa daw pero tawang tawa? Meron bang ganun?. Isa din ito sa gusto kong ugali ni Marites, lagi siyang handang tumulong sa iba. Natatandaan kong nung minsan ay wala akong baon ay binilhan niya ako ng makakain sa canteen. Maalam si Marites sa maraming bagay na pinagpapasalamat ko. Nanahimik na naman siya, siguro naisip nya kung bakit namin pinaguusapan ang tungkol kay Rowell.

"Temar," tawag ko sa palayaw niya. Timang kasi talaga yun, pinaganda ko lang. "Sa palagay mo makakamove on si Mommy?" Grade 4 palang kami pero alam ko na alam ni Marites na parang ang dami kong problema at pasan ang daigdig.

"Oo naman! kailangan lang niya ng bagong boyfriend, ako ganyan nag move on." Gulat na gulat naman ako kay Marites. Alam kong may boyfriend na si Marites nung Grade 3 palang kami pero hindi naman ata seryoso kaya't meron na naman siyang bago. "Alam mo ba yung pinalit ko kay Eric!, yung isa din na nagtatrabaho dun sa konstraksyon samin! huwag lang talaga kong mahuhuli ni Papa! hahahahahah" . dagdag pa niya. Gumaan naman ang pakiramdam ko. Sa totoo lang ay ayos na kaibigan talaga tong si Marites. Naalala ko na ako ang kasama nya nung nagkaperiod siya sa school ng unang beses. Kaya pala siya masungit noon pero sa sobrang honest nya ay sinigaw nya na meron siya. Lagi niyang sinasabi na bestfriend kami na tinanggap ko naman. Hindi pa kami nag away ni Marites kahit kailan. Sa aming dalawa ay mas siya ang nakakaunawa sa akin. Nakarating na din ako sa kanila ng minsang half day kami. Akala ko ay tapos na siya pero.. "Dale, alam mo ang tibay mo din! kung bilib ka sakin, mas bilib ako sayo" siya na nakangiti sa akin, gumaan naman ang loob ko. Alam ko na isa ito sa paraan niya ng pagpapalakas ng loob ko. "napakamatiisin mo, naku kung ako yan ganyan mama ko, umalis na ko samin! hahahahahahha!", dagdag niya. "Joke lang naman!", napansin niya ata ang pagsimangot ko. "tiis kalang Dale, pag yumaman ako, kukunin kitang katulong!, " 0____0, aba't bruha talaga. "hahahahahahh". Nakitawa na din ako kay Marites bago nagsalita...

"Lam mo naman kailangan magtiis, kahit ganoon si Mommy, okay lang basta kasama namin siya. Siguro kasi talagang mahirap ma broken heart Temar". sabi ko naman.

"Suuuuuussssss, bakit naman?" tanong niya at siguro ay may biglang narealize "ay oo nga pala di ka pa nagboboyfriend, heheehe, tanong mo sa ate mo Dale!" suwestiyon naman niya.

Unloving my First Love (First Love Series 1)Where stories live. Discover now