Chapter 9: Daddy

92 9 13
                                    

Dale

I'm still waiting for Chico to talk but he didn't til Dax approached me and asked me if I wanted to go home. Para namang na trigger si Chico kaya mabilis siyang umeksena sa usapan.

"Tol, ako na maghahatid", may pinalidan na lahad ni Chico kay Dax. Nakatingin naman ako kay Dax at chinecheck kung papayag at ang damuho biglang tumango. Di naman halatang pinapamigay ako nito. Bago pa kami umalis ay tinawag ko si Dax.

"Hoy, ano?", sabi ko. Nagtataka siguro siya kung ano ibig ko sabihin. "Ganun nalang???", sabi ko pa. Siguro ay busy talaga si Dax. Alam ko naman na siya ang leader kaya hindi talaga siya pwedeng mawala dito. Lumapit siya sakin at inakbayan ako at ginulo ang buhok ko.

"Sorry na BF, busy eh". kaya pala pinapamigay ako neto. Ayun naman pala. Pero shempre hindi naman ako naginarte pa kay Dax kasi alam ko naman na hindi lang ako ang inaasikaso nya.

"oo na, oo na, sige na uwi na ko, lagot ako eh". sagot ko nalang. naglakad na kami ni Chico paalis sa court pero isang metro ata yung pagitan namin. Di ako nakatiis kaya nilingon ko siya. "Hoy, nadapa lang ako, wala kong sakit!". kala mo naman kasi makalayo ng lakad parang di kami magkakilala. 

Iba naman ang sinagot nya sakin. "mapapagalitan ka?", bahagya naman akong tumango. Totoong mapapagalitan ako. Ayaw na ayaw kasi ni mommy na tatanga tanga. Lagi niya yun sinasabi kay ate. Kaya nung nabanggit ni Chico ay kinabahan ako. Pinili ko nalang manahimik. Pero nagtanong ulit siya. "may betadine kayo sa bahay?", umiling ako, wala na kong gana magsalita dahil sa kaba at isa pa, totoong wala kaming betadine sa bahay. Malayo palang sa bahay namin ay hinarap ko na siya.

"Sige na Chico, dito na lang, lapit naman na bahay namin, una na ko, thank you". tinuloy tuloy ko na para di na siya maka hindi. Pero nagulat ako ng hilahin nya ko sa pulsuhan papunta sa bahay. May paghawak si Chico. 0_______0. Patay ako pag nakita na naman ito ni Ate, sabihin boyfriend na naman.

"hoyyyyy, mapapagalitan ako lalo, bilis na alis kana!", napansin siguro niya na kinakabahan talaga ko kaya naman binitawan niya na ako pero di siya lumayo sakin habang naglalakad di tulad kanina. Nakarating na kami sa tapat bahay kaya nag babye na ko sa kanya. Ang weird din ng isang to. Dun pa din sa sugat ko nakatingin. Winagwag ko ang kamay ko na parang itinataboy siya. Pumasok na ko sa loob kasi mukhang balak niyang antayin ako makapasok.

Tulad ng hinala ko ay napagalitan nga ako, at kung ano ano na naman ang sinabi ni Mommy. Wala daw kaming pera kung sakaling nabalian ako. Ang OA din, nadapa lang naman ako. Hindi naman ako sumagot kasi alam ko naman na concern din si Mommy kahit paano. Medyo malaki kasi yung sugat ko para ngang lumabas yung laman ko sa tuhod kaya din ako natakot kanina. Bawal muna kong lumabas kaya naman nakasimangot ako. Akala ko pa naman ay makakaattend ako ng opening ng summer sports fest. Kundi ako nadapa ay malamang makakasama ako bukas. Bakit naman kasi naisip kong tumakbo palapit kay Dax.

Sumagi din sa isip ko yung panggagamot ni Chico sa sugat ko. Mabait din pala yung isang yun kahit minsang mukang suplado at seryoso. Siguro ganun talaga si Chico. Napansin ko kasi na maski sa ibang babae ay matulungin siya. Pero oo nga no First summer nga naman namin tong magkasama, kinabahan ako. Pero hindi ko gets bakit ako kinakabahan. Kung may pasok lang ay malamang natanong ko na si Marites. Naalala ko nung patapos na ang klase ay nakita ko yung Kuya ni Liza sa school, nagkasalubong kami sa quadrangle at nagbatian. After nun ay tinanong ako ni Marites kung kinabahan ako, pag kinabahan daw ay crush ko din daw yung kuya ni Liza. Nang maalala ko ay natatawa nalang ako pero nakatingin pala sakin si ate. Alam kong uusisain ako nito.

"boyfriend mo ba yung Chico??", pangaakusa na naman niya. Bakit ko na naman kaya boyfriend yun? " kung si Dax si Dax nalang , Dale! . Tigilan mo yang Chico na yan! pahatid hatid pang nalalaman" . Ewan ko bakit ganito kasungit si ate hindi man lang tinanong kung okay lang ako kahit nakita yung sugat ko, inaantok na ko kaya di ko na sinagot si Ate.

Unloving my First Love (First Love Series 1)Where stories live. Discover now