Chapter 13: Feelings

71 7 6
                                    

** relate yung song**

Dale

"Andito yung gusto ko wala dun......."

I don't know how I managed to go home ng di naiilang kay Chico. After niyang hawakan nag hinlilit ko, he intertwined our hands, pero binitawan ko din after ng ilang minuto dahil nakakahiya at nakakailang, bakit niya ba yun ginagawa? Nakarating ako sa bahay na yun pa din ang iniisip, bakit nga ba Chico? Nagpaalam na siyang uuwi at nagbabye ako sa kanya without looking at him. I tried to avoid his eyes. Napansin niya siguro kaya naman hindi na siya nagprotesta.

His words keep hunting me for days, kinakabahan ako pag naiisip ko yung sinabi niya. Ano daw???, andito yung gusto? . Totoo kaya yung sinabi niya?. Hindi ako mapalagay dahil dun! maski sa school ay bigla ko nalang maiisip yun. One time ay nakita ko si Bansot ng recess na palapit sa akin, siguro matagal na itong nakatingin sa akin base sa reaksyon ng mukha niya. Alam kong mangaasar ito at tama nga ako.

"uiiiiiiiii, may iniisip!!!, malayo ang tinginnnnn" pambubuska ni Jerick

"Wag mo kong asarin, lalatayan kita! ", anas ko naman. Wala talaga tong pinipiling panahon. Tulad ngayong araw nagpahaging pa ang animal na akala mo ang tangkad tangkad na naman niya.

"Dale, sino pipiliin mo samin ni Chico? Siya o Ako???", maangas niyang tanong. Hindi ko alam ano pumasok sa kokote nito at nagtanong ng ganito. "Shempre si Chico!!", sagot niya sa sariling pangaasar. Hahabulin ko sana siya ng sapak pero mabilis siyang tumakbo habang tawang tawa. 

Pumasok na naman tuloy sa isip ko yung sinabi ni Chico nung gabing yun. Kung seryoso siya bakit yun lang ang sinabi niya? Saka ako ba yun? pero sakin niya sinabi eh, so ako nga yun? Tapos hinawakan niya yung kamay ko. Ano ba talaga yun? Hmmm baka nga totoo ang sinabi ni Marites, na torpe nga si Chico. 

I expected Chico to visit me again or ayain ako magsimba pero walang Chico-ng nagpakita sa akin. Weekend ngayon pero wala siya? Akala ko ba pupuntahan niya ko pag walang pasok? Ganun siya nung mga nakaraan eh, kahit wala si Dax ay masipag siyang puntahan ako. Naisip ko naman na baka busy siya, but 1 weekend turned into 3 weekends na di siya nagpakita. I sighed, siguro hindi sya seryoso dun, baka nagassume lang ako. Siguro tinitrip lang ako nun. Maybe I shouldn't hope that he really liked me just like what he said, hindi din naman niya direktang sinabi. I felt na medyo masakit din pala na umasa ng slight. Akala ko kasi after that night, eh marami pa kong maririnig from him, kaso ay hindi, hindi na nagpakita. Mukhang iniwasan na ako. Siguro kinalimutan na niya ako agad, narealize na trip lang feelings niya, nadisappoint ako lalo. Mabilis nga niya nahawakan ang kamay ko, siguro mabilis din niya ko nakalimutan. Yun lang naman gusto nila, makita kang umasa. I know I sounded bitter the past days thinking about  it kaya naman pinilit kong kumalma at makisama sa mga kaibigan ko sa school. I'm just thankful na maaga ang Christmas party namin at halfday lang so I took the chance to visit Marites, gusto ko kasi ang mga payo ni Temar sa ganitong bagay, si ate kasi ay hindi ko matanong at baka sabunutan ako bigla. Tinabi ko ang burger na pagkain sa party for Temar. I just wanted to give something to her, at least, kahit maliit na bagay.

Mabuti nalang wala yung kontrabidang bansot ngayon na paalis na ako sa school, alam kong aasarin na naman ako nun, I am not in the mood na marinig ang pangalan ni Chico. Nakarating na ako kila Marites at nakaupo na kami sa usual spot namin dito sa bahay nila. For the first time ay nakilala ko ang asawa ni Marites, he looks old compared to his age. Mukhang batak sa trabaho at mukha namang mabait. He was very attentive kay Marites, 6 months na kasi ang tiyan nito at medyo malaki na. Inutusan siya ni Temar na bilhan ako ng softdrinks but I refused., sinabi ko na okay na at busog na ako which is true. We paid for a Jollibee meal package for the Christmas party, unlike previous years na nagdadala ng luto. Nagkamustahan muna kami ni Marites, she told me she's okay, kung san siya manganganak and everything related sa baby and asawa niya,  before I opened the topic about Chico. I heavily sighed, I know I look confused and pathetic.

Unloving my First Love (First Love Series 1)Where stories live. Discover now