Chapter 4: Happiness

121 7 21
                                    

Nakauwi na kami ni ate araw ng Biyernes, sakay ng service. Alam kong hindi pa din okay si ate pero kahit papaano ay hindi na sing OA nung nakaraan ang katahimikan niya. Nakita ko naman na nagaabang ang boy ni Tito Jimmy sa amin sa labas ng bahay. Pagod na pagod ako sapagkat ngayong araw ay PE day namin, nag jogging kami. Isa sa pinakaayaw kong gawin. Payat na nga ako lalo pang nanghihina. Si ate ang kinausap ni Kuya Danny, nakikinig lang ako at matamang nakatingin kay Kuya Danny at Ate. Sa totoo lang, kung di boy itong si Kuya Danny ay mapagkakamalan ko itong anak ni Tito Jimmy. Gwapo ito, matangkad at long hair. Bad boy look man dahil sa long hair ay napakaamo naman ng mata nito.

"Melda, sa bahay na daw kayo matutulog, sabi ni Sir. Magdala na daw kayo ng pamalit, yung pang alis bukas. Nakausap na ni Sir si Ate Herms." Sabi ni Kuya Danny. Pansin kong namumula siya habang nakatingin kay ate. Alam kong 17 years old lang si Kuya Danny at pinapaaral ni Tito Jim. Pero napapansin kong sa tuwing kausap nya si ate ay para siyang natatae. Pero teka nakausap na ni Tito Jim si Mommy, bati na kaya sila? so matutuloy pala ang mcdo bukas. Sa pagiisip na iyon ay bigla akong sumaya. Yahooooooo! sigaw ng isip ko. Napawi ang pagod ko ngayong araw. Akala ko talaga ay hindi na kami sasama ni Tito Jim dahil sa pagtatalo nila ni Mommy. Mabilis naman kaming naghanda ng gagamitin, nagligpit sandali si Ate. Inantay naman kami ni kuya Danny sa labas. Pinapapasok ko siya pero bilin daw ni Tito Jimmy na huwag siyang papasok dahil parehas kaming babae at bata pa. Ipinagpapasalamat ko na ganoon kamasunurin si kuya Danny.

Simpleng damit lang ang isinuot ko at mabilis na isinilid sa plastic bag ang gagamitin ko hanggang Linggo sa bahay nila Tito Jimmy. Lagi namang ganoon, pero kakaiba ngayon dahil pupunta daw kami sa mcdo bukas. It will be our first time going out. First time to eat in a fast food chain. My Dad, was once a policeman but there was never an instance that he took us out. He'd rather spend his free time drinking and being drunk. This is partly the reason why Mom left him. At first I don't understand what's going on. They fight everyday and it pains me to hear my mom scream. They never get physical but all I could hear are words that will hurt the both of them, and will hurt us in the end. Which is why today, I chose to be thankful that my mom has her bestfriend who treated us as his daughters as well. Nakahanda na ako at inaantay nalan si ate. Niligpit pa kasi nya ang sinampay na nilabhan niya nung isang gabi, ang mga uniforms namin para sa Lunes ng maalala ko si Chris. Biglang napawi ang kasayahang nararamdaman ko ng maisip si Chris. Inaalagaan kaya siya doon kila Auntie? Nandoon naman si Daddy pero alam kong mapapabayaan nya si Chris. Mas lalo kasing lumala si Daddy nung naghiwalay sila ni Mommy.  Hayy... sabi ko sa isip ko. Hindi mawala sa isip ko si Chris.  Gusto ko sana siyang makasama bukas sa amin. Gusto kong matikman niya ang mcdo pero paano?

Napansin ni Ate ang pagkabalisa ko habang naglalakad kami. Kaya sandali siyang huminto at hinarap ako, "Dale wag mo ng isipin muna si Daddy, ilang buwan na oh". sabi ni ate. Saglit akong nanahimik bago naman nagsalita. Mabilis manghusga si ate, hindi naman si Daddy ang iniisip ko e. Nilingon ko siya.

"Ate, si Chris, sana kasama natin siya bukas. " nanginginig kong sabi, naluluha na ako dahil sa pagkamiss sa kapatid ko. Nakita ko ang pagiwas ng tingin ni ate at pagpupunas ng mata. Mabuti nalang at matangkad si Kuya Danny at nauuna siya sa aming maglakad kaya hindi niya napansin ang pagiyak namin ni Ate. Siguradong makakarating kay tito Jimmy at katakot takot na tanong na naman ang ibabato nya samin. Ayokong maging pabigat pa lalo kay Tito Jimmy. If there's one good thing my mom taught us, it's not to depend on others too much. I think it's one of the reasons why she wouldn't let Tito Jimmy help us and chose to work instead, except for the house where we live. But I heard Tito Jimmy offered it many times before my mom agreed. I'm still thinking of my younger brother when ate faced me with her red puffy eyes.

"Dale, mahirap din to para sakin pero tinitiis ko.  Alam mo naman ako ang nagalaga kay Chris. One day, kukunin natin si Chris, pero hindi ngayon, mapapalo tayo ni Mommy!". Sabi ni ate. Nainitindihan ko ang takot ni ate kay mommy, hindi lang isang beses kaming napalo at nasampal ni mommy lalo na kapag palpak ang paglalaba ni ate. Naalala ko din ang sinabi ni Ate. Siya ang nagalaga kay Chris at totoo yun. Bata pa si ate pero wala siyang ginawa kundi ang pagmalasakitan kami at alagaan. Sa kabila ng kasipagan ni ate ay madalas itong pagalitan ni Mommy at sabihan ng iresponsable. Hindi ako naniniwala na iresponsable si ate. In fact I saw her grew up taking everything even it's painful. She never left us alone. She didn't have a chance to play with her friends because she looked after us. With her puffy eyes looking at me, I nodded and smile. This is ate's effect on me. I will always agree with her no matter what. I will always believe her.

Unloving my First Love (First Love Series 1)Where stories live. Discover now