Chapter 12: Chico, Chi-mo

94 6 10
                                    

Dale

It's been a 2 weeks at tinupad nga ni Chico ang sinabi niya. He visited me the past 2 weekends and isang beses ay inaya niya ko dun sa tambayan namin. Andun din naman yung iba naming kaibigan possibly burning their boredom because we didn't have activities the past months, busy kasi lahat sa school. Everyone expresses that they missed Dax, di ko na din naitago ang pagkamiss ko kay BF, nung sinabi ko naman yun, ay siya namang pagpapalit ng iritadong mukha ni Chico na di na naman nakatakas kay Jerick.

Naalala ko na naman nung kina Lunesan na sabay kaming pumasok after naming magsimbang tatlo.

Flashback:

It was Monday morning, and as  expected ay dinaanan ako ni Jerick para sabay kaming pumasok. Kasama namin si Chris kaya naman ang mokong nagpapanggap na matino. May napagusapan din sila ni Chris about NBA cards na di ko naman naiintindihan. Kesyo mahal daw yun etc.

Nang nauna ng maglakad sa amin si Chris ay bumanat na ang bansot.

"Nakita mo ba mukha nung syota mo kagabi??? hahahahahha!" tawang tawang sabi ni Jerick.

"Hindi ko boyfriend si Chico, magkakaibigan tayo. Wag kang chismoso!", naiiritang sabi ko naman.

"Hahahaha, magiging palang??? " patanong na pangaasar naman niya. Hinampas ko siya katulad ng parati kong ginagawa, sanay na naman siya na mapanakit ako. "huwag kang ganyan pag andyan si Chico, baka sapakin ako nun". banat na naman niya. "selos na selos eh".

Nagseselos??? bakit naman? wala naman siyang sinasabi sakin. "Walang nagseselos. Walang gusto yun sakin". sabi ko na naman. He tsked tapos tumawa ng malakas. "Napakachismoso mong bansot ka!!!", asik ko. Lunes palang ay binibwisit na ko nito. Ilang araw ko na naman itong pagtitiisan. Sa totoo lang, noong una ay miss na miss ko si Dax, but having Jerick around, somewhat lifted my mood. Nakakatuwa kasi ang kakulitan nito. Pasiga siga din sa school, akala mo naman matangkad. 

"suuuusssss, tignan natin,, hmmmmmmm", dagdag pangaasar niya at sinundot sundot pa ang beywang ko. Nakakairita pa naman ito kapag nangaasar pero hindi naman niya ko napipikon. He knows that I can equal whatever he's saying. Kakaiba nga daw ako eh sa lahat ng inaasar nya.

"may iba siyang gusto", all of a sudden, those words slipped my mouth and sounded bitter. "at wala akong pakialam", dugsong ko.

"suss, ikaw gusto nun, binabakudan ka nga!.", sabi naman ni Jerick. "Maniwala ka sa akin". Pangkukumbinsi pa ng bansot.

Nakarating na kami ng school kaya naman nawala na din yun sa isip ko. Mas madami kasing chismis ang mga kaibigan ko pagpasok ko palang.

End of Flashback

Gusto ko mang paniwalaan si Jerick sa mga sinasabi niya ay nagdadalawang isip ako. Napakamaloko kasi ng isang ito at halatang nangaasar lang naman.

Biyernes na ng Linggong iyon ng nagkaroon naman ulit ako ng chance na dalawin si Marites  dahil sa panibagong meeting ng mga teachers ay half day kami. Hindi ko kasi siya madalaw kung hindi half day dahil siguradong hahapunin ako. Pag weekends naman ay hindi ako papayagan. As usual, yung kontrabidang si Jerick ay nakabantay sa akin dahil hindi ako sasabay sa kanya pauwi ay isusumbong nalang daw ako kay Chico, hindi ko naman siya pinakinggan at umalis na. Madali naman akong nakapunta kila Marites, medyo malaki na ang tiyan niya, 4 months na ata ito ngayon. Natutuwa ako na mabuti ang kalagayan niya. Nagkwentuhan din kami at nagsimula yun kwento niya tungkol sa asawa niya.

Unloving my First Love (First Love Series 1)Where stories live. Discover now