Chapter 1: Dale's Childhood

268 12 5
                                    

Dale

I was 7years old when I started to realize that our family is really broken. I noticed that my mother and father is not together anymore. I remember crying my heart out when I wanted to see my father on the day of our transfer here. Kakalipat lang namin dito sa Pleasant at hindi na kasama si Daddy. Lumipat kami dito ng magsimulang magtrabaho si mommy bilang clerk sa Hillman Realty.

Tatlo kaming magkakapatid, pangalawa ako. Ang ate melda ko halos 11 years old na and ang bunso namin ay 4 years old. Si ate ang tumayong magulang namin sa bahay dahil laging wala si mommy at nasa trabaho. Hindi ko maintindihan bakit mommy at daddy tawag namin sa aming mga magulang eh hindi naman kami mayaman. First week ng April ng lumipat kami dito. Dahil sa kakaunti palang ang mga taong nakatira dito sa subdivision ay nadinig naming magkakakilala halos ang magkakapitbahay. Hindi sa amin itong bahay, ang alam ko ay sa matalik itong kaibigan ni mommy, si tito Jimmy. Pinatira kami ng libre dahil na din sa pakiusap ni mommy.

Habang nakaupo ako sa bakuran ng tinitirhan naming bahay, isang batang babae ang lumapit sakin. Malamang kaedad ko to sa isip ko. Tinabingi nya ang kanyang ulo at tiningnan ako ng maigi bago nagsalita.

"Bago kayo dito?". Usal nya habang titig na titig sa akin. Tanging tango lang ang naisagot ko habang pinagmamasdan pa din siya.

"Mayaman kayo?" Muli nyang tanong sa akin. Gulat na gulat ko siyang tinignan at umiling. Nagpatango tango naman siya.

"Eh bakit mommy tawag mo sa mama mo?", Mataas na ang kanyang tono. Sasagot na sana ko ngunit dinugtungan nya ang sinabi "ako nga mama lang tapos ikaw mommy?!". Bakas sa boses ang iritasyon nya. Hindi ko malaman kung ano ba ang nakakainis doon. Then I remember Althea, kapitbahay namin na madalas kaming tuksuhin na basura noon. Sabi nya kapag mahirap hindi daw dapat mommy at daddy ang tawag. Sa naisip ko ay mabilis kong naintindihan kung bakit naiinis itong kaharap ko.

"Wala naman". Wala sa sariling naiusal ko. Tumingin sya sakin ng masama at umirap. Hala bakit kaya nagagalit pa din sya, naisip ko. Nakatingin na din ako sa kanya. Sa totoo lang ito ang unang beses na humanga ako sa itsura ng batang kumakausap sakin. Tunay na napakaganda nitong kaharap ko, mamula mula ang pisngi at kulot ang buhok. Mabilog ang mata. Naisip ko bigla ang pinapangarap kong manika habang nakatitig sa kanya. Naisip ko na mukha syang manika sa sobrang ka cutean nya. "Oo nga" hindi ko alam na nasabi ko pala yun. Kaya nakita ko ang pagkagulat nya.

Ilang sandali pa bago sya nagsalita ulit "anong pangalan mo? Sabihin mo sakin dahil bago ka dito?". Hindi ko alam na kaya na nyang magsalita ng ganun katatas sa murang edad. Para bang matalino sya at alam ang ginagawa.

"A-a-ko s-si Dale". Sa wakas ay nasabi ko ngunit naging pautal utal. Nakita kong napalitan ng tuwa ang kaninang iritado nyang mata. At kasabay nun ang kanyang pag ngiti.

"Ako si Jolly, dun ang bahay namin." Sabay turo sa isang napakalaking bahay na up and down na una kong hinangaan simula kahapon ng lumipat kami dito. Talagang napakaganda ng bahay nila, ang gate ay mataas na gawa sa kahoy na di pang karaniwan. Ang pader naman nila ay yare sa adobe at ang kanilang mga bintana ay di din papahuli.  Napansin ko din na may landscape sa labas ng kanilang gate at may 4 na sasakyan naman na nakaparada sa kanilang grahe. Napansin nya siguro ang titig ko sa kanilang bahay kaya't nagsalita siyang muli "mayaman kami, pero mama at papa lang tawag ko sa parents ko". Umirap sya ulit ngunit natatawa. Natawa na din ako ng bahagya.

"Jolly!!!!" Dinig kong tawag ng isang mid twenties na babae at nakaunipormeng puti na parang ginagamit din ng mga nagtatrabaho sa ospital. Nakita kong masama ang tingin nya sa akin bago muling nagsalita "Jolly!!! Tawag ka ng papa mo! Lumabas ka na naman ng walang paalam, at sinabi na sayo Huwag makipagusap kahit kanino". Irap lang ang binigay niya sa akin matapos akong tignan muli. Inaano ko kaya si ate? Sa isip ko.

Unloving my First Love (First Love Series 1)Where stories live. Discover now