Chapter 7: Rose or Dare?

104 6 31
                                    

Dale

My mind is somewhere after the day of the meeting. I am too excited to tell Marites that finally I'm able to gain friends at home if that can be considered as friendship already. We just met yesterday but I felt  the relief in my chest. Our house on the other hand feels empty. There's undefined silence and cold treatment. Ate is not her usual self. For the first time, she didn't mind asking us if we are hungry. She just cooked and left the food on the table. Mommy on the other hand busied herself doing the laundry. She also didn't bother to talk to us. I heaved out a deep sigh. Kailan kaya matatapos ang malamig na pakiramdam sa bahay?

Pumasok na kaming lahat pagka Lunes, pero bago pumasok ay nasurpresa ako na hindi si ate ang naghanda ng kakainin namin. At least Mom, is doing her part little by little. She also prepared our Lunch Box. Of course galing pa din kay Tito Jimmy ang baon namin. Excited akong pumasok dahil kay Marites although I know na madami na namang mangaasar sa akin. Sa amin.

Pagpasok ko ng room ay agad na hinanap ng mata ko si Marites, andun siya sa dulo at mukhang abala sa kung anong ginagawa ni Liza. Tinawag ko siya agad. Ganito ang usual na pasok namin. Dahil sa service ay 30 minutes  before flag ceremony ay nasa school na kami kung kaya't meron pa kaming oras magusap ni Marites. 

"Temar, alam mo ba sinali ako sa kabataan, pinayagan ako ni Ate!" excited kong balita sa kanya. 

"huh? eh mommy mo alam? baka paluin ka!" concern na tanong naman ni Marites. Nainis naman ako sa pambabasag trip niya agad sa excitement ko.

"Hindi no, saka bakit mamamalo agad? hahahahha, sumali lang naman ako sa kabataan para magkaroon ng kaibigan", pambabasag ko din sa kanya. Idenetalye ko ang mga nakilala ko maging ang tawanan nila nung tinawag kong Kuya si Chico. Lahat ng napagusapan sa meeting ay hindi ko din nakalimutang sabihin na parang kasali naman si Marites. Nakita ko naman na tuwang tuwa siya sa kwento ko. "pero Temar, di ko naopen yung tungkol sa family ko baka di nila ko isali eh". malungkot kong dagdag. Nagkatinginan kaming dalawa at eto na naman ang awa sa mata ni Marites.

"Hindi yan, hindi naman kamo sila mapili eh. Di ka nga kagandahan pero sinali ka nila oh". dagdag pangaasar niya sa akin. Minsan masakit din magsalita itong kaibigan ko. Pero I'd say na maaga akong nagmature dahil sa kanya. "Di ka maganda pero malakas dating mo Dale!, promise!" nakataas pa ang kamay niya habang sinasabi yun sakin. Hindi ako magpapauto sayo, sa isip ko naman. Alam ko na ang mga linyahan mo. Mukhang nakahalata siya. "hahahhaahahha, hindi na naman siya naniniwala. Totoo nga!", sabi pa niya. "Eto ha, yung kuya ni Liza na Grade 5! crush ka!, yun yung tinitignan ko kanina sa slambook nya!" Sabi nya na nakatawa. Paano kaya ko maniniwala.

"Sira, madaming Dale malay mo naman kung sino?" sagot ko.

"Kahit Dale Reyes nakalagay??? may Dale Reyes ba na iba dito sa school? Ikaw lang naman ang babaeng Dale dito.". sagot naman niya. Mejo naginit naman ang tenga ko sa narinig. Paano naman akong magiging crush nun eh mata lang naman maganda sakin, hehehehe. Natapos ang paguusap namin ni Temar nung nagbell na. 

Pagpasok namin ng room ay nakita kong natapon ang tubig ko sa coleman. Mabuti nalang at hindi lahat. Mukhang alam ko na kung sino ang may gawa. Kumuha nalang ako ng basahan at itinabi ang coleman ko. Kinapa ko ito at tantya ko ay wala ng kalahati ang laman ng coleman. Nakakainis talaga ang grupo ni Jesse. Sa susunod talaga susumbong ko na sila kay Tito Jimmy. Naisip ko na napakahirap ng walang tatay. Kung maayos lang sana si Daddy ay malamang siya ang pagsusumbungan ko. Kumirot na naman tuloy ang dibdib ko. 

Natapos ang buong linggo ng klase ng ganun ganun lang. Pinagawa din kami ng Valentines Card para sa dadating na Sabado. Oo nga pala Valentines day na sa Sabado. Sabi ni Marites ay para daw yun sa magkarelasyon pero sabi noon ni Mamm Lanie ay para yung sa minamahal sa buhay. Naalala ko yung pinagmeetingan namin nila Dax. Ang bilis talaga ng araw. Ng makauwi ako ng Biyernes ay inabot ko kay Ate yung card na ginawa ko for valentines. It's just a simple card, with thank you in it. Yes kay ate ko binigay. Lagi ko kasing naiisip na si ate ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Tipid na ngiti lang ang sinagot ni ate. I can sense na madaming nagbago kay ate matapos yung huling beses na pinagbuhatan siya ng kamay ni Mommy. Feeling ko kasalanan ko na iniwanan ko siya nun, pero kahit naman awatin ko si Mommy, sasaktan pa din niya si Ate. And again, it hurts to see her like this. Napansin ko din na hindi na siya sinusundo ni Buboy nitong mga nakaraan at ibang mga kaibigan na din ang lagi niyang kasama. Hindi ko na napigilan ang usisain si ate. Chismosa ako pagdating kay ate.

Unloving my First Love (First Love Series 1)Where stories live. Discover now