Eto na ang araw na aalis kami. Ilang araw din akong nagisip isip kung tutuloy ba o hindi. Pero nanaig sakin yung sakit.
Andito ako sa kwarto umaga palang kaya may oras pa 'ko para makapagpaalam kela sam.
Sana hindi sila magkakasama...
nakaayos na 'ko kaya agad akong bumaba nakaempake na lahat nang gamit ko andito na din sa baba.
Medyo mamimiss ko 'tong bahay na 'to. Kahit 1 year and kalahati lang ako nagpalagi lagi.
Nagpaalam ako kay mommy na nasa kusina na aalis muna ako at alam naman niya ang dahilan kaya agad siyang pumayag. Nagpahatid nalang ako sa driver ni mommy wala akong sa mood mag drive baka mabangga pa 'ko.
nagpababa ako sa may gate nila samantha. I don't know if gising na siya pero parang may mga tao sa loob kaya medyo kinabahan ako. Wag naman sana...
Nagdoorbell muna ako agad din binuksan nang maids nila.
"Ahm. Si samantha?"
"Ay ikaw pala ma'am. Nasa loob po kasama nang mga kaibigan nyo."
Wtf! para akong nanlumo sa narinig ko. Ayokong makita yung dahilan nang pagalis ko. May mga letter naman ako kay sam ko nalang sana ipapaabot.
Akmang aalis na sana ako nang may tumawag sakin.
paglingon ko si sam pala.
"Tara andun sila jerome. Bakit ka pala andito?"
"Ah wala napadaan lang ako."
"Tara na, Pasok ka muna."
agad niya 'ko hinila pero sinenyasan kong si manong driver na saglit lang tumango naman ito.
Pagpasok ko sa loob umagang umaga ang ingay nila. Nakain sila nang breakfast.
Tinignan ko sila isa isa haggang sa bumagsak ang tingin ko aky zhaun na napatigil din sa pagkain.
"Watzup! Aga mo naman aurora." pagkasabi non nang kung sino agad akong umiwas nang tingin kay zhaun.
"Ah- Eh kasi pano ba 'to? Ah napadaan lang ako." sabi ko nauutal pa 'ko.
Hinila nila ko sa lamesa pero agad akong tumanggi.
"Bakit ayaw mo?"
"Hindi ah, Andito ako para magpaalam. Hindi para makisalo." sabi ko kaya agad din silang natigilan.
"Huh? Papaalam?" takang tanong ni jerome.
Agad din akong tumango.
"Saan ka naman pupunta?" tanong naman ni jacob.
"Hmm, Sa dati kung saan talaga ako lumaki." Kita ko ang pagiiba nang awra nila na parang ayaw akong paalisin.
I hate goodbyes..
"Bakit hindi ba masaya dito? Hindi ba masayang kasama mo kami?" tanong namang ni sam.
"Hindi naman sa ganon. Siguro kailangan ko lang muna nang magisip isip. Babalik din ako pagtapos ko nang college." sabi ko.
"Ayaw mo ba dito?" tanong naman ni aly na nakatabi kay zhaun na kanina pa nakatingin sakin. Onti nalang teh lusaw na 'ko!
"Siguro, Maybe, Ewan. hahaha ano ba kayo ang seryoso niyo." sabi ko habang nagpipilit nang tawa.
"Aurora parang kang ewan jan. Alam mong nasanay kaming kasama ka tapos bigla kang mawawala." sabi ni jerome.
"Ikaw kase dapat jerome." sabi ni sam na nakuha pang magbiro. Pero medyo natawa ako doon.