Chapter 2

36 3 12
                                    

My Name

Nagising ako dahil sobrang ingay sa baba. "Jusko naman oh! Ayaw ba nilang magpatulog?! Anong oras palang oh?!" tumingin ako sa orasan at nakita kong 8:01 na. Pucha! Napabangon ako kahit na sobrang antok ko pa.

Agad akong naligo. Nag toothbrush at nagbihis ng pang eskwela. Hindi na ako nag-abalang kumain pa kasi late na ako, sa canteen nalang ako kakain kung may oras pa.

Umalis ako kaagad sa bahay ng walang paalam at agad na nagcommute, 20 minutes lang naman kaya may oras pa akong kumain.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa canteen ay nakita ako ni Tyler.

"Calie, misis ko!" nakangiti s'ya habang papalapit ako sa kan'ya. Heto na naman tayo sa 'misis'. Baka patulan ko na 'to! Pigilan n'yo ako!

"Anong mayro'n at nandito ka sa canteen? Hindi ka rin ba kumain ng breakfast?" obvious naman Calie, 'di'ba?

Pero curious ako kung ano talaga gagawin n'ya dito.

"Anong gusto mo? Libre na kita," jusko! napakabait naman talaga ni Tyler. Mabait na bata 'yan? 

"Kahit ano na riyan! Nagmamadali ako bilisan mo, late na tayo oh--ohmayghad! Bye. Alis na ako. Puncha! Late na ako!" Umalingawngaw ang boses ko sa canteen.

Dali dali akong tumakbo papunta sa classroom. Buti nalang may 1 minuto pa bago mag simula.

Napabuntong hininga na lamang ako.

Habang tumatakbo ako ay may nakabungguan na naman ako.

Jusko! Lagi nalang ba! Agad akong tumayo. Wala na akong pakialam kung sino s'ya. Malalate na ako!

Grabe! Late yung teacher namin ng 30 minuto. Pucha! Nakakain pa sana ako agahan ko.

Pumasok na 'yung teacher. Grabe, kung alam n'yo lang. Kung anu-ano na ang pinag gagawa ng isip ko sa kanya.

Wait lang, may kasama s'ya. Ito na siguro 'yung sinasabi nilang tranferee. Pucha! wait, bakit parang may kamukha 'to?

Namumukhaan ko 'tong lalaki na 'to. Hindi pwedeng magkamali ang mga mata ko.

"Hello everyone. I have an important announcement." Tumigil siya ng ilang segundo at tinignan ang katabi niya. "We have a new student and please let's give him a warm welcome to our school." nakangiting sabi sa amin ng adviser naming late.

Sino ba 'yan?  Bakit parang 'di nasisinagan ng araw? Sobrang puti, parang wala ng dugo pero medyo matipuno s'ya, mas matangkad kaysa sa akin, and he's cute pwede na rin. Wait, a-anong sinabi ko, wth?!

Hoy! Calie Lopez, baka nakakalimutan mo s'ya 'yung dalawang beses na bumunggo sa'yo at hindi man lang nag sorry. Pucha!

"You may take your seat next to Ms. Lopez," nataranta ako sa sinabi ng adviser namin. Hindi ko alam ang gagawin ko! Pa'no ba 'to?!

Wait, nagpakilala na ba 'to? Ba't 'di ko lang narinig?

Umupo na siya sa tabi ko. Bigla namang nagsitaasan ang balihibo ko. Nakakaramdam ako ng panganib sa kanya. Oh wait, baka imagination ko lang?

"So... ikaw pala, ha?" Pagkikilatis ko sa kaniya. "My name is Calie and you are?" pagpapakilala ko sa sarili ko. 'Calie' is from the Greek word Callie which means beautiful. Ibang klase talaga ang pangalan ko.

Naghintay ako ng sagot n'ya pero parang wala talaga s'yang narinig. Eh, 'di ikaw na ang cold blooded animal!

Nakikinig ako sa whole discussion para wala namang masabi yung adviser namin. Nakakahiya naman sa kanya, baka matawag ulit ako sa recitation.

Between Two LiesWhere stories live. Discover now