Complication
Sa sobrang excited ko 12:00 A.M. gising na ako kahit na 3:00 A.M. ang alis namin.Masisisi n'yo ba ako! First time kong mag out of town ng hindi kasama parents ko at sa Batanes pa!
Excited na akong makita ang Batanes sana walang bagyo ng dumating para enjoy. Sabi sa balita wala namang bagyo kaya magiging masaya ang vacation namin. Susunduin ako nila Cza d'to sa bahay. Icha-chat nila ako 'pag malapit na sila para i-ready ko na yung mga dadalhin ko.
Malapit ng mag 3:00 A.M. chat nalang nila ang hinihintay ko.
MGA KEOT
Me: San na kayo?
Cza: Nagbago na yung plano natin Calie
Faith: Si Tyler ang sumundo sa amin kita nalang tayo sa airport
Me: Pano naman ako?!
Cza: Mayrong susundo sayo
Me: Sino!
Naka receive ako ng message request.
"Mula k-kay A-adryan?!" Sabi ko sa sarili ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi na ako makapag-isip ng tama.
Binuksan ko naman ang message request n'ya.
Adryan Salazar
Adryan: Malapit na ako
Me: Malapit?
Adryan: Ah hindi pa ba nasabi sayo?
Me: Ang alin?
Adryan: Ako ang susundo sayo
Nu'ng akala kong mabilis na ang tibok ng puso ko ay hindi pa pala mas lalo pang bumilis ito. Pinagpapawisan na ako. Hindi ako mapirmi sa kinauupuan ko. kung kanina ay chill lang ngayon hindi ko na maintindihan.
"Ano bang problema Calie?" Sabi ko sa sarili ko. "Ihahatid ka lang n'ya sa airport at magkikita na kayo nila Cza." pagpapaalala ko sa sarili ko. Hindi ko namalayan na may kasama pala ako na naghihntay.
"Hoy! Anong pinagsasabi mo?!" Tanong ni Kuya. Chismoso rin pala 'to.
"Wa-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may bumusina sa labas ng bahay.
Agad na tinignan ni Kuya kung sino 'yon. Agad n'yang akong tinawag para lumabas. Nakita ko si Adryan na bumaba ng sasakyan.
Nanginginig ang mga tuhod ko. Hindi ako makahinga ng tama. Hindi rin ako makapag-isip ng mabuti.
Nakangiti s'ya sa akin at ngumiti rin ako pabalik. Ibang klase yung ngiti n'ya nakakapagpatunaw ng mga buto.
"Ito ba 'yung susundo sa'yo?" Tanong ni Kuya. Halatang naguguluhan dahil ang sinabi kong susundo ay sina Cza at Faith.
"Oo, Kuya." Sabi ko sa kan'ya nag-aalangan pa akong sagutin ang tanong n'ya.
"Akala ko ba sina Faith at Cza?" Nakakunot ang nuo n'ya. Hindi ko masisisi si Kuya kung gan'yan makapagreact.
YOU ARE READING
Between Two Lies
RandomA girl that has imaginative mind stuck between the reality, truth, and lies. This is a story about finding and analyzing the truth between the two lies can she find out the reality? Can her mind identify the truth? Can she open her eyes in her situa...