Unknown
Habang nagpre-prepare kami para sa dadalhin namin mamaya, nag-uusap kaming tatlo nila Cza at Faith kung anong magandang pasalubong.
"Bato nalang ipasalubong natin!" Walang saysay na sabi ni Faith.
Nabaliw na ata 'to sa mga nalaman n'ya kagabi.
"Eh, kung ikaw batuhin ko ng bato. Gusto mo?!" Inis na sabi ni Cza.
Langya! Away na naman?! Buti mabait ako ngayon. Wala akong ganang makisawsaw.
"Relax lang pwede ba?! Sa ibang araw na natin pag-usapan mga pasalubong. Marami pa naman tayong time rito." Pangangatwiran ko.
Agad naman na silang tumahimik at hindi na nagsalita. The power of my words. Napangisi at napailing nalang ako.
Gusto naming mag beach ngayon. Nakaready na ang two-piece bikini outfit namin nila Faith at Cza.
Papunta kami ngayon sa Morong beach. Kailangan namin sumakay ng bangka dahil nasa Sabtang Island 'yon.
Ilang minuto rin naming binaybay ang dagat. Habang binabaybay namin ang dagat hindi namin napigilang mapakanta.
"Hey, girl, I'm waiting on you, I'm waiting on you
Come on, and let me sneak you out
And have a celebration, a celebration
The music up, the window's down"Simulang kanta ni Tyler halatang maka One Direction s'ya.
Kami naman ni Cza ay pumapalakpak kasabay ng rythm ng kanta. Habang si Faith naman ay ginagawang drum ang tabla sa harap n'ya.
"Yeah, we'll be doing what we do
Just pretending that we're cool and we know it too"Si Adryan naman ang sumunod at umaarte pang may hawak na microphone.
Bigla namang umarteng inagaw ni Ace ang microphone kay Adryan.
"Yeah, we'll keep doing what we do
Just pretending that we're cool, so tonight"Napatawa nalang kami dahil hawak hawak ni Ace ang kamay ni Adryan habang kumakanta.
"Let's go crazy, crazy, crazy 'til we see the sun
I know we only met, but let's pretend it's love
And never, never, never stop for anyone
Tonight, let's get some
And live while we're young"Sabay sabay naming kinanta ang chorus at the top of our lungs. Bigay na bigay sa pagkanta ang lahat.
Tawang tawa kami sa mga pinag gagawa ng mga kasama naming lalaki. Hindi namin namalayan na nakarating na kami.
Sobrang ganda at sobrang putin ng buhangin. May rock formation din.
Nagtinginan kaming tatlo nila Cza at Faith. Mayro'n kaming nakakalokong mga ngiti.
Agad naming tinanggal ang aming damit at pants. Iwinagayway ito at tumakbong sumisigaw.
Iniwan namin ang aming suot sa may rock formation at agad na nagtampisaw sa dagat.
Hindi namin alam pero tawa kami ng tawa kanina pa. Hindi namin namalayan na nasa seashore na pala ang mga boys na kasama namin.
Nakalatag na blanket at naka labas na ang mga pagkain.
"Girls may naiisip ako." May nakakalokong ngiti ako habang nakatingin sa kanila.
Ngumiti na rin sila ng nakakaloko na parang alam na ang gagawin.
"Gusto n'yo mag fashion show sa harap ng boys?" Tanong ko sa kanila.
"Kayong dalawa nalang! Wala akong boyfriend d'yan!" Natatawang sabi ni Faith.
YOU ARE READING
Between Two Lies
RandomA girl that has imaginative mind stuck between the reality, truth, and lies. This is a story about finding and analyzing the truth between the two lies can she find out the reality? Can her mind identify the truth? Can she open her eyes in her situa...