Visitor
"H-huh!" Tanging nasabi ko sa kan'ya. Naguguluhan ako sa mga sinabi n'ya.
"I want to create memories with you. I want to be on your side. I want to hang out with you." Seryoso n'yang sabi. "And I want you." Dagdag n'ya.
Biglang nagtaasan ang balahibo ko dahil sa sinabi n'ya. "S-seryoso?!" Hindi ko makapaniwalang sabi.
"Kahit hindi mo na paniwalaan ang lahat..." Tumitig s'ya sa langit. "Basta paniwalaan mo lang ako." Sabay tingin sa aking mga mata. May maliit na ngiting nakalagay sa kan'yang mga labi.
Napaiwas naman ako sa mga titig n'ya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Kahit unting oras lang, pwede ko bang ipakita ang pagmamahal ko sa'yo?" Tanong n'ya sa akin.
Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko. Nakakaramdam ako ng init sa aking pisngi.
"Manliligaw ba s'ya?" tanong ko sa isip ko. "Bakit kasi hindi pa straight to the point!" Sabi ulit ng utak ko.
Ayaw kong magtanong sa kan'ya kung manliligaw pa s'ya. Feeling ko magiging kahiya-hiya lang ang sarili ko kapag nagtanong.
"A-ah--" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil nagsalita s'ya.
"Pwede ba akong manligaw?" Aniya na nagpatikom sa aking bibig.
Biglang napalaki ang aking mga mata. Totoo ba?! Totoo yung narinig ko?!
"B-baka hindi ka pa sigurado. M-maybe you're just bored kaya sinasabi mo yan." Hindi pa rin ako naniniwala.
"Pero seryoso ako!" May diin n'yang sabi. Napaka seryoso ng kan'yang mukha. "Pwede ka namang tumanggi kung ayaw mo." Aniya na may malungkot at hindi mapintang mukha.
Natigilan ako sa huling sinabi n'ya. Tatanggi ba ako? Pwede naman d'ba?
"Ok..." Napatingin s'ya sa akin at nakakunot ang noo. "Let's give it a try. Plan a perfect crime to stole my heart." Nakangiti kong sabi sa kan'ya.
Ilang segundo s'yang natigilan at isang ngisi ang sumilay sa kan'ya. Kinagat pa nito ang pang-ibabang labi at tumango tango. Cute.
Habang nakatingin ako sa langit ay narinig ko na naman ang pag strum n'ya sa gitara. Ilang saglit pa ay narinig ko na ang malamig n'yang boses.
"When I look into your eyes
It's like watching the night sky
Or a beautiful sunrise
Well there's so much they hold"Napatitig lamang ako sa kan'ya. Pilit kong pinapakalma ang puso ko. Pilit kong inaayos ang paghinga at mag-isip ng tama.
"And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?"Tumigil naman ito sa pagkanta. "You know what, you're like those stars." Aniya at tumingin sa langit. Napatitig na rin ako. "But what makes you different is..." Tumingin na ito sa akin. "You are the brightest among them that it captures my eyes. And I can't resist to look at you most of the time." Seryoso n'yang sabi at nagsimula ulit mag strum.
YOU ARE READING
Between Two Lies
RandomA girl that has imaginative mind stuck between the reality, truth, and lies. This is a story about finding and analyzing the truth between the two lies can she find out the reality? Can her mind identify the truth? Can she open her eyes in her situa...