Chapter 9

15 3 7
                                    

Visit

Isang araw bago kami umalis papuntang Batanes. Nakalagay na lahat sa maleta ko ang lahat ng kailangang dalhin.

Nag message na ako kina Cza at Faith kung anong oras nila ako susunduin bukas. Hindi ko alam kung ganito ba talaga, pero excited na ako! Hindi ako makakain ng tama. Hindi na nga ako nakatulog kagabi kahit na bukas pa naman alis namin.

Nasasayangan naman ako dahil I invited Ace, pero may pupuntahan pala sila ng magulang n'ya. Hindi ko alam pero gusto ko s'yang makasama kahit sandali lang.

Bumaba na ako para manood ng T.V. pero gulat ako, na may bisita pala kami.

"Oh, Calie. Meet Marl Alvarez." Nakangiting sabi ni Kuya. I smell something fishy. "She's my friend." Dugtong nito.

Friend?! Talaga lang, Jade Lopez?! Kapag kayo talaga nagkatuluyan!

"Hi, nice to meet you Calie." Nakangiti n'yang sabi.

Ang sweet ng boses n'ya. Parang mabait, mala anghel kan'yang mukha. Ang gaan ng pakiramdam mo sa kan'ya. Feeling ko magiging close kami nito. Bet ko s'ya para kay Kuya Jade. 'Wag mong paiyakan Marl Alvarez kung hindi lagot ka sa akin!

Ngumiti naman ako at niyakap ko s'ya. "Welcome to the family, ate." Kumalas na rin ako kaagad pagkatapos kong masabi 'yon.

Natigilan naman s'ya sa aking ginawa. Naguguluhan ata. Nakita kong tinignan n'ya si Kuya.

Napakamot naman ng batok si Kuya. Hindi ko alam kung nahihiya s'ya or kinikilig. Feeling ko talaga, hindi friend lang ang tingin n'ya kay Marl.

Gumawa na ako ng meryenda para sa kanila. Ayaw ko namang si Kuya pa ang gumawa, gusto ko silang bigyan ng time para maglandian.

Wala akong magawa sa bahay kay pumunta ako kina Cza. Excited na talaga ako bukas!

"Cza naka impake ka na ba?" Tanong ko sa kan'ya. Naghahanda s'ya ng pagkain namin. Ako naman sa iinomin.

"Hindi pa. Mamaya nalang." Aniya. Pumunta na s'ya sa sala at sumunod na ako dala ang mga inumin. "Ikaw ba?" Tanong n'ya sa akin.

"Oo! Kagabi pa! Hindi na nga ako nakatulog." Sabi ko.

Natawa naman s'ya. Anong nakakatawa?! Inihanda n'ya na ang T.V dahil mag mo-movie marathon kami.

Nagulat ako ng may dumating. Hindi ko inaasahan na makikita ko s'ya d'to pagkatapos ng nangyari sa library.

Something's different. What's wrong with me? Why I suddenly feel this? Why I am smiling? Why I'm being like this when in fact it shouldn't? Is he the one for me? But I can feel it too when I'm with Ace. NO! I want clear things out before I conclude. It really confuse me.

"Goodmorning, Cza!" Aniya. Lumapit si Adryan kay Cza at nakipag beso.

So para lang akong hangin na nilagpasan n'ya! At bakit may pa beso sa pisngi?! Kaano-ano ba nila si Adryan?! Nakakahighblood naman!

Nag-iinit ulo ko at bumubilis ang puso ko sa galit. Hindi n'ya lang ako binati. Multo ba ako?! Estatwa lang ba ako d'to?!

Tumikhim ako. Para naman s'yang nagulat at hindi n'ya akalain na nandito ako sa bahay nila Cza.

"Oh, nand'yan ka pala, Calie!" Aniya. Nakangiti s'ya sa akin. Pero walang effect sa akin 'yon. Galit ako sa kan'ya

"Ay, wala ako rito!" Sarcastic voice. Sabay irap sa kan'ya.

"Hoy! Bakit ka galit?!" Sabi ni Cza. Nakangiti naman ito at parang nakakaloko.

Galit ba ako?! Hindi naman d'ba?! Ba't ako magagalit?!

"Galit ba ako?!" Sabi ko sa kanilang dalawa.

Tumawa naman si Cza na parang may nakakatawa sa sinabi ko. Baliw na ata 'to!

"Ah... Sige alis na ako Cza. Hinatid ko lang 'tong pinapamigay ni Tyler sa'yo." Nakangiting sabi ni Adryan. Sabay abot ng isang box kay Cza.

Wait, wth?! Ba't may pa box si Tyler kay Cza?! Bakit kay Adryan ipinadala ni Tyler?! Mayro'n ba akong dapat malaman?!

"Ah, hindi ka ba muna mag s-stay?" Tanong ni Cza. Nakangiti si Cza habang nakatingin sa mga mata ni Adryan.

Gigil ako ng babaeng 'to. Ba't gan'yan s'ya makatingin?

"Ah, hindi na," Aniya. Sabay umiling. "May pupuntahan pa kasi ako." Pagtatapos n'ya. Nakangiti s'yang nakatingin kay Cza.

"Sige, ingat ka ha!" Nakangiting sabi ni Cza.

Anong mayro'n sa kanila?! Ba't sila nakangiti sa isa't-isa. Out of place na ako dito ha! Hangin lang ata ako dito!

"Bye." Sabay beso sa pisngi ni Cza. Nairita na naman ako sa ginawa ni Adryan. Ewan ko ba! Basta nabwebwesit ako 'pag ginagawa n'ya 'yun kay Cza.

Nagkatinginan naman kami. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapagsalita. Umiinit ang buong katawan ko. Hindi ko maintindihan.

Ngumiti naman s'ya sa akin. At kumaway pa alis. Gano'n lang?! Yung kay Cza may beso! Yung sa akin kaway lang?!

Nakangiting tumango nalang ako sa kan'ya. Pero yung ngiting iyon ay may halong pagka dismaya.

Bakit pala ako madidismaya? At bakit ko lahat naisip ang mga naisip ko kanina?! Bakit ganito epekto n'ya?

END OF CHAPTER 9

Sorry kung maikli lang pero babawi ako sa susunod na mga chapters.

See you in Batanes!😍




Between Two LiesWhere stories live. Discover now