Your Name
'Di ako makapaniwala. S'ya ba talaga ang nasa harap ko?!
Imposibleng nand'to s'ya. Pa'no s'ya nakapasok d'to?!
"P-pa'no ka nakapasok?" Nakakapagtaka naman talaga. Hindi naman s'ya pwedeng tumagos sa pinto. Multo na kaya 'to?
"Bobo ka ba?! Syempre dumaan sa pintuan." Ako pa talaga ang bobo?! Oo na, bobo na nga!
"Tanga ka ba?! Nakasarado na oh!" Kung bobo ako, ikaw TANGA!
"Bwesit ka! Malamang kanina pa ako nandito. Nasaraduhan din ako." Aniya.
Parehas pala kaming tanga. Bakit kasi sa dinami-dami ng lugar na pwedeng pagtulugan, sa library ko pa naisip. Tanga lang?
"Ano naman 'yong pinagsasabi mo riyan?!" Pucha! Alam ko namang maganda ako pero 'wag ng ulitin. Self proclaim.
"Nabasa ko yung pangalan mo. Beautiful pala meaning in Greek. Pero 'di ka naman maganda!"
Aba't?! Gagong 'to!
"HOY! Ace the President of SSG, 'di ko alam na may ugali ka palang gan'yan?!" Kala mo kung mabait na tao maysa demonyo din pala 'to.
"You know I have this motto-- 'Side with the truth and nothing but the truth' and feeling ko nabasa mo na rin 'yan." Nakangiti n'yang sabi.
Aba, memory test ba 'to? Ako pa talaga ang sinubukan mo? May hyperthymesia ako 'pag nagbabasa ng wattpad. Mayro'n naman akong amnesia pag mga subject ko na ang binabasa ko, nakakalimutan ko.
"Convict Me, Attorney. Second book in the law series of Josh Gonzales," nakangisi ako habang sinasabi ko 'yon. "Dialogue of Avery Heimsworth." Pagtatapos ko.
Girl crush ko si Avery. She's smart in the court and always play the game on her hands. Bakit pa s'ya tatawagin na 'The Queen of Court Trials' kung hindi s'ya magaling.
"Ikaw ba yung naglalakad kanina?" Pag-iiba ko nalang ng usapan.
Nag-iba ang expression ng mukha n'ya. Wait, 'wag mong sabihing hindi s'ya yon?!
"May kasama pa ba tayo d'to?" Nakakunot ang noo nya. "Nag CR lang ako d'to kanina at pagkalabas ko madilim na. Nakatulog ata ako." Natatawang sabi n'ya.
Naguguluhan na ako! So, hindi s'ya yon? Eh, sino--
Napatakbo ako sa kanya. Hindi ko namalayan na nakayakap pala ako sa kanya. Dinig ko ang pag bilis ng puso n'ya, pagbagal ng paghinga n'ya. Masyado bang masikip pagkakayakap ko?
"A-ah... s-sorry? Natakot lang," bigla akong napabitaw sa pagkakayakap sa kanya. Grabe, nakakahiya yung ginawa ko! Baka akalain n'ya malandi ako.
Hindi pa rin s'ya kumikibo kaya hinila ko nalang s'ya papunta sa may upuan.
"May kasama pa ba tayo d'to?" Pagbasag n'ya ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Nanginginig ang mga tuhod ko sa takot. Kakanood ko 'to ng mga horror films, e! Kaya kung ano-ano na naiisip ko.
"Malay ko ba kung mayro'n tayong kasama rito?!" Pabalang kong sabi para hindi halata na takot na ako.
Bigla s'yang napatayo at may itinuro sa likuran ko. Ano na naman 'to?!
"Eh, s-sino 'yan?" Nanigas ako sa kinauupan ko.
"A-ace 'wag kang gan'yan," pero 'di nagbago ang expression ng mukha n'ya.
Unti-unti akong tumayo sa kinuupuan ko at lumingon ako sa tinuturo nya.
Wala! wala akong nakita kundi libro!
YOU ARE READING
Between Two Lies
RandomA girl that has imaginative mind stuck between the reality, truth, and lies. This is a story about finding and analyzing the truth between the two lies can she find out the reality? Can her mind identify the truth? Can she open her eyes in her situa...