Chapter 7

19 3 25
                                    

Meet and Greet


It's Saturday today may lakad kami nila Faith at Cza. Kababangon ko lang at hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila Kuya kagabi.

As usual I'm doing my morning routine. Kinuha ko ang cellphone ko. Magpapatugtog ako ng kanta pero may kumatok sa pinto ko.

Pagkabukas ko n'un ay nakita ko si...

"A-ace?!" Nagkatinginan kami sa mata. Halatang gulat din s'ya. Hindi ko inaasahan na napindot ko pala ang kantang gusto kong patugtugin.

Every time our eyes meet
This feeling inside me
Is almost more than I can take

Parang huminto ang oras ng sandaling marinig ko ang kanta. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanginginig ang aking mga tuhod. Hindi ko kaya! KINIKILIG AKO!

Baby, when you touch me
I can feel how much ya love me
And it just blows me away

Napalunok naman ako sa narinig kong lyrics. Hindi ko inaasahan ang gagawin n'ya. Pumasok s'ya sa aking kwarto kaya napaatras naman ako. Isinara n'ya ang pinto at ni-lock.

Jusko! Anong gagawin n'ya sa akin?! Inilahad n'ya ang kanyang kamay. Hinawakan ko naman ito. Nilapit n'ya ang aking katawan sa kan'ya. Nilagay n'ya ang kanang kamay sa waist ko at ako naman ay inilagay ang kaliwang kamay ko sa balikat n'ya.

I've never been this close to anyone or anything
I can hear your thoughts, I can see your dreams

Unti-unti kaming gumalaw at nagsimula ng mag slow waltz.

"I don't know how you do what you do
I'm so in love with you."

Nagulat ako ng sinabayan n'ya ang kanta. Napangiti naman ako at the same time kinikilig. Feeling ko pulang pula na ako.

"It just keeps gettin' better
I wanna spend the rest of my life with you by my side
Forever and ever."

PUCHA! Hindi na ako makatingin sa kan'ya. Ang ganda ng boses n'ya. Parang kinikiliti ang tainga ko at puso.

"Every little thing that you do
Baby, I'm amazed by you"

Nakangiti n'yang sinabi ang huling kataga ng kanta. Bakit ganito ka, Ace?!

Kumalas naman na ako at pinatay ang music. Naguguluhan ako. Hindi ba 'to umuwi?!

"Hindi ka ba umuwi kagabi?!" Tanong ko sa kan'ya.

Umupo naman s'ya sa aking kama sabay iling na parang batang naiwan sa bahay.

"Ah... Gutom ka na ba?" Nahihiya kong tanong. Shet! Baka gutom na 'to! Sa'n ba si Kuya?!

"Hindi pa naman." Ngumiti ito sa'kin. Cute.

"Ipagluluto nalang kita." Sabi ko at sabay hila sa kan'ya. Shet! Ang lambot ng kamay n'ya! Daig pa kamay kong puro kalyo.

Pagdating namin sa kusina ay wala akong maisip na mailuluto. Nagulat ako ng tumabi s'ya sa akin.

"Anong gusto mo?" Tanong n'ya sa akin. Nagulat naman ako dahil s'ya ang nagtanong. Hindi ba dapat ako?!

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong n'yan?" Sabi ko sa kan'ya. Ngumiti naman ito at parang may binabalak.

"Ako nalang ang magluluto para sa'yo." Aniya. Ikinagulat ko ito. Seryoso ba 'to?!

"Hindi pwede! Ikaw ang bisita kaya dapat ako ang magluluto!" Ma-awtoridad kong sinabi.

"Ako nalang, I insist." Aniya.

Between Two LiesWhere stories live. Discover now